29

400 13 2
                                    

Chapter 29 
3rd Person's POV 
"Hindi naman. Gusto ko lang tingnan ginagawa mo," sagot ni Bazile. Natawa si Keehan at ini-off ang phone niya. 

"Puro chismis lang naman makukuha mo sa social media," ani ni Keehan at umikot paharap kay Bazile. Biniro ni Keehan si Bazile na siya na lang tingnan nito. 

"Nagpapatakam ka ba?" tanong ni Bazile. Bago pa makapagsalita si Keehan naihiga na siya ni Bazile sa sofa. 

"Wa-wait— dito sa opisina?" tanong ni Keehan. Ngumisi si Bazile at tinanong kung anong masama. 

Hinalikan ni Bazile si Keehan na agad naman na sumagot na para bang hindi ito umapila kani-kanina lang. Hinubad ni Bazile ang belt ni Keehan at hinalikan ang leeg nito pababa sa dibdib nito. Bukas ang tatlong butones ng suot ni Keehan na longsleeve kaya malayang nabibigyan ni Bazile ng halik ang dibdib ni Keehan. 

Hinawakan ni Bazile ang bewang ni Keehan na kinahila ng hininga ng binata. 

— 
Napabalikwas ng bangon si Keehan nang magising siya sa kalaliman ng gabi. Nasa room na siya ni Bazile at pagtingin niya sa tabi niya— nakita niya si Bazile na sobrang lalim ang tulog. Nakayakap ito sa bewang niya. Bahagyang nakahinga si Keehan matapos niya makita si Bazile. 

Hinalikan niya sa labi ni Bazile hanggang sa may maalala siya. Blond ang buhok ni Bazile. 

"Grim!"

Nagising si Keehan and this time nasa loob siya ng sasakyan. Nagulat lahat ng nasa loob pati si Grim na naalis ang suot na headset at lumingon. 

"Sinong sumigaw?" tanong ni Grim. Nagtataka na nakatingin si Gaizer at sina Wax kay Keehan na napasapo sa noo. 

"Iyong feeling na ikaw katabi tapos ibang lalaki na napanaginipan niya?" komento ni Bazile na naka-pokerface. Nag-sign of the cross si Keehan. 

"Kulang na ba ako sa pananampalataya para mapanaginipan ko si Grim," ani ni Keehan. Napa-pokerface si Grim at napatanong kung si kamatayan ba ang tingin ni Keehan sa kaniya. Masyado itong oa. 

"Anong oa! Napanaginipan kitang tangna ka. Katabi kita sa kama at nahalikan pa kita dahil akala ko ikaw si Bazile! Kadiri!" 

Hinaplos ni Keehan ang mga braso na para bang may maduming bagay na bumalot sa kaniya. 

Tumawa si Jaxon at sinabing kung si Grim nga ang napanaginipan niya. Mangumpisal na si Keehan. Masyado na itong maraming kasalanan. 

Nabato siya ni Grim na kinahagalpak ng tawa ni Jaxon. Agad sumakay si Miguel. 

"Sabihin mo guilty ka lang kasi akala mo totoo iyon at may nahalikan kang lalaki. Ganoon ako minsan iyong may paborito akong boy band sa korea tapos napanaginipan ko iyong leader nakipag-lips to lips ako. Pagkagising ko nagtitili ako. Feeling ko laki ng kasalanan ko 'non," ani ni Miguel tapos nilingon si Elliseo. Naningkit ang mata nito. 

"Then naalala ko kupal na ito ang dami ng nahalikan, actual pa. Natanggal lahat ng guilt na nararamdaman ko."

Tinaas ni Elliseo ang kamay at sinabing past na iyon. Mabait na siya at biglang tumawa. 

"Pero ako first kiss ni Bazile. Cheat din ba iyon?" tanong ni Keehan. Nilingon si Bazile na napataas ng kilay. 

"Paanong maikokonsidera na cheating iyon kung panaginip lang," ani ni Bazile. Ngumisi si Keehan at tinanong kung hindi ito nagselos. 

"Nah— bakit ako magseselos."

Tiningnan maigi ni Keehan si Bazile na parang hindi makapaniwala. 

"Magkano pagpaparetoke? Gusto ko na magpapalit ng mukha."

Muntikan na mahulog sa kinauupuan si Keehan matapos marinig iyon. Agad ito nag-explain na panaginip lang iyon. Hindi nito need magpapalit ng mukha. 

