Chapter 40
3rd Person's POV
Bumagsak ang pintuan. Nagulat sina Gaizer at napatakbo sa side kung nasaan sina Wax na napatili dahil sa gulat."Fuck! Keehan run!" sigaw ni Elliseo. Tumayo si Elliseo at mahigpit na hinawakan ang patalim na babaon sa kaniya.
"Alam mo sayang ka. Kung tinanggap mo ang offer ko 'nong una. Hindi ka mamatay ngayon," ani ng babae. Dumilim ang mukha ni Elliseo.
"Shut up bitch! Hindi ko ta-traydurin ang mga kaibigan ko para lang sa posisyon at pera," ani ni Elliseo. Sumigaw si Miguel at tinawag si Elliseo.
"Then panoorin mo patayin ko isa-isa ang mga kaibigan mo at asawa mo."
Umatake si Keehan. Nagulat si Elliseo matapos hablutin ni Keehan ang leeg ng babae at inangat. Nabitawan ng babae ang espada.
"Sinong papatayin mo?"
Napatigil ang babae matapos makita ang pamilyar na presensya at tigin ng lalaki sa kaniya. Pumasok sa isip niya ang dating kaibigan.
Bumaon ang kuko ni Keehan sa leeg ng babae na naging dahilan iyon para mamatay ang babae. Nabitawan ni Keehan ang babae. Bumukas ang ilaw at nagulat siya matapos makita ang pamilyar na babae.
"A-Auntie," bulong ni Keehan. Napaupo si Keehan matapos makita ang pamilyar na babae.
"Keehan!"
Bumukas ang pinto agad na lumapit sina Bazile. Nag-iiyak si Keehan matapos makita ang auntie niya at nababalutan ng dugo ang kamay niya.
Agad na pinunasan ni Bazile ang kamay ni Keehan ng suot niya na damit at sinabing kumalma ito.
"Bazile! Si auntie. Tinangka niya patayin si Elliseo," ani ni Keehan. Niyakap ito ni Bazile.
"Elliseo," ani ni Grim. Agad na lumapit sina Marcus at nilapatan ng first aid kit si Elliseo para tumigil ang pagdugo ng mga sugat nito.
"Young master."
Napalingon sina Bazile. May nakita silang lalaki na mukhang mas bata pa kina Bazile. May hawak itong riple. Nagulat sina Grim dahil doon.
"Iniutos nina dad na dalhin kayo sa safe house."
Malamig na sambit ng lalaki. Sigurado sina Grim na ito si Jake. Tiningnan ni Grim si Jake.
"Ipadala mo sina Gaizer," malamig na sambit ni Grim. Agad na umapila si Gaizer at hinawakan ang asawa.
"Saan kayo pupunta? Hindi ba kayo sasama?" tanong ni Gaizer. Humarap si Grim at hinaplos nag pisngi ni Gaizer.
"Tatapusin na namin ito once for all. Malaki ang kasalanan sa akin ng matandang iyon. Hindi sila titigil hangga't hindi nakukuha si Keehan at hindi kami papayag doon," ani ni Grim. Natahimik si Gaizer. Wala kina Wax ang umapila.
"Kapag may nangyari sa asawa ko at mga anak ko. Jake— ikaw ang papatayin ko," ani ni Grim at tiningnan si Jake. Napa-pokerface ang binata at hindi nagsalita.
Balak ni Jake na sumama kina Grim ngunit nagbago ang isip niya. Susunod na lang siya pagkatapos ihatid sina Gaizer sa safe house. Doon 100% sure si Jake na walang mangyayari kina Gaizer.
—
Ang auntie na ni Keehan ang halos nagpalaki sa kaniya. Inalagaan siya nito at tinuring na anak ngunit hindi niya akalain na pagtatangkaan din sila nito patayin.Sa ilang taon na iyon hindi niya akalain na nasa pangangalaga siya ng mga taong pumatay sa pamilya niya.
Hinawakan ni Bazile ang kamay ni Keehan. Tiningnan ni Keehan si Bazile.
