Chapter 33

1.6K 36 3
                                    

Dahil nga tuwing akinse ay nagpapasahod ako kina nay Clarita, at sa iba pang tumutulong sakin sa pangangalaga ng Orphanage, ibig sabihin ay sasahuran ko rin si Ysmael.

Huminga ako ng malalim at hinilot ang aking sentido. Nasa 20's palang ako ngunit pakiramdam ko ay matandan na ako! Wala na sa akin ang ganang gumala, mag-club tulad ng dati, at iba pa.

Pakiramdam ko ay hindi na iyon ang para sakin.

May kumatok sa pintuan ng aking office kaya umayos ako ng upo. Dumungaw mula sa labas si Nay Clarita.

"Ruby.. Andito na kami sa labas. Baka rin maaga akong mag out para makabalik agad ako mamaya at makaluto sa mga bata. Alam mo na..Magpapadala ako sa bahay."

Ngumiti ako at binigay ang naka sobre na sahod niya kasama na kay Lena at Rita.

"Si Rita magpapaiwan. Ay, tsaka nga pala! Iyong hardinero natin nasa labas rin. Kukuha rin ata ng sahod."

Kung may iniinom lang ako ngayon na kahit ano siguro ay nabilaukan na ako. Naalala ko noon ang mga regalo niya sakin na hindi bumababa ng isang milyon kaya alam na alam ko na hindi niya kakailanganin ang sahod niya ngayon!

Pero hindi naman dahil doon ay hindi ko na ibibigay ang sahod niya. He was good at his work. He's a good gardener. Ang ganda ng mga ginawa niya. At siguro isang buwan pa at kalahati ay matatapos na niya ang hardin.

"Sige Ruby! Aalis na muna ako!"

Tumango ako kay Nay Clarita at halos hindi na makangiti dahil agad ring pumasok si Ysmael.

Damn! Kahit na ayoko man na tignan ang katawan niya ay hindi ko maiwasan! Nagtatalo ang mata ko at aking desisyon!

He was wearing a rugged-like sleeveless shirt na puwedeng masilip ang kanyang katawan dahil sa malaking hiwa nito sa bawat gilid. And his pants was dirty!

"W-What happened to y-you? Uh, I mean... B-Bakit-" hindi ko na napigilan ang aking bibig. Kahit na nagtatalo ang aking desisyon at mga mata ay meron akong bibig na hindi ko na mapigilan.

"I'm sorry... Baby. I miss you.."

Umawang ang aking labi ng marinig iyon at nagmamadaling hanapin ang sahod niya at binigay iyon.

"Leave..." aking utos.

Umiling siya. Malayong malayo siya sa Ysmael na nakilala ko noon.

Ang kanyang supladong mga mata at madidilim ay nanatili ngunit naging maamo ito sakin ngayon.

"Ruby, ayokong matakot ka sakin dahil alam ko ang paghihirap mo sa mga panahong....Magkalayo tayo. Marami ang nagbago ngunit mahal parin kita-"

"Enough! Leave!" sigaw ko habang umiiyak. Ganun ka bilis mawasak ang emosyon ko.

Yumuko siya at tumango. Kinuha niya ang pera at tumayo na tila ba lahat na sasabihin ko ay susundin niya at ayaw niyang masaktan ako.

Nang makalabas siya ay dahan dahan akong napaupo sa aking swivel chair.

"Fuck!" tuluyan na akong napahagulhol sa iyak sa aking opisina.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ng umalis ako. Nang malaman kong' buntis ako ay sobra akong nasiyahan ngunit hindi ko alam na iyon ay panandalian lang.

Kung anuman ang nangyari ng umalis ako ay hindi ko alam.

Dalawang oras akong natulog sa office at nang magmulat ay naabutan ko si Rita na naglapag ng meryenda sa aking mesa.

Agad akong ngumiti sa kanya.

"Namumugto ang iyong mga mata ma'am. Ayos ka lang ba?" tanong niya.

"Ayos lang ako Rita. You don't have to worry. Nasaan si Lena?"

Echoes of Mistakes (Montemayor Second Generation ||) Where stories live. Discover now