Chapter 32
3rd Person's POV
Napatigil si Keehan matapos marinig iyon. Hindi niya alam kung anong ire-react pero medyo nakahinga siya ng maluwang matapos maging okay si Bazile. Ang mahalaga ngayon kay Keehan ay okay si Bazile. Umupo si Keehan at sinapo ang mukha."Kailangan na lang natin gawin ngayon ay pagbayarin ang mga gumawa nito dahil alam ko hindi titigil si Grim hangga't hindi nahahanap ang gumawa nito kay Bazile," ani ni Keehan. Kumunot ang noo ni Jaxon.
"Hindi ka ba worried na nakalimutan ka ni Bazile?" tanong ni Jaxon. Tumingin si Keehan.
"He loves me from the start at alam ko na kahit makalimutan niya ako pa din ang mamahalin niya hanggang sa huli," ani ni Keehan. Then tinanong ni Jaxon kung anong plano.
"Kailangan natin kausapin sina Apollo about dito at itatanong ang about sa caps—"
Napatigil si Keehan at napahawak sa ulo matapos kumirot iyon. Medyo nag-worried si Jaxon kaya lumuhod ito sa harapan ni Keehan at hinawakan ang ulo ni Keehan.
"Kukuha kita ng gamot."
Tumayo si Jaxon at binuksan ang drawer ni Keehan. Doon niya nilagay ang mga gamot ni Keehan.
—
"Keehan, my god. Buti naman okay ka na," ani ni Gaizer. Nilapitan din ito ni Wax na hawak si Peach."Hey Peach. Nandito na si papa," ani ni Keehan na may ngiti sa labi at hinalikan sa noo ang baby. Tiningnan ni Keehan si Gaizer after nito kinuha si Peach.
"Sorry manager. Pinag-alala ko na naman kayo," ani ni Keehan na puno ng sincerity. Tumawa si Jaxon at inakbayan si Keehan. Sinabi nitong sina Gaizer ang nag-alaga kay Peach habang natutulog ito.
Nakaupo si Bazile sa sofa hawak ang bagong phone na binili sa kaniya ni Grim dahil nga nabasag at nagkadurog-durog ang dati nitong phone sa aksidente.
Nakapako ang tingin nito kay Keehan na may buhat na baby. Hanggang sa mga oras na iyon hindi niya alam kung bakit wala siyang naalala about kay Keehan at sa anak nito. Nakita niya sa magazine na matagal na itong miyembro ng TK.
Napatingin sa direksyon niya si Keehan. Mukhang nagulat si Bazile kaya naingat nito ang phone at nagkunwari na may ini-scroll.
Katulad ng sinabi ni Jaxon wala nga naalala si Bazile tungkol sa kaniya at kay Peach. Napagkamalan din nito na boyfriend ni Keehan si Jaxon.
"Hindi boyfriend ni Jaxon si Keehan. Bestfriend sila," pagtatama ni Elliseo. Napatingin si Bazile doon.
"May asawa si Keehan?" tanong ni Bazile. Hindi nagsalita si Elliseo.
"Meron ng fiance si Keehan. Sad to say kinalimutan silang mag-ama," sagot ni Grim habang hawak ang phone nito. Bumalik si Keehan sa unit Gaizer matapos nga makatulog ni Peach at dinala ito ni Keehan sa playroom.
"Kaya mo na ba magtrabaho bukas? Mukhang nahihirapan na manager kausapin ang mga staff sa company dahil sa almost 1 week mo na absent," ani ni Apollo. Sumabat si Gaizer na hayaan muna si Keehan magpahinga.
"Don't worry manager. Papasok na ako bukas. Ayos na ako," ani ni Keehan at umupo sa pang-isahan na sofa. Nagtama ang mata ni Keehan at Bazile. Ngumiti si Keehan.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Keehan. Tumikhim si Bazile at umiwas ng tingin.
"Ayos na ako. Pinagbabawalan lang ako masyadong gumalaw," sagot ni Bazile. Tiningnan ulit ni Bazile si Keehan.
Kinausap ni Keehan si Apollo about sa project ng TK na gagawin nila before end of the month. Pinasadahan ng tingin ni Bazile si Keehan mula sa hita ulo nito hanggang sa mga hita nito.
Nag-cross legs si Keehan. Naiiwas ni Bazile muli ang tingin matapos magtama ang mata nila ni Keehan.
"Balik na muna ako sa room ko," paalam ni Bazile at tinungo ang pintuan palabas ng unit ni Gaizer.
Natawa si Keehan. Kita kasi ni Keehan kung gaano ka-confused si Bazile kanina.
"Keehan naibigay na pala sa akin ng mga tauhan ko ang about sa capsule. Ito ang result," ani ni Elliseo at binigay kay Keehan ang folder. Kinuha iyon ni Keehan at binuksan.
Unang bumungad sa kaniya ay isang litrato ng mga scientist. Napatigil si Keehan matapos mapako ang tingin niya sa lalaking nasa gitna at may hawak na tube.
"Iyong may hawak na tube— ayan ang ama mo Keehan. Alfredo Rosales. Siya at ang tatlo pang scientist ang gumawa ng capsule," ani ni Elliseo. Kahawig ni Keehan ang nasa picture kaya nakilala na agad nila kung sino ang ama ni Keehan sa mga ito.
Tiningnan ni Keehan ang laman ng documents at binasa ito isa-isa. Nahawakan iyon ng mahigpit ni Keehan.
"May mali dito. Paanong tumakas ang tunay na ama ko sa lab dala ang mga gamot kung para sa goverment iyon. Hindi ko maintindihan at paanong nagkainteres ang mga yakuza," ani ni Keehan at tiningnan si Elliseo.
"Boss, nandito na iyong babae."
Napatigil si Keehan at lumingon. Pumasok iyong babae sa kwarto. Nagulat ang babae matapos mapako ang tingin niya kay Keehan. Muli ay naiiyak itong lumapit sa kanila.
"Walang pagdududa na isa ka sa mga anak nina Alfred at Rosalie," naiiyak na sambit ng ginang. Tumingin si Grim kay Keehan.
"Siya lang makakasagot ng tanong mo Keehan about sa capsule at tunay na nangyari sa pamilya mo."
Napatigil ang ginang matapos makita ang hawak ni Keehan na litrato pati na din iyong litrato ng capsule. Nagbago ang expression ng ginang— pinaupo ni Jaxon ang ginang sa sofa.
"Pwede ko ba makita ang mga picture?" tanong ng ginang. Inabot iyon ni Keehan sa babae na agad kinuha ng ginang.
"Ito iyong huli kuha nila Alfredo bago lumabas ang tungkol sa capsule," ani ng ginang. Dumilim ang mukha ng ginang.
"Lahat ng tao na nasa picture na ito ay wala na ngayon dahil lang sa mga kasakiman ng iilan," ani ng ginang. Nahawakan iyon ng babae ng mahigpit.
"Kahit ang nakakabata kong kapatid."
"Si Rosalie."
Parang sirang plaka na bumalik lahat sa isip ni Rose ang mga ala-ala ng kapatid niya at ng asawa nito ma si Alfred.
"Totoo ba ang nasa dokumento na ito na ninanakaw ng tunay kong ama ang capsu—"
"No! Paanong nanakawin iyon ni Alfred kung siya mismo ang gumawa ng capsule na iyon!" putol ng ginang kay Keehan. Sinapo nito ang noo.
"Aksidente lang ang pagkakagawa ng gamot na iyon. Unexpected iyon ni Alfred dahil ang project nila ay gumawa ng gamot sa cancer."
BINABASA MO ANG
Territorial Kings: His Perfect Innocence
General FictionBlurb "Sexsomnia is recognised as a rare sleep disorder in which a person engages in sexual activity during their sleep. In general they'll have no recollection of events during the act or when they wake up." Naisara ni Keehan Alvarez ang laptop m...