"Kami na lang ang pupunta kung hindi mo kaya," ani ni Bazile. Agad na umiling si Keehan at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Bazile.
"Gulo ito ng pamilya ko. Hindi pwedeng wala ako— hangga't maari ayokong madamay kayo dito pero—"
"Pamilya tayo dito. Problema ng isa problema ng lahat," putol ni Apollo na nasa passenger seat. Nakatingin ito sa labas.
"Ngunit ako ang nagko-cause ng problema. Naaksidente si Bazile dahil sa akin, muntikan na mapahamak si Elliseo at sina Gaizer dahil sa akin. Ako din ang reason bakit hinahabol tayo ngayon ng mga reporters. Paano na ang TK ngayon?" tanong ni Keehan at yumuko. Tumingin si Apollo sa rare view mirror.
"Ang TK mawala 'man ang company at mga sponsor— TK pa din tayo. As long as buo tayo may TK pa din. Kaya natin mag-stand as long as mahal natin ang banda at may pagpapahalaga tayo sa grupo," ani ni Elliseo.
Sa isip ni Elliseo kung hindi dahil sa TK hindi niya alam kung ano siya sa mga panahon na iyon at hindi niya makikilala si Miguel. Ang TK ang pamilya niya at tahanan.
"Hindi natin kailangan ng company. Kaya natin magpatayo ng sariling agency. Nandiyan si Apollo at si manager," ani ni Jaxon at ginulo ang buhok ni Keehan. Nag-angat ng tingin si Keehan dahil doon. Tiningnan siya ni Elliseo at Grim.
"Nakita ko na ang location ng matanda," ani ng secretary ng nga Vergara na nasa backseat at iniangat ang phone ni Keehan. Ginamit nila iyon para i-track ang matanda.
Sa mga oras na iyon hindi makapaniwala si Keehan na hostage siya. Ang dahilan bakit hindi siya mabalikan ng ina at mga kapatid ay dahil hawak siya ng mga kalaban. Niyukom ni Keehan ang kamao.
Nakarating sila sa isang resthouse. Lumabas sina Bazile sa sasakyan at agad sila pinalibutan ng mga tauhan ng matanda.
"Lolo! Ako ang kailangan mo diba! Nandito ma ako!"
Keehan Alvarez's POV
Binaba ko ang hawak na newspaper matapos may yumakap sa akin mula sa likod."Hindi maganda mga balitang makikita mo diyan. Ibaba mo na iyan," ani ni Bazile at kinuha ang hawak kong newspaper. Nilingon ko siya.
"Nabasa mo ito?" tanong ko. Tinapon iyon ni Bazile sa trashbin na nasa harapan lang namin.
"Nakita ko din iyan sa internet," ani ni Bazile. Hindi lumabas ang about sa nangyaring patayan sa resthouse ng mga Vergara at sa mansion ng nagpakilalang lolo ko ngunit talagang parang bomba na sumabog ang about sa paglabas ng issue tungkol sa condition ko at pag-pull out ng TK ng kontrata nila sa company.
As in nagulat ako dahil naging mabilis ang process 'non at nilaban ng manager namin. Napangiti ako dahil doon.
"Hindi ba nagwawala si Grim dahil siguradong stressed na naman si manager dahil sa issue?" ani ko. Umiling si Bazile at sumiksik sa leeg ko.
"Hindi— actually, nagplano na nga sina Apollo na magpatayo ng bagong agency na exclusive lang para sa TK and guess what suportado tayo ng Ikigai. Gusto din nila sumali."
"Wala na bang kumukuha sa TK na company dahil sa issue?" tanong ko. Medyo na-guilty ako dahil pakiramdam ko kasalanan ko lahat ng nangyayari.
BINABASA MO ANG
Territorial Kings: His Perfect Innocence
Genel KurguBlurb "Sexsomnia is recognised as a rare sleep disorder in which a person engages in sexual activity during their sleep. In general they'll have no recollection of events during the act or when they wake up." Naisara ni Keehan Alvarez ang laptop m...