Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko naramdaman na umaapak ang paa ko sa lupa. Parang wala na akong ibang nakita kundi ang pagbuhat ni Ysmael kay Susan. Kitang kita ko na mas dumami pa ang dugo mula sa kanyang ulo. Kitang kita ko ang sobrang takot at pag aalala ni El.
Nasasaktan ako at galit sa sarili ko. Parang wala na akong nagawang tama. Natanto ko na sa aming magpipinsan ay ako lang ang walang improvement. Sila may kanya kanyang negosyo kahit patapos palang ng college. Habang ako ay mas inuuna ang pagmamahal kaysa sa bagay na dapat kong' gawin.
Mali ba na unahin ang aking nararamdaman? Masyado ba akong naging masama at selfish?
Sobra ang aking takot at pag aalala. Sumama ako sa hospital. Halos nakatunganga lang ako at umiiyak. Tahimik rin si El habang nakapikit. He smashed the wall and his fists bleed.
Nakatayo ako sa gilid habang siya ay pabalik balik. Agad na dumating ang papa niya, si tito Marco.
"Where's Susan? Anong nangyari?" nag aalala ang boses nito. Napatingin siya sa akin. Tulad ng taong may kasalanan ay hindi ko magawang tumitig kaya nasa paanan ko ang aking mga mata.
Ysmael explained what happened.
Nasa emergency room si Susan hanggang sa lumabas ang doctor.
"Time of death.. 7:30 Pm.' he announced. "Sorry, but the patient-"
"Are you fucking kidding me?!" sinakal ni El ang doctor habang ako ay nalaglag ang panga!
Dumaloy ang aking luha at nanginig ako sa samu't saring nararamdaman.
Namatay si Susan.
Pakiramdam ko habang iniisip ko iyon ay nababalot ako ng kadiliman habang hindi makapaniwala. Nagmura si tito Marco at napasabunot sa sarili niyang buhok.
Susan is precious for them. Anak si Susan ng malapit na pinagkakatiwalaan ni tito Marco. Sila ang nagpalaki sa kabila ng kapansanan ni Susan. Mahal na mahal nila si Susan.
At nang dahil sakin ay namatay ang mahalagang tao para sa kanila.
"T-Tito... I'm sorry!" dumaloy ang aking luha habang nanginginig ako. Madilim akong tinitigan ni tito Marco. Ang daming nagsasalita ng ilang minuto at hindi ko makuhang magsalita.
Iyak ako ng iyak hanggang sa...
"Where's my daughter?" narinig ko ang baritonong boses ni daddy. Agad akong napamulat.
Nakaupo na pala ako sa sahig. Hindi ko alam kung ano ba ang aking mukha ng madatnan ni daddy dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ay hindi ko na alam ang aking sitwasyon.
Nanlaki ang mga mata ni dad nang makita ako at nagmamadaling hinila ako at niyakap.
Mas lalo akong humagulhol sa kanyang mga bisig.
"D-Dad... Nang dahil sakin namatay si Susan!" I exclaimed with all of my heart. Nasundan iyon ng iyak at nakita kong' tinitigan ni daddy ang mga naroroon.
"Something is wrong here. Let's go..." aniya, boses galit.
"D-Dad!" pigil ko.
"We're going home. Kung anuman ang nagawa ng anak ko. Handa akong ayusin-"
"Susan is dead, Damon." sabi ni tito Marco.
"Condolence, Marco. Pero hindi ibig sabihin ay ganito ang trato niyo sa anak ko. She's crying there almost an hour, I guess? She's a mess and heartbroken but your bastard son of a bitch ay wala rito at inuna ang namatay which I guess is right. At sa tingin ko ang tamang gagawin ko rin sa anak ko ay ilayo sa kanya. My daughter deserve someone who can protect! And love her! Kung hindi niyo kami mapatawad... Magkamatayan na ngunit hinding hindi ko rin kayo papatawarin hanggang kamatayan." nanginginig si daddy ng sabihin iyon at namumula.
