Like always, lalo na kapag ganitong sitwasyon ay seryoso si mamita. With her stoic facade, she sipped on her tea. Si Ysmael ay nasa gilid ko at hawak ang aking kamay.
Palipat lipat ang tingin sa amin ni mamita.
"First of all... Apo ko. I'm sorry. That was my way of helping you. Alam mo naman na hindi ko kayang nasa malayo ka. Lalo na nang malaman kong' buntis ka! And... I'm so sorry for lying."
Bakit lahat ng taong nagmamalasakit sa akin ay humihingi ng kapatawaran dahil sa nangyari? Kung gayong gusto lang naman nila tumulong? Wala akong naramdamang kahit anong galit , bagkus, kasabikan para sa aking anak. Gusto kong punan ang mga panahong magkawalay kaming dalawa.
"Mamita... Don't say sorry.." bulong ko sa kanya at dumaloy ang aking luha.
It's funny that, ang lahat ng nararamdaman ko ngayon ay kaginahawaan at saya. Nang makita ko ang aking anak ay pakiramdam ko naging hudyat iyon para kumawala ako sa madilim na mundo.
Nakawala ako sa anxiety at depression na nararamdaman ko.
Nanigas si mamita ng ilang saglit at naramdaman ko ang paghagulhol niya sa aking balikat.
"Ohhh darling, Ruby. Ang pait ng mga napagdaanan mo ngunit heto ka parin. Nanatili kang mabait at mapagkumbaba. How dare those people throw such a hurtful words to you?! Ang bait bait mo!"
"Mamita, I'm glad that you help Ysmael for my baby. Salamat po kasi alam niyo sa mga oras na iyon ay halos hindi ko pa k-kaya." pumikit ako ng mariin.
"Ofcourse! Apo ko iyan sa tuhod! Mabuti na nga lang at matalino ako! Buti narin at sinundan ka dito ni Ysmael kaya nabisto ko siya. Nalaman ko na narito ka."
Naging mahaba ang araw na iyon para sa amin. Halos palubog na ang araw ng naging tahimik kami. Si Ysmael naman ay halos oras oras na napapatingin sa akin.
Si Mamita ay tumungo sa kusina para magluto habang ako ay titig na titig parin sa anak namin na natutulog.
Malakas akong napabuntong hininga.
"Salamat sa lahat na ginawa mo, El." lumapit ako sa nakabukas na bintana. Tanaw na tanaw naming dalawa ang medyo may kalayuan na kabahayan na may palamuting christmas lights dahil bermonths na.
Nakaramdam ako ng excitement. Parang isang bata na excited sa pasko. Dahil nga baka siguro may anak akong makakasama sa pasko.
I can't help but to imagine a life with her. Sabik na sabik ako sa kanya.
"Dahil mahal kita, Ruby. I love you and our daughter." bulong niya at naramdaman ko ang paghawak niya sa aking baywang. Mula likod ay niyakap niya ako.
"K-Kahit na. Salamat parin dahil kilalang kilala ako ni Esme."
"I showed her everday your picture. She's brave and smart kid."
Tumango ako, tinatanggap lahat ng papuri sa anak.
"I have plans for us. I wish you have too.." bulong niya ulit tila nagdarasal.
Umiling ako. " Sa totoo lang wala akong plano sa atin lalo na biglaan ito." kinalas ko ang kamay niyang nasa baywang ko at hinarap siya.
"Then you have to hear my propositions." his eyes blazed when he looked at me. "You have to behave with my terms."
I rolled my eyes at him.
He cupped my chin. "I have to talk with your parents. And please baby, I'm so in love with you. I'm not a perfect boyfriend. I made mistake where I learned my lessons when you were gone. Ngayon sabik na sabik ako sayo. Sisingsisi ako kung bakit inuna ko ang trabaho na dapat kapakanan mo ang inuna ko."
