Chapter 4

2.9K 73 5
                                    


     Wala akong nagawa noon ng sapilitan akong isinama ni Ysmael. Ginamot niya ang aking sugat sa labi habang nandiyan ang kanyang fiancee. First time ko rin noon nakilala ang fiancee niya at hindi kami gaanong ka close.

Pinadala nga noon sa US si Sapphire at balita ko ay babalik siya ngayong first semester. Hindi man kami parehong eskwelahan ay alam ko naman na magkikita parin kami.

Usap usapan rin sa circle of friends namin yung nangyari sa amin nila Nica at Anne. Marami akong kaibigan pero hindi yung tipo na pinagkakatiwalaan ko. Marami na rin akong naging boyfriend at kung makipagbreak man ako ay hindi ako nasasaktan.

Like what mamita said, I have to enjoy my generation dahil hindi habang buhay ay walang commitments.

Dalawang araw matapos mangyari iyon ay sinagot ko si Nath. Isang business man , matured, at kilala ni daddy ang pamilya nila. Just try lang naman. Ngayon lang ako nagkaboyfriend ng matured.

Gusto ko lang ng matured na lalaki at seryoso..ewan ko ba.

Bukod sa matured ay ilang buwan narin siyang nanliligaw sa akin.

"Ate, is it true? Na si Nath Mercader ang  boyfriend mo? Weh?!" si Margo na hindi man lang mapigilan ang sarili.

"Shh! Sino nagsabi sayo niyan?" I was preparing for a date with Nath.

Margo was wearing her uniform, kakarating lang sa bahay at ito agad ang bumungad sakin.

"My friends? Alam mo naman mga friends ko masyadong updated sila sa buhay mo kasi raw you are so pretty! Hindi lang sila makapaniwala kasi kilala si Nath no! Tsaka akala ko ba si Raphael talaga gusto mo? "

I smirked proudly. "Shhh your mouth Margo. I have a date with him later. No time to argue with you.  Wala sila mommy kaya behave ka dito ha!"

I wore a white croptop and a brown leather skirt. Sinuot ko rin ang sandals ko. Pagkatapos kong puyudin ang aking mahabang buhok ay nilingon ko si Margo na natutulog na sa kama ko.

Umiling iling ako na nilapitan ang aircon para i-on iyon at sinarado ang lahat na kurtina. I kissed her  forehead and grabbed my bag , ready to leave.

Naalala ko ang pagbayad ni Ysmael sa aking mga pinamiling make up nung kailan. I smiled bitterly for my first love that failed.

Noon , I tried to seduced Ysmael kahit na may fiancee siya. Ilang beses niya rin akong nireject ng paulit ulit. Yes, we had sex and we are both sports with it. Pero alam ko sa sarili ko na malalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

Alam ko rin na may mga taong conservatives, nirerespeto ko iyon. At ako yung tipo na liberated. Na-adapt ko ng mabilisan ang pamumuhay sa ibang bansa lalo na mostly kapag summer ay doon ako sa bahay namin sa America. Bumabalik ako dito sa Pinas para sa pag aaral. America is my escapde. Tuwing nalulungkot ako ay agad akong nagpapa-book papunta doon. Ang bahay namin doon ay hindi malapit sa siyudad  kundi malapit sa bukirin.

Iyon ang spot na binili ni mommy dahil relaxing ang ambiance doon.

Nagdrive ako patungo sa isang restaurant. Sa tipo palang ng restaurant ni Nath ay napangisi na ako. Hindi crowded at may kinuha siyang ekslusibong parte para sa amin. Hindi man lang ako kinabahan o anuman.

Gusto niya akong sunduin ngunit hindi ako pumayag!

Pinark ko ang aking sasakyan at may kumuha agad na valet ng susi ko. Ngumuso ako ng makita si Nath na nag aabang sa akin sa pintuan pa lang ng restaurant.

Ngumiti siya at agad na hinawakan ang aking kamay.

"You look so pretty everyday." puri niya sakin. Humalakhak ako sa kanyang sinabi.

Echoes of Mistakes (Montemayor Second Generation ||) Where stories live. Discover now