Sobrang higpit ng hawak ko sa kamay niya habang umiiyak.
Nanlaki ang mga mata ni tito Marco at bumaba ang tingin sakin. Umalis kami doon ni daddy na hindi nakakausap si Ysmael.
Tahimik ako ng dumating sa aming mansyon. Agad akong niyakap ni mommy.
Gabi na nang makarating ako at ayokong magsalita.
"Ruby.. Magpahinga ka muna at hahatiran kita ng gatas sa kwarto mo." ani mommy.
Tumango ako kay mommy 'tsaka umakyat sa aking kwarto.
Alam ko na nag uusap si mommy wt daddy sa ibaba ngunit wala na akong lakas upang harapin sila. Hindi ako makapaniwala sa nangyari.
Pakiramdam ko pinaparusahan ako ng Diyos dahil masyado ako naging masama. O naging masama ba talaga ako? Gusto ko lang naman ng atensyon at pagmamahal ngunit ito ang kinahantungan.
Halos hindi ako makatulog ng gabing iyon dahil sa maraming iniisip. Una, naiwan ko si Furr sa bahay ni Ysmael. Pangalawa, naiwan ko rin ang cellphone ko doon. Pangatlo, hindi ko na magawang magpakita sa kanila kahit kailan dahil sa nagawa ko.
Sa mata nila ay isa akong mamamatay tao. Kahit anong oras puwede nila akong ipakulong.
Sa huli, naitanong ko nalang kung minahal ba talaga ako ni El?
Nagising ako na mabigat ang pakiramdam. Bumaba ako ng kwarto at nakita si mommy at mamita na nag uusap sa sala.
Agad na tumayo si mamita.
"Oh, my precious Ruby!" kinulong niya ang mukha ko sa nanginginig niyang kamay. May kokonting luha na nag uumapaw sa kanyang mga mata.
"Mga wala silang konsensiya! They file a case against you! Ang lalaking iyon talaga! Akala ko mapagkakatiwalaan siya pagdating sayo!"
Nanlaki ang mga mata ko. Nakaramdam ako ng takot.
"Huh?"
"Mama!" saway ni mommy kay mamita. "Hindi dapat ito marinig ni Ruby." lumapit na rin si mommy.
"Kung nag file sila edi magfa-file rin kami! Hindi kasalanan iyon ng anak ko. Gagawin ko lahat para lang maging malaya ang anak ko sa lahat nang ito! Mama... Ang bata bata pa ni Ruby para sa ganitong problema.." nanginginig, umiiyak si mama.
Humikbi ako at tinakpan ang mga labi. Niyakap ako ni mommy at pinunasan ang aking mga luha.
Ang makita ang pamilya ko na gulong gulo, nagkakaproblema, at malungkot nang dahil sakin ay parang gusto ko nalang mawala nang parang bula.
Hindi nila deserved ng anak na katulad ko.
I am disgrace to the family. A whore and a shame. Wala na akong nagawang tama. Lahat nalang na binibigay ko ay problema.
"Mommy, hindi ko na po kaya." naiiyak kong sambit. "Sorry po sainyong lahat. Nang dahil sakin ang lahat nang ito. Gustong gusto ko na po mawala.."
"Hush, anak. No.. We are family. Mahal na mahal kita. Mahal ka namin. Kaya natin 'to." hinimas ni mommy ang aking likod.
"D-Di'ba mama? Hinding hindi natin pababayaan si Ruby?" dagdag ni mommy.
Niyakap rin kami ni Mamita at tumango siya. Hinalikan niya ako sa buhok.
"Kaya natin 'to. Magsisisi sila." sumpa niya.
~~~
Note from Frezbae: Gusto mo bang mabasa ang missing chapters? Maging parte na ng aking VIP page. May promo po kami sa payments for membership. 70% less sa regular price kaya magpamember na. Doon na ako regular na nag aupdate. Message me on my fb link below.https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL
YOU ARE READING
Echoes of Mistakes (Montemayor Second Generation ||)
RomantizmMatured content (Dark Romance)