Chapter 35

1K 27 2
                                    

Ilang araw akong hindi lumabas ng bahay. Nagkausap rin kami kahapon ni Nath, dahil bakasyon ay kailangan niya munang umuwi sa Maynila. He asked me some things. Alam ko na umiingat siya sa mga itatanong sa akin dahil batid niya ang kung anong mayroon sa amin ni Ysmael.

Habang nasa bahay ay wala akong ginawa kundi ang maglinis. Lalo na sa malawak kong' garden ko sa likod ng bahay. I love plants so much. Halos lahat ng paligid ng bahay ay may halaman o di kaya'y bulaklak at puno. Kaya hindi mainit sa bahay kahit na summer dahil napapalibutan ng halaman ang bahay.

Kaya nagdesisyon ako na magpahanap ng ibang hardinero kay Nay Clarita. Balak kong pagandahin lalo ang paligid ng bahay.

Habang naghihintay ako sa balkonahe ng bahay ay tinitingnan ko ang aking email. Sakto namang may kumatok sa gate na aking tanaw lamang.

"Ruby!" kumaway pa si Nay Clarita. "Si Ysmael na 'raw ang bahala sa garden mo!" anito at binuksan na ng tuluyan ang gate. Halos mapatayo ako!

"Ruby! Nalaman ni Ysmael na gusto mo palinisan ang garden mo kaya siya nalang raw! Siguro baka kailangan talaga ng pera!" bulong pa nito. Napatingin ako sa kanyang likod.

Nakatingin si Ysmael sakin kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag. Napalunok nalang ako dahil ilang araw rin na umiiwas ako sa kanya.

"Ysmael, dito kana ha! Alam ko naman na kailangan mo talaga ng raket dahil naputulan ka ng ilaw!"

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig. Umigting ang panga ni Ysmael at tumalikod para buhatin ang kung anong bagay na ginagamit pang ukay sa lupa.

"Magsisimula na ako." malamig niyang sinabi.

"N-Naooffend ko ata siya?" tanong ni Nay Clarita ngunit hindi ko na siya pinansin pa. Sinundan ko si Ysmael pababa hanggang sa likuran ng bahay.

"Hey!" ngunit hindi parin siya tumitingin. "El..." hinawakan ko ang braso niya dahilan ng agaran niyang pagtingin sa akin.

"Ano iyong narinig ko? Naputulan ng ilaw?" halos hindi ako makapaniwala!

Umiwas siya ulit at kitang kita ko ang pag igting ng panga niya.

"Huwag mo nang alalahanin iyon. " pangbabalewala niya.

Ngunit hindi ako tumigil. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
"Bakit kapa kasi n-nandito? Gusto mo ba dito kung naghihirap kalang naman? You are a billionaire, El. Tapos ngayon naputulan ka ng ilaw?"

Hindi na siya nakipagsagutan pa at nagsimula na sa ginagawa.

"I was, Ruby. Kung nababahala ka sa kondisyon ng buhay ko ngayon.. Tigilan mo na iyan. I'm okay. I am still earning. I don't worry that much."

Panigurado niya sa akin ngunit mas lalo lang akong nainis.

Hinila ko siya patayo upang tigilan ang ginagawa niya. Napatingin siya sa aking kamay na nakahawak sa braso niya. Nagpatianod siya sa aking hila dahil alam niyang hindi ko siya kaya.

"Lets talk first! Huwag mo akong balewalain! Hindi kita maintindihan El! Nandito ka para? Para ano? You have nothing here! Kung ano man ang ginawa mo sa Manila para magkaganito ka puwes bumalik ka doon. You are okay there and I am living my best here! K-Kasi nahihirapan kalang dito!"

Dumaan ang sakit sa kanyang mga mata habang tumitingin sa akin.

"Stop minding my feelings, Ruby. Ang selfless mo parin. Iniisip mo parin ang kapakanan ko. I am not weak."

Dumaloy ang aking luha. Gulong gulo na ako at ayokong nakikita siyang nahihirapan dito sa lugar namin dahil hindi siya ito.

