28

391 10 0
                                    

Chapter 28 
3rd Person's POV 
Sinuklay ni Keehan ang buhok matapos ang conference. Nilapitan ng mga reporter ang TK at may mga staff na nagbigay ng bulaklak ngunit mukhang wala sa mga ito ang nakapansin sa kaniya. Sanay na siya doon since madalas iyon nangyayari. 

Paalis si Keehan nang may mag-abot sa kaniya ng bulaklak galing sa mga fans. Napatigil si Keehan matapos makita si Bazile— naka-school uniform pa ito kasama sina Marcus na agad siya binati. 

May mga fans na napatingin dahil sa lalaki na agaw pansin naman talaga ang kagwapuhan. Natawa sina Grim dahil sa idea na inagawan pa sila ng spotlight ng dalawa. 

"Pasensya na sa tiyura ko. Nagmadali kami pagpunta—"

Nagulat si Bazile matapos siya natatawang niyakap ni Keehan at nagpasalamat. 

"Wait! Nagbigay din naman kami ng bulaklak. Bakit kami walang hug?" tanong ni Marco. Agad siya hinampas ni Bazile ng bag. 

Inabutan ni Marcus ng bulaklak si Jaxon na kinagulat ng binata. Inabutan din ni Marco si Jaxon ng bulaklak. Dumating din sina Gaizer at binigyan ng bulaklak ang mga asawa na natawa lang. 

Mahalaga kasi ng araw na iyon since anniversary iyon ng TK. Hindi nila ini-expect na darating din doon sina Gaizer para batiin sila at bigyan ng bulaklak. 

Nagkaroon sila ng picture taking at talagang maraming fans ang kinilig sa TK at sa mga asawa nito. 

Matapos nag picture taking pumunta na ang mga ito sa dress room. Nagtatawanan ang mga ito matapos mga malaman na iniwan nia ang mga bata sa Ikigai na tuwang-tuwa naman na kinuha ang mga bata. 

"Hindi pa nga kami nakakaalis kinuha na nila ang mga bata para dalhin sa dorm nila."

Kumunot ang noo ni Elliseo at lumingon matapos may maramdaman na naman na sumusunod sa kanila. Nilingon ni Miguel ang asawa. 

"Anong problema?"

"May nakita lang ako na kakilala. Sumunod ka na kina Gaizer. Susunod ako," ani ni Elliseo at hinalikan sa noo ang asawa. Nagtaka si Miguel ngunit kumaway ito at parang batang kumapit kay Gaizer na kasalukuyang nakikipagtawanan kay Wax.

— 
Tumungo si Elliseo sa kabilang bahagi ng hallway. Tinahak niya ang daan kung saan niya nakita ang tatlong kahina-hinalang lalaki. 

Pagdating niya sa tago na bahagi ng hallway. Hindi na nagulat si Elliseo matapos makita si Bazile. Hawak nito sa leeg ang dalawa sa mga sumusunod sa kanila. Naiangat pa ito ni Bazile na agad nabitawan matapos makita si Elliseo. 

Nakita ni Elliseo sa sahig ang isang kutsilyo na may dugo at baril. Tinanong ni Elliseo di Bazile kung may sugat pa ito— sinabi ng binata na wala. 

Hinimas ni Bazile ang kamao. Nakita niya ang mga ito na sumusunod kay Keehan at mukhang hindi lang ito ang mga humahabol kay Keehan. 

Iniwan ni Bazile si Elliseo doon matapos sabihin ni Elliseo na siya na ang bahala sa mga taong iyon. Tinungo ni Bazile ang dressing room ng TK. Hinanap ni Bazile sa paligid si Keehan. 

"Nasaan si Keehan?" tanong ni Bazile. Napalingon si Gaizer na kasalukuyang hinuhubad ang coat ng asawa. 

"I think nasa opisina niya check mo," ani ni Gaizer. Pagkatapos magbihis kasi ng TK tumungo agad ang mga ito sa opisina nila para siguro ayusin ang mga regalo ng fans na siguradong nakatambak sa office nila. Once a year lang kasi sila tumatanggap ng kahit na anong regalo galing sa mga fans then ipo-post sa social media. Nagpasalamat si Bazile kay Gaizer at naglakad patungo sa opisina ni Keehan sa company na iyon. 

Hindi pa nakakapunta doon si Bazile. Napakamot sa ulo si Bazile at tumingin-tingin sa mga pinto na nakasara. 

Lumapit siya sa unang pinto at kumatok. Magtatanong na lang siya. Agad bumukas iyon— nakita niya si Apollo na may pagtatakha sa mukha. Sumilip si Wax na nakaupo sa sahig at may hawak na mini doll ni Apollo. 

"Hindi ko alam office ni Keehan," sagot ni Bazile. Lumabas si Apollo at tinuro ang pang-apat na pinto na nasa hanay ng office niya. 

"Ayon ang room niya," ani ni Apollo. Agad nagpalasamat si Bazile at humingi ng pasensya sa istorbo. Tumawa lang si Wax at kumaway. 

Kumaway din si Bazile at naglakad palayo. Tumapat si Bazile sa pang-apat na pinto at kumatok doon. Bumukas iyon at agad na hinila si Bazile papasok. 

"Saan ka galing? Bigla kang nawala?" tanong ni Keehan. Napakamot si Bazile sa pisngi at sinabi na naligaw siya. Napatingin si Keehan sa sahig at marami siyang nakita na mini doll at may unan pa na may picture ni Keehan. 

Lumapit doon si Bazile at kinuha ang isang mini doll. 

"Keehan akin na lang itong isa," ani ni Bazile na parang bata na tinaas ang mini doll na sobrang kamukha ni Keehan. 

Natawa si Keehan at sinabing kuhanin niya kung anong matripan niya. Itatambak niya lang din iyon sa stockroom after ng ilang picture at videos. 

Umupo si Bazile at parang walang narinig sa sinabi ni Keehan. Habang makatayo palihim na kinuhanan ni Keehan si Bazile ng litrato. Matapos isuot ang cap na may picture ni Keehan at kinuha ang light stick. 

"Keehan," tawag ni Bazile saktong pag-angat nito ng tingin at ngumiti nag-flash ang camera. Napatigil si Keehan. 

"Kinukuhanan mo ako ng litrato?" tanong ni Bazile. Tiningnan ni Keehan ang picture at napasapo sa noo. 

"Bakit? Pangit ba ako sa picture?" tanong ni Bazile at tumayo. Naglakad palapit si Bazile at sumilip sa phone ni Keehan. 

"Hindi ko ito ipo-post para lang ito sa mga mata ko. Ayokong maagawan ng mga fans," ani ni Keehan at sinave iyon sa gallery niya. Binaba niya ang phone at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Bazile. 

"Ikaw— huwag ka kung kani-kanino ngingiti," bilin ni Keehan at ginumos ang pisngi ng lalaki. Tumawa si Bazile at tinanong kung anong kasalanan niya. Hinawakan ang dalawang kamay ni Keehan. 

"Tara picture tayo," ani ni Bazile at ngumiti sa lalaki. Ayon nga kumuha sila ng mga picture. Natutuwang tiningnan iyon ni Keehan isa-isa at pinost. 

'Aww! Ship ko pa naman si Jaxon at Keehan!'

'Akala ko si Jaxon end game si Bazile pala pero infairness ang gwapoo! Pero ayos lang kyaah! Ang pogi ni Bazile!'

Napangiti si Keehan sa mga nabasa niya sa comment sa post niya. Napatigil si Keehan matapos siya yakapin ni Bazile mula sa likod. Napalingon sandali si Keehan. 

"Bored ka na?"

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon