44

371 14 4
                                    

Chapter 44 
3rd Person's POV 
Isang araw naglakad-lakad si Keehan sa mansion. Hindi niya mahanap ang mag-ama niya. 

Hanggang sa may narinig siyang kumakanta sa music room. Alam niya siya lang gumagamit 'non dahil hindi naman mahilig si Bazile sa music. Mas gusto nito ang pagsasayaw. 

Tumungo siya doon at pagbukas niya ng pinto nakita niya ang mag-ama niya. Nagpapatugtog si Bazile ng electric guitar. Kumakanta si Peach at tuwang-tuwa ito habang kumakanta. Isa iyong uri ng rap song at talagang nasasabayan ni Peach. Sa pagkakaalam niya limang taon pa lang ang anak niya pero nagagawa na nitong kontrolin ang boses. 

"Pwede ako makisali?"

Napatigil ang dalawa. Kuminang ang mata ni Peach matapos makita ang ama. Tumawa si Bazile at sinabing sige. 

Simula ng araw na iyon naging bonding na nila ang pagkanta. Gustong-gusto ni Peach ang pagkanta at mas lalo pang minahal ng babae ang musika dahil sa mga parents niya. 


Sa classroom pinakita ni Peach ang drawing niya tungkol sa pamilyang meron siya. 

"Meron akong two dad. Daddy Bazile, me and papa. Daddy is a doctor and my papa is a artist. Papa loves to bake and my daddy loves to dance."

Nagtaas ng kamay ang isa sa mga bata. Napatingin ang teacher na medyo nagulat din sa family background ni Peach. 

"Our assignment is about a family. Where's your mom? I have a one mom and dad but you have a  two dad," ani ng batang lalaki. Hindi alam ni Peach ang isasagot. Kapag may school meeting hindi niya pinapupunta ang parents niya dahil busy ang mga ito madalas ngunit nakikita niya lahat ang mga ito may mom. 

"Wala akong mom," sagot ni Peach. Tumawa ang mga kaklase ni Peach. 

"Then your two dad is a alien. Paano ka pinanganal kung wala kang mom. Don't tell me adopted ka," pang-aasar ng kaklase niya. Sinaway sila ng teacher— dumilim ang mukha ni Peach. 

"Anong sinabi mo about sa mga daddy ko?"

"Peach!"

Nagkagulo sa classroom na iyon. Sinuntok ni Peach ang ilong kaklase niya at hinila ang buhok ng mga babaeng nang-aasar sa kaniya. 

May mga dumating din na ibang teacher at napigilan nila si Peach. Biglang umiyak si Peach at ganoon din ang iba pang bata na nasaktan ni Peach. 

Pinatawag ng principal ang parents ni Peach at ang iba pang bata. Nag-freak out ang mga parents matapos makita ang tiyura ng mga anak nila. 

Pilit sila pinahinahon ng mga grade 1 teachers. Hindi nila hinayaan na lumapit ang mga ito kay Peach ns umiiyak pa din. 

"Hindi ba tinuruan ang batang iyan ng tamang asal!" sigaw ng ginang habang yakap ang anak na lalaki. 

"Wala siyang mommy, mom."

Ngumisi ang ginang at sinabing kaya pala asal kalye si Peach. Agad na sumabat ahg advicer ni Peach. 

"Madam, wala kayong alam sa nangyari at hindi niyo dapat sabihan ng ganiyan ang bata," ani ng teacher. Agad na sumabat ang isa pang parent. 

"Bakit hindi ba totoo? Walang ugali iyang batang iyan! Kung may ina—"

"Kung ayan ang sinasabi niyong tamang asal na dapat tularan ng anak ko. Mas mabuti ngang walang naging ina si Peach."

Napatingin lahat ng tao na nasa loob ng kwarto. Lahat natahimik matapos may dalawang gwapong lalaki ang pumasok. Binaba ni Keehan ang suot na hood. 

"Papa! Daddy!"

Tumakbo si Peach patungo sa pintuan. Agad ito binuhat ni Bazile at pinunasan ang pisngi ng anak. Iyak ng iyak si Peach at iyon ang unang pagkakataon na nakita nilang umiyak ng ganoon ang anak nila. 

"Kami ang parents ni Peach."

Lumapit si Keehan at nakipagkamay sa advicer na gulat na gulat. Sinong hindi magugulat ama ng isa sa mga estudyante ay miyembro ng TK. Avid fans siya ng TK ngunit mukhang hindi magandamg i-activate ang fan mode niya dahil hindi maganda ang expression ng dalawang gwapong lalaki sa harapan niya. Umiiyak pa din si Peach mga oras na iyon. 

"Sinaktan ng anak mo ang mga anak namin. Tingnan mo nangyari sa ilong ng anak ko," ani ng isa sa mga ginang kahit natulala ito ng ilang minuto sa gwapong mukha ng parents ng batang si Peach. Tatlong babae at isang lalaki ang naargabiyado ni Peach. 

"Masyadong bayolente si Peach ngunit alam ko na hindi iyan gagawin ng anak ko kung walang ginawa ang mga anak niyo lalo na sa oras ng klase," madiin na sambit ni Keehan. Doon sinabi ng teacher ang about sa assignment nila at sa sinabi ng mga bata. Nagulat ang mga parents doon. 

"Hindi na ako nagulat."

Nag-cross arm si Keehan at tiningnan ang mga parents. 

"Hindi kami ang tunay na parents ni Peach ngunit alam namin ng asawa ko na wala kaming naging pagkukulang sa bata. Pinakakain namin siya 3 times a day with dessert. Hinahatid sa school at sinusundo— tuwing weekends hindi kami pumapasok mag-asawa para lang magkaroon ng time kay Peach— pinapalo ko si Peach at ni minsan hindi ko siya kinunsinti."

"Anong sa tingin niyo ang mali kung walang ina sa pamilya? Kailangan nga ba na may ina at ama sa pamilya?" may ngisi na sambit ni Keehan. Napahilot sa sentido ang principal
Masyado siyang dissapointed sa parents na na kanina ay parang mga nagwawalang baboy. 

"Papa," ani ni Peach. Hinalikan ni Keehan si Peach sa noo at sinabing tumigil na sa pag-iyak. 

"About sa damage na ginawa ng anak ko ako na lahat magbabayad pati pagpapa-hospital ng anak niyo," ani ni Bazile at inakbayan si Keehan na kinuha si Peach. 

"Hindi din ako mage-expect ng sorry sa inyo pero once na lapitan pa ng mga anak niyo ang anak ko at maulit ito," ani ni Bazile at tiningnan ang principal. 

"Hindi lang ang school na ito ang dudurugin ko pati ang pamilya niyo. Emotional damage na usapan dito lalo na at 5 years old pa lang ang anak ko. Tandaan niyo ang sinabi ko," ani ni Bazile at madilim ang anyong inaya na ni Bazile palabas ang mag-ama niya. 

Hinabol sila ng teacher ni Peach. Napatigil sina Bazile sa hallway matapos sila tawagin ng teacher. 

"May kasalanan din ako sa nangyari. Patawarin niyo ako dahil hindi ko nagawang i-explain ang sitwasyon ni Peach sa iba pang mga bata," ani ng teacher. Tiningnan siya ni Keehan. 

"Naiintindihan ko na mga bata ang dawit dito. Wala silang alam ngunit parents kami— iyon ang unang pagkakataon na umiyak ng ganoon si Peach. Bilang mga magulang nasaktan din kami lalo na at nakita namin na masyadong naging affected ang anak namin doon," ani ni Keehan. Ngumiti ang teacher at sinabing naiintindihan niya. 

"Kahit ako nagulat dahil sa ginawang iyon ni Peach. Likas na attentive si Peach lalo na sa klase ko at sa music. Nangunguna din ito sa klase dahil talagang behave ito kapag oras ng klase at nakikinig ngunit kanina— iyon ang unang beses na nakita ko magalit si Peach at umiyak kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niyo."

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon