Chapter 38
3rd Person's POV
"Ginawa niyo iyon para sa publicity?" ulit ni Gaizer. Hinarangan niya sina Apollo nang susugurin nito ang mga board members.Napatayo ang CEO ng company at sinabing para iyon sa image ng TK. Mas makikilala ang TK kung lalabas ang about kay Keehan. Umingay ang pangalan ni Keehan dahil sa last music videos. Para ma-boost ang pangalan ni Keeham ginawa iyon ng company.
"Wala kayong idea sa impact ng emotional damage nito kay Keehan!" sigaw ni Gaizer. Napatayo ang CEO at sinaging manager lang si Gaizer. Wala itong alam sa patakaran ng company.
"Hindi ako basta manager lang Mr.CEO. Manager ako ng TK na halos sambahin niyo na this past few years," ani ni Gaizer. Napatigil sina Apollo matapos ilabas ni Gaizer ang kontrata nina Apollo at punitin iyon sa harap ng board.
"Kaya ng TK mag-stand ng wala ang company na ito. Masyado niyong minamaliit ang mga alaga ko."
Tumawa si Rai na nasa sofa din at tumayo. Sumunod ang buong miyembro ng Ikigai— napatingin ang board members.
"Pumasok lang kami dito dahil sa TK kung mawawala ang TK kalimutan niyo na din ang Ikigai," ani ni Rai. Ngumisi sina Aki na kinatanga ng mga tao na nasa loob.
Iniyukom ni Gaizer ang kamao at tumalikod. Tinawag siya ng CEO ngunit hindi lumingon si Gaizer.
"Ayos lang ba si Keehan?" tanong ni Rai. Sumama ang mukha ni Gaizer.
"Sa tingin mo magiging maayos pa si Keehan after nito?" tanong ni Gaizer at hinilot ang sentido.
Maraming staff ang sinubukan si Gaizer kausapin about dito pati na din ang ibang manager ngunit sinarado ni Gaizer ang isipin at tenga about dito. Iaalis niya doon ang TK.
Pagbalik nila sa studio. Nakita nila si Keehan na umiiyak pa din habang pilit itong pinakakalma ni Jaxon. Lumingon si Jaxon sa manager nila.
"Magiging mas magulo sa mga lilipas na araw
Maghanda kayo," ani ni Gaizer. Lumingon si Keehan."Hindi ako papayag na tapakan nila ng ganito ang isa sa TK. Lalaban tayo," ani ni Gaizer at lumapit kay Keehan. Nag-iiyak si Keehan at sinabi ni Keehan na ayaw niya na lumabas.
Bumukas ang pintuan. Napatingin sina Gaizer nakita nila si Bazile na hinahabol ang hininga kasunod sina Marco.
"Keehan," ani ni Bazile. Napatingin si Keehan na nakaupo sa sahig. Lumapit si Bazile at yumakap dito— sunod-sunod ang naging paghingi ni Bazile ng tawad dahil nakalimutan niya si Keehan.
"Nandito na ako huwag ka ng umiyak," ani ni Bazile. Mas lalong umiyak si Keehan at niyakap si Bazile. Nagsumbong ito kay Bazile na parang bata at sinabing napakadumi niya.
"Hindi ko deserve na maging papa ni Peach at pakasalan mo hindi—"
Napatigil si Keehan nang halikan siya ni Bazile sa labi at tinitigan sa mata.
"Kahit anong side mo tanggap ko Keehan kahit ang past mo. Huwag mong sabihin iyan dahil kahit husgahan ka ng ilang milyon na tao nandito ako, si Peach, ang buong Tk, ang Ikigai at si manager na naniniwala sa iyo."
"Ikaw pa din ang bunso ng TK at pinaka-purest. Sabi mo iyan diba last time— just calm down okay?" ani ni Bazile at niyakap si Keehan. Sinabing magiging ayos din ang lahat. Nagbago ang expression ni Bazile matapos sabihin iyon.