"Sabi mo nandidiri ka. Magkamukha kami ni kuya," ani ni Bazile. Nagpabalik-balik ang tingin ni Keehan kay Grim at Bazile. 

"Kahit sabihin pa na pareho kayo ng mukha magkaiba kayo ng pagkatao my goodness. Si Bazile ang minahal ko at hindi si Grim. Para ko na din siyang kapatid kaya nandidiri ako sa idea na nahalikan ko siya sa panaginip ko."

"Hindi sa akin?" tanong ni Bazile. Agad na umiling si Keehan. 

"Talaga?"

"Bakit ayaw mo maniwala? Bakit hindi mo tanungin si manager kung kaya ka niyang halikan," ani ni Keehan. Tumawa si Gaizer at tinanong kung bakit siya nadamay. 

Tiningnan ni Bazile si Gaizer. Tumikhim si Gaizer at ngumiti. The reassuring one 

"No. I can't."

"Mas gwapo pa din si Grim. Pero kung mas gwapo ka kay Grim. Why not," sagot ni Gaizer 
Nagkaroon ng mahabang asaran sa loob ng sasakyan na iyon. Masyado daw unfair ang manager nila. 

"Magkamukha kami ni kuya," bored na ulit ni Bazile. Tumawa si Gaizer at sinabing hindi maikokonsidera na mas gwapo si Bazile kung magkamukha sila.

"Wait nagkaroon ka ng panaginip?" ani ni Jaxon. Napatigil si Keehan. Oo nga nagkaroon na siya ng panaginip. 

"Effective ba ang sex treatment ni Baz—"

Sinalpakan na ni Elliseo ng tinapay sa bibig si Jaxon. 

"Minsan ang sarap mo tanggalan ng bibig," banat ni Elliseo. Tumawa si Jaxon matapos ngumuya. 

"Mga pa-virgin lang."

Pagbalik nila ng unit. Sinabi ni Keehan na siya na ang kukuha kay Peach. Mauna na sa bathroom si Bazile. Hinalikan ni Bazile si Keehan sa labi bago patawa-tawang tumungo Bazile sa kwarto niya matapos makitang namula si Keehan.

Pagpasok ni Bazile nang bathroom naligo na ang lalaki matapos hubarin lahat ng damit. Umupo sa bathtub at napagpasyahan magbabad muna. Masakit ang katawan niya dahil sa ginawa nilang practice kanina at pagtakbo patungo sa company. 

Pumikit si Bazile. Maya-maya napatigil si Bazile at naimulat ang mata matapos bumukas ang bathroom. Sumilip si Keehan. 

"Malalim na ang gabi diyan mo ba balak matulog?" tanong ni Keehan. Tumawa si Bazile at umupo ng maayos. 

"Tinatamad na akong gumalaw. Masyado akong napagod sa practice kanina," ani ni Bazile. Pumasok si Keehan at lumapit sa bathtub. 

"Tulungan kita?" tanong ni Keehan. Tumawa si Bazile at tinanong kung malinis at sincere ba ang trabaho niya. 

"Trip mo ako? Gusto mo malunod sa bathtub?" tanong ni Keehan na naniningkit ang mata. Sinabi ni Bazile na nagbibiro lang siya. 

Kumuha si Keehan ng shampoo. Umupo sa gilid ng bathtub at sinimulan lagyan ng shampoo si Bazile sa buhok. 

"Naiintindihan ko gusto mo agad kumita ng pera pero sana huwag mo abusuhin ang sarili mo."

Sinabi ni Bazile na kaya niya ang sarili niya. Gusto niya masuportahan sila ni Peach at gagawin niya lahat para makatulong kahig sa financial. 

Napangiti si Keehan at niyakap ang leeg ni Bazile. Hinilig ang ulo sa balikat ng lalaki. 

"Marami naman akong ipon. Dapat ngayon nagpo-focus ka kung paano makaka-graduate at makapasa sa mga exams hindi iyong kumita ng pera."

"Kargado ko si Peach. Kung tutuusin pamangkin ko ang batang iyon— ayokong maging pabigat sa iyo," ani ni Bazile. Tumawa si Keehan at sinabing aampunin nila si Peach. Para na din siyang ama ng bata. 

"Seryoso ka ba doon?" tanong ni Bazile at bahagyang nilingon si Keehan. 

"Mukha ba kong nagbibiro?" tanong ni Keehan at nagtama ang mata nilang dalawa.

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon