Chapter 21
3rd Person's POV
"Ikaw lang din nakakaalam ang tungkol kina Bazile at Keehan at ang kondisyon ni Keehan," ani ni Jaxon at ngumisi."Kaya nga nagkaroon tayo ng deal diba?"
Napatigil si Teressa at naiyukom ang kamao. Sabay tumawa ito. Sinabing kapag naalis siya sa trabaho sasabihin niya lahat ng baho merom ang TK pati na din ang sakit ni Keehan.
Walang nakasagot sa TK. Nagulat sina Apollo matapos lumapit si Gaizer na may hawak na kutsilyo.
"Pinatatawa mo ba ako?" tanong ni Gaizer. Pinaikot nito ang patalim sa kamay niya. Namutla ng todo si Teressa nang pag-atras niya at pagtama ng likod niya sa lamesa. Binaon ni Gaizer ang patalim sa lamesa.
"Ilang taon ko pinangalagaan ang TK tapos sisirain mo lang out of whimps? Teressa— tell me gusto mo ba mawalan ng dila at kamay?" may ngisi na sambit ni Gaizer at malamig na tiningnan si Teressa.
"Oh gusto mo mawala sa mundong ito ng walang nakakaalam," malamig na sambit ni Gaizer. Nanginginig na napaupo sa sahig si Teressa sa sobrang takot.
"Kapag may kumalat kahit kaunting impormasyon about sa TK. Kahit saang bahagi ng impiyerno hahanapin kita. Hindi ako naging manager ng TK ng wala lang," ani ni Gaizer at humakbang palayo matapos bunutin ang kutsilyo.
"Kilala mo ako Teressa kapag may na-link ka sa labas at nagulo ang TK. Maayos ko iyon pero kapag ikaw napatay ko— sa tingin mo mababalik mo pa ang buhay mo. Mag-isip isip ka," ani ni Gaizer at umupo muli sa sofa. Nag-angat ng tingin si Teressa.
Laging kalmado si Gaizer at in some reason ito ang nasusunod sa TK. Kahit si Apollo na kahit ang CEO ay kinakalaban— sumusunod kay Gaizer.
Kinagat ni Teressa ang labi at tumatakbong lumabas ng unit. Napa-pokerface si Gaizer at kumuha si Gaizer ng apple para balatan.
"That's it— kailangan natin humanap ng bagong manager. Iyong mapagkakatiwalaan," ani ni Gaizer. Napasapo sa noo si Apollo.
"Manager hindi ba pwedeng ikaw na lang ulit?" tanong ni Jaxon. Sa kondisyon ni Keehan at ng TK kailangan nila si Gaizer. Napatigil si Gaizer at nilingon sila.
"Si Grim ang kausapin niyo hindi ako. Ayaw niya ako gumawa ng trabaho," ani ni Gaizer. Napatigil si Grim matapos dahan-dahan lumapit sa kaniya ang TK except kay Keehan na buhat si Peach.
"Grim Vergara— kapag hindi ka pumayag maghahanap ako ng pinakamagaling na lawyer sa buong mundo at ipapa-divorce ko kayong dalawa! Inagaw mo si manager!"
Sabay na tinalunan ni Jaxon at Elliseo si Grim. Pinagmumura ni Grim ang mga barkada matapos siya sabunutan ng mga ito at hilahin ang tenga.
"Manager, bawal ba talaga?" tanong ni Keehan na umupo sa tabi ni Gaizer. Tumawa si Gaizer at nilingon si Keehan.
"Pwede naman kaso hindi ako pwede magdesisyon ng ako lang. Asawa ko si Grim at bawat desisyon na gagawin namin dalawa dapat may permission ng isa't isa," ani ni Gaizer. Tumango si Keehan at nakangiting sinabi na naiintindihan niya.
"Manahimik kayo! Mga siraulo! Huwag kayong selfish! Nakikita niyo bang may mga anak kami! Kapag naging manager si Gaizer 24/7 nasa TK ang oras 'nan," bulyaw ni Grim sa mga kaibigan. Napatigil ang mga ito.
"Kung hahanap tayo ng assistant manager hindi mapupunta kay manager ang lahat ng trabaho. Grim isipin mo naman ang TK— wala dapat makaalam ang about kay Keehan at sa mga anak natin," ani ni Elliseo kay Grim. Napahilot sa sentido si Grim.
"Kung magkakaroon ng assistant manager may outsider pa din," sagot ni Keehan. Natahimik ang lahat.
"Ngayon napunta tayo sa topic na ito in future lalabas din ang about sa mga bata. Wala naman siguro kayong balak ipagkait sa kanila ang mga pangalan niyo diba?" tanong ni Gaizer. Napatigil sina Grim.
"Shit!"
Napamura sina Elliseo at napahawak sa ulo. Agad nila natanong sa manager kung anong gagawin nila. Nawala sa isip nila papasok sa school ang mga anak nila at hindi nila pwedeng maitago ang existance ng mga anak nila.
"Kung mailalabas ngayon ang existance ng mga bata at maaari niyong ipalabas na nakahanap kayo ng surrogate mother na karaniwan lang sa panahon ngayon. Kahit sa public pwede natin sila mailabas at maisama sa mga site."
"Anong sinasabi mo! Are you out of mind!" tanong ni Grim. Napatayo ito sa sinabi ni Gaizer. Tiningnan siya ni Gaizer.
"Anong gusto mong gawin Grim? Bigla na lang mailabas ang tungkol sa mga bata. Itago din sila— o gusto mong matawag silang mga halimaw sa public dahil lumabas sila galing sa akin?" tanong ni Gaizer. Natahimik si Grim.
"Mahalaga sa bata ang pangalan Grim. Huwag mo sa kanila ipagkait iyon. Kahit na anong mangyari ama pa din nila ako kahit hindi alam ng public— sa akin pa din sila nanggaling at iyon ang mahalaga sa akin ngayon."
Napangiti si Miguel nakatayo lang din sa pintuan at hawak ang anak. Pumayag sina Miguel at sina Elliseo. Io-organize nila agad ang lahat para sa mga bata at pagbalik ni Gaizer.
"Kakayanin mo ba?" tanong ni Grim. Lumingon si Gaizer at hinaplos ang pisngi ng asawa.
"Nandiyan sina Wax at sina Bazile. Tulungan na lang tayo in future kasi ayoko ng maulit ito. Ayoko isaalang-alang ang TK at mga future ng anak natin."
Naging malaking balita nag pagbalik ni Gaizer at ang tungkol sa mga bata na anak daw ng TK. Maraming tumanggap at talaga naman dumoble ang bilang ng mga fans ng TK.
"Bazile look— may kumukuha agad na producer kay Peach," natatawa na sambit ni Keehan matapos nga may komontak sa kaniyang producer.
"Maganda sa Peach," natatawa na sambit ni Bazile at pinisil ang pisngi ng anak. Tinampal iyon ng batang babae. Natawa si Bazile.
"Maldita nga lang."
Maya-maya pumasok si Apollo sa unit ni Gaizer na may dalan documents.
"Guys! Goodnews. Natapos na iyong construction sa subdivision."
"Anong subdivision?" tanong ni Bazile. Nilingon si Keehan.
"Napag-usapan ng Tk na magpagawa ng bahay sa isang subdivision na may mataas na security. Doon na tayo titira," ani ni Keehan at lumingon kay Bazile.
"Wait kasama ako?" tanong ni Bazile. Napa-pokerface si Keehan.
"Idiot! Alangan iwan mo kami ni Peach doon!"
Natawa sina Jaxon matapos pisilin ni Keehan sa inis ang pisngi ni Bazile.
BINABASA MO ANG
Territorial Kings: His Perfect Innocence
Fiction généraleBlurb "Sexsomnia is recognised as a rare sleep disorder in which a person engages in sexual activity during their sleep. In general they'll have no recollection of events during the act or when they wake up." Naisara ni Keehan Alvarez ang laptop m...