"Shhhh... El." I tried to calm him down dahil ramdam ko ang mga bagay na gusto niyang iexplain sa akin na akala niya hindi ko alam.
"I'm not naive. Siguro noon pero ngayon narealize ko lahat ng sakripisyo mo." umiwas ako. "Ayoko na n-ng gulo El.." bumalik ako sa bintana at sinamyo ang ambiance ng nalalapit na pasko. Nakita kong' may mga batang naglalaro sa labas.
"Gusto ko nalang mamuhay ng tahimik. Kalimutan ang nakaraan. Mamuhay kasama ang anak ko.." sabi ko.
He immediately grabbed my waist. "How about me? Ruby.... Isama mo ako sa buhay na gusto mo. I want a peaceful life too but with you and our daughter." may hinanakit sa kanyang boses.
Ramdam ko ang kanyang pagkabahala sa aking desisyon.
"El.. Hindi na ako babalik ng Manila. Siguro bakasyon nalang. Dito na ako maninirahan-"
"Then I'll be here for good."
Huminga ako ng malalim.
"How about your women in Manila. Your fuck boy-"
Kinintalan niya ako ng halik sa labi kaya ako ay natigil.
"I'm loyal with you, Ruby and you know that. I've been smittenly in love with you."
Hindi ko nalang itinuloy ang biro ko sa kanya dahil alam ko naman ang totoo. Noong bata pa ako ay lumaki akong kilala siyang playboy at papalit palit ng babae not until I have reached a legal age. Doon ko siya nakitang nagbago at dikit ng dikit sa akin.
I'm not blind about his past, his work before, his reputations and all. I've known all of it wide-eyed. Hindi lihim sa aming pamilya kung ano sila maging sa insdustriya.
How dangerous they are ngunit ang kilala nilang tuso sa kanila ay parang kuting ngayon sa tabi ko.
"You kissed me earlier. That means you still love me." pagkunway sinabi niya, namimilit na mahal ko nga siya.
Huminga ako ng malalim ulit. "O-Okay. T-Tayo na." ramdam kong' uminit ang aking pisngi!
Damn! I'm not a fucking' teenager!
Hinuli ni Ysmael ang aking mga mata. "Ruby.. I'm serious. I want to marry you not because of Esmeralda but because I love you. I want to be your husband not because of Esmeralda but because you love me." pamimilit niya. Kinulong niya na ako gamit ang mga bisig niya sa bintana.
Tumango ako ng dahan dahan.
"Yes, El. H-Hindi nagbago ang nararamdaman ko simula pa noon. M-Mahal parin kita."
Narinig ko ang malulutong niyang pagmumura at inangkin kaagad ang aking labi na kanina niya pa tinititigan.
Tumindig ang aking balahibo ng maramdaman ang pagsinta sa kanyang mga halik. Pakiramdam ko first time ko nahalikan ng ganito ka tamis. Inanggulo niya ang kanyang ulo para mas laliman ang aming halikan.
Nang mga oras na iyon ay marami akong nakalimutan. Si Mamita na nasa labas lang at ang aming planong bakasyon ni Ysmael.
"Ahem! Excuse me. B-Baka makita kayo ng bata. Siguro naman may isa pang kwarto dito Mondragon?" mataray na sabi ni lola! Hindi ko namalayan na nakapasok pala siya at may dalang malinis na dede ni Esmeralda!
Damn!
"Nakakadalawa kana sa apo ko, Mondragon. Hinay hinay." dagdag ni lola.
~~~
Author's Note: Last chapter to post. Para mabasa ang missing chapter nito at ang last 2 chapters nito (Ruby last POV and first POV ni Ysmael which is ang ending na) sa aking VIP page po lamang mababasa. May mga bago po uling books tayo which is installment rin ng Montemayor 2nd gen) Just message me on the link below for membership.
https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL
YOU ARE READING
Echoes of Mistakes (Montemayor Second Generation ||)
RomanceMatured content (Dark Romance)