"S-Shut up, El. Go back to Manila! You have nothing here!"

Kinagat niya ang mga labi na tila ba nauubusan na ng pasensiya. Kasabay ang pagpikit niya ng madiin.

"Hindi ba sapat na rason...na nandito ka? Huh, Ruby? Kailangan pa ba ng million milliong rason para hindi kana magtanong pa?" may hinanakit sa kanyang boses.

Mas lalong nagalit ang kaloob-looban ko. Ayokong bumalik ang nararamdaman ko dati. Ayokong makaramdam ng takot ulit.

Tila ba ang aking kamay ay may sariling isip at ito ay kusang dumapo sa pisngi ni Ysmael. Lumagapak iyon sa kanya.

"H-How dare you say that!" halos walang pwersa kong' sambit. Pagkatapos ko siyang sampalin ay parang nanghina ako sa sakit na nangungudlit sa aking dibdib.

Namula ang mga mata niya at nasasaktan ay tumingin sa akin.

"D-Diba ayaw mo sakin?" halos hindi ko maisambit iyon lalo na dahil sa mga luhang umaagapay sa damdamin ko. "N-Noong araw na namatay si S-Susan... Nagalit ka sakin. I saw range in your eyes." nanlaki ang mga mata niya ng sabihin ko iyon, tila gulat sa narinig.

"Galit ka dahil sa n-nagawa ko. Fuck!" napasuklay ako sa sariling buhok. "You judge me that fast kahit aksidente ang nangyari."

"I didn't judge you!" he hissed at sinubukan niyang lumapit.

"You did! Sa mga oras na kinarga mo siya, El. Sa mga oras na tinalikuran mo ako dahil sa nagawa ko without knowing my side? Doon palang... Natanong ko ba ang sarili ko kung worth it paba ang mga oras na nilaan ko para sayo! Ang tagal kong nanahimik kasi ayoko na! I hate my life so much and I wish to God na sana hindi nalang ako nagawa sa mundong ito!"

"Hush, baby!" he grabbed me  immediately. Niyakap niya ako ng mariin ngunit punong puno ng pag iingat. That moment he knew I was trembling.

"Fuck!" napamura siya. "What I have done to you... Oh. Fuck!"

I almost crumpled his shirt at halos hindi ako makahinga sa iyak.

"Hush... Ruby.. I am here." he whispered softly. Nang titigan niya ako ay nakita ko kung paano dumaloy ang luha niya, with longing and love in his eyes, he looked at me.

"I lost our baby because of stress, El!" then I cried out loud again. Niyakap niya ako ng mahigpit. Umiyak ako na parang bata sa kanyang bisig. Ang pagkakataon na ito ay isang mitsa sa aking nararamdaman upang lumabas.

"H-Hindi ko iyon ginusto!" kinalampag ko ang dibdib niya. "G-Gustong gusto kong' maging ina! H-Handa akong palakihin siya k-kahit ayaw mo sa akin, El! M-Masama ba akong tao? Bakit ako pinaparusahan ng ganito?!"

"Hushhhh.. Baby. No.. Calm down. I am here no matter what. Baby... Hear me out." bulong niya at hinalik-halikan ako sa buhok. Halos napaupo na kami sa lupa dahil sa aking paghihisterya.

"Binalikan kita ng dinala na nang mga tauhan ko si Susan but...you disappeared. Iniwan mo kaagad ako Ruby. Nang hinanap kita your dad blocked all my source. Hindi ko kayang kasuhan ang babaeng mahal na mahal ko." kinulong niya ang aking pisngi sa kanyang mga palad.

"Now, listen. I left everthing. Na noon ko pa sana ginawa. Aanhin ko lahat ng yaman kung ikaw naman ang wala? Mahal na mahal ko kayo ng anak natin, Ruby." bulong niya.

~~~~

Would like to read the missing chapters? Just message me on my fb for membership. There is a payment po. The link is below..

https://www.facebook.com/share/GJuaSmE9f5mApEMw/?mibextid=A7sQZp


Echoes of Mistakes (Montemayor Second Generation ||) Where stories live. Discover now