Karga karga ako ni Ysmael habang papasok sa bahay. I was crying in his arms. Parang lahat ng hinanakit ko sa lahat, lahat ng mga tiniis kong' sakit at galit ay bumalik.
"Pakikuha naman ho ng tubig Nay, Clarita." utos niya kay Nay Clarita na agad ring nag atubi.
"Please..umalis kana El.." aking iyak sa kanya. Huminga siya ng malalim at nakita kong' may hawak siyang panyo at pinunasan ang aking pawis habang inaayos ang aking buhok.
Nakaupo siya sa sofa at kandong niya ako.
"Sus maryosep! Y-Ysmael.. Inaatake siya ng kanyang anxiety! Ang last niyang ganyan ay tatlong taon na ang lumipas! Saksi ako doon kasi ako na rin ang nag alaga sa kanya dito!" sumbong ni Nay Clarita.
"Relax ka, Ruby. Nandito naman kami para sayo e. Pinaypayan ako ni Nay Clarita.
Ako ay napapikit ng mariin at tumango. Sinubukan kong huwag pansinin ang kaba sa aking dibdib na hindi ko maintindihan.
Titig na titig sa akin si Ysmael. Ang titig na tila ba ay talong talong, sawi, at may pagmamahal. Umiwas ako at uminom ng tubig.
"We have to visit a doctor."
Gusto kong umirap dahil wala na nga siyang pera ay iyan pa ang nasa isip niya.
"You don't have the money, El. K-Kaya ko namang' ako nalang. Naputulan ka ng ilaw-"
"May sira ang kuntador, Ruby. Iyon lang."
Nabilaukan naman si Nay Clarita at umiwas habang masama ko siyang tinitigan.
Napalunok ako at gusto kong sisihin ang sarili dahil sa pag over react ko kanina! Damn! Nakakahiya!
Napakurap kurap ako at umiwas.
"I... I can manage El. W-Wala lang ito. I'm sorry for being like this." nang aking ibalik ang titig sa kanya ay nakita kong' nabigla siya sa aking sinabi.
"Don't say that. All of that is because of me-"
"No!" tumaas ang aking boses. Ang aking paningin ay unti unting lumabo dahil sa aking mga luha. "Kahit wala kapa noon ay ganito na ako! Y-You don't understand." unti unting humina ang aking boses.
"Hindi mo maintindihan dahil paborito ka ng magulang mo. A-Ako hindi! Proud ang pamilya mo sayo! A-Ako hindi! I can still remember my self! When I was thirteen years old! I've got 98 on Math, my weakness, subject but no one is happy for me kahit para sa akin noon ay iyon na ang pinaka mataas na nakamit ko! El, alam mo iyon? I was crying alone all night because my classmates kept calling me a hoe!-"
"Baby, Nay Clarita....." niyakap niya ako ulit ng mahigpit. Nang mga sandaling iyon ay hindi ko namalayan na nakatulog ako sa kanyang tabi.
Nang ako ay magising ay umaga na. Halos mapabalikwas ako dahil sa tagal ng aking tulog!
"Damn!" sapo ko ang aking ulo ng may nakita akong gumalaw sa aking gilid.
"E-El?" hindi ako makapaniwala dahil nandito rin siya sa aking tabi! "D-Dito ka natulog?"
"Are you feeling better now?" imbes ay tanong niya. "Bumisita ang doctor kagabi at binigyan ka ng gamot kaya matagal ang tulog mo. He suggest a vacation for you, Ruby."
Kinagat ko ang aking labi. "I'll think about it El. Puwede kanang umuwi."
"Nakaluto na ako. " kunwa'y tumayo siya. "At hindi pa ako uuwi. May trabaho pa ako sa garden mo at babantayan pa kita."
Ganun nga ang nangyari. Kumain ako sa niluto niyang breakfast. Gumawa siya ng fruit smothee para sa akin at nagustuhan ko iyon.
"Ruby!" biglang sumingit si Nay Clarita habang kumakain ako.
YOU ARE READING
Echoes of Mistakes (Montemayor Second Generation ||)
RomanceMatured content (Dark Romance)