Bumaba ako ng kwarto at tumungo sa kusina. Napakatahimik ng buong bahay at kahit sa loob ay rinig na rinig ko ang lagaslas ng waterfalls sa likod.
Nakita ko na may naglulutong katulong sa kusina at nagulat siya sakin.
"Ay! Kayo po ba si ma'am Ruby?"
"Yes." tumango ako. "Where's El?"
Ngumiti ito sakin. Tantiya ko ay nasa 30's na ang edad niya.
"Ma'am ako nga pala si Adelya. Hindi po ako stay in dito pero medyo matagal napo ako dito. Noon po kasi ang nanay ko ang nagtatrabaho dito. All around po. Ayaw po kasi ni sir Ysmael na kung sino sino lang papasok dito. Pero ng namatay si nanay ay ako ang pumalit kasi alam ko na ang ginagawa ni nanay dito."
"Uh...T-That's good!" pakiramdam ko ay hindi ako mabobored dito. "Saan pala ngayon si El?"
"Ah! Si sir Ysmael po ay nawawala po talaga kapag gabi. Hindi po siya aswang ha!"
Kinagat ko ang labi para pigilan ang pagtawa.
I nodded at her. "Aw, I know. Matagal ko narin siyang kilala. I know what his work too."
"Ay talaga po ma'am? Pero ano-ano papo ang alam niyo sa kanya?"
Nakita ko na bihasa nga siya sa gawaing bahay dahil nakakapagluto siya at kung ano ano pa habang kinakausap ako. Napuna ko rin na kumuha siya ng dalawang pinggan. Ang isang pinggan ay nilagay niya sa tray. May nakita rin ako na mga gamot doon.
"Hmm, basta! Marami akong alam na hindi mo alam!" I giggled!
"Ay weh? Pate po ba iyong- Ay! Huwag na pala bawal pala sabihin. Ito po ang pagkain niyo maam. Maglalaba rin ako ng iilang damit kasi. Sige po! Nice meeting you and have a nice day!"
Dinala niya ang tray ng pagkain sa likuran banda. Maybe that's her food?
While eating, I opened my cellphone just to be surprise of the messages and calls!
"Damn, it's a lot!" napahilot ako ng sentido dahil si mommy at daddy iyon.
Magrereply sana ako pero nabasa ko ang huling message sakin. It's from Ysmael.
(I already told your parents you are with me. Don't have to worry.)- Ysmael.
Pero nagreply parin ako kay mommy man lang dahil alam ko na nag aalala siya.
I resumed eating dahil nagugutom na talaga ako.
Dahil nahihiwagaan ako sa bahay na ito ay naglibot libot na muna ako. Pinuntahan ko ang likod na bahagi kung saan kagabi ko pa naririnig ang waterfalls. Napanganga nalang talaga ako ng makita ang likuran na bahagi.
"Damn! Ang ganda dito!" malamig ang hangin dito at maraming punong kahoy. Maraming tanim na bulaklak na tila ba alagang alaga. At ang waterfalls ay napakaganda. Nagmula iyon sa munting bundok sa itaas at dumadaloy papunta sa ilalim na tingin ko'y sapa.
Maraming waterlilies ang sapa at may muntinh kweba sa likod ng falls.
"Damn it!" ngumisi ako at dinamdam ang lamig ng tubig!
Umalis ako doon at naglibot pa. Ang haligi nitong bahay ay ginapangan na ng malalaking ugat at iba't ibang halaman. Parang nasa ibang lugar ako dahil sa ganda ng kapaligiran! Ang mga halaman ay mukhang alagang alaga.
I tried to touch the vines which covered the wall just to touch something un-usual.
Nanlaki ang aking mga mata dahil pintuan iyon!
YOU ARE READING
Echoes of Mistakes (Montemayor Second Generation ||)
RomanceMatured content (Dark Romance)