Sa dami ng mga tao sa labas nagawa naman nina Bazile na makabalik sa sasakyan. Sinabi ni Grim na dalhin sila sa resthouse ng batangas.
Nakatulog si Keehan sa mga braso ni Bazile at hinayaan iyon ni Bazile.
"Bumalik na ba talaga lahat ng ala-ala mo?" tanong ni Jaxon. Sinabi ni Bazile na iilan lang ngunit sapat na patunay iyon na si Keehan ang kulang sa buhay niya.
Niyakap ni Bazile ang katawan ni Keehan at tumingin sa pinakaunahan ng sasakyan. Nang makarating sila sa resthouse ni Grim sa batangas. Nagulat si Grim matapos makita ang mga tauhan ng mga Vergara.
Agad na humarang ang mga tauhan ni Apollo. Humakbang ang secretary ng ama ni Grim at yumuko bilang respeto.
"Kuya," ani ni Bazile. Napalingon si Grim at sumama ang mukha nito matapos makita ang expression ni Bazile.
"Ikaw ba nagpatawag sa mga tauhan ni dad?"
—
"1 week before ang aksidente. Kinontak ako nina dad. Gusto niya bumalik ako at makausap. I refused first but the second time na si mom na kumausap sa akin at nagmakaawa— hindi ko na siya natiis," ani ni Bazile. Hindi umimik si Grim."Sinabi ko kay mom na pag-iisipan ko then noong last na kinontak niya ako. May nalaman ako," ani ni Bazile at niyukom ang kamao.
Flashback
"What? Anong ibig mong sabihin dad?" ani ni Bazile na may hindi makapaniwalang mukha."Matagal ng patay ang mag-asawang Alvarez— 5 years old pa lang si Keehan. Namatay ang dalawa sa plane crash at walang kahit na sinong kamag-anak ng mag-asawa ang may alam sa existance ni Keehan."
"Mom! Tigilan niyo na ang kalokohan na ito! May auntie at lolo si Keehan. Sinabi iyon ni Keehan sa akin last time," ani ni Bazile. Hindi niya alam kung paano iyon nalaman ng parents niya pero imposible na magsinungaling ang mga ito.
Nagkatinginan ang parents ni Bazile. Sinabi ng matandang Vergara na nilapitan niya ang kasalukuyang head ng mga Alvarez. Tinanong nito ang about kay Keehan gusto ng daddy ni Bazile na makilala ang kinakaladkarin ng anak.
"Nagalit kami 'nong una dahil wala sa impormasyon na nakuha namin kay Keehan ang totoo specially sa background ng family ni Keehan then pinakiusapan ko si Jake," ani ng matandang Vergara. Si Jake ang anak ng head butler ng mga Vergara. Adopted brother nila ni Grim— aware sila sa existance nito pero ni minsan hindi nila ito nakita.
"Nalaman namin lahat ang about kay Keehan at ang pagkamatay ng buong angkan ni Keehan. Then nalaman din ni Jake kung sino ang nasa likod ng mga iyon."
End of the Flashback
"Ang nakilalang lolo ni Keehan," ani ni Elliseo. Napatingin sina Grim— hawak ni Elliseo ang phone nito at nakatingin sa screen.
"Ang nagpalaki kay Keehan."
"Ibig sabihin— matagal ng hawak ng mga kalaban si Keehan," ani ni Gaizer na may hindi makapaniwalang expression. Tumayo si Bazile at agad na tinungo ang room ni Keehan. Bigla siyang nanlamig in some reason.
Pagbukas niya nang pinto. Nagulat si Bazile matapos may makitang tao sa loob ng kwarto si Bazile.
"Keehan!"
BINABASA MO ANG
Territorial Kings: His Perfect Innocence
General FictionBlurb "Sexsomnia is recognised as a rare sleep disorder in which a person engages in sexual activity during their sleep. In general they'll have no recollection of events during the act or when they wake up." Naisara ni Keehan Alvarez ang laptop m...