Huling araw na pagdalaw ko na iyon sa Orphanage. Hindi na ako dumalaw ulit dahil sa aking takot na nararamdaman. Ang daming bumabagabag sa aking puso at isipan na nagbigay ng mga gabing walang katulugan.
Hinayaan ko na nagtuturo doon si Nath. Hinayaan ko na nagtatrabaho doon si Ysmael. Wala akong contact sa dalawa especially na matagal ko nang binago ang aking numero. Tanging mga pamilya ko lang ang nakakaalam.
Tumingin ako sa salamin at hinawakan ang maikli kong buhok. Nanatili ang aking katawan. Mas lumaki nga lang ang aking hinaharap.
Hindi ko inaasahan na sa paglipas ng panahon ay makikita ko pa sila. Kahit pilit kong' iniiwasan o takbuhan ang nakaraan ay ito na ang kusang lalapit at hahanap sa akin.
Nag-ring ang aking cellphone na nasa ibabaw ng aking unan. Dahan dahan ko iyong kinuha at nakita ang cellphone number ni Mamita.
"Mamita..." narinig ko ang sariling hinakit sa aking boses.
"Apo ko.. Ang tagal mong hindi nagparamdam sa akin... Sa amin nila daddy mo. Gusto lang naman kitang kamustahin."
"Mamita.. I'm okay-"
"I know how okay your pretty face was but don't claim being okay emotionally. You are not. Apo, may hindi kaba sinasabi pa sa amin? N-Nag aalala ako."
Kinagat ko ang aking labing nanginginig. Naalala ko ang mga napagdaanan ko na wala sila. Na hindi nila alam. Na kahit sino hindi ko sinabihan. Nagkataon lang na nakita ako nila ni Nanay Clarita dito na malaki ang tiyan kaya alam nila ang nangyari sa akin.
I always cheers myself, that its okay. No matter what people would say. They just don't know what my side of story and I don't have a plan to tell them or to make myself innocent...I just don't care at all.
Let it be. Time will heal me.
Gusto ko nalang mamuhay ng tahimik.
"Mamita, malalampasan ko rin ito. Ganito talaga ang buhay. Hindi ko iniisip na pinapahirapan ako ng Panginoon. Kasi alam ko na it's His ways to make me stronger."
"Napaka matured mo na mag isip. Nakakalungkot lang kasi ni hindi namin nakita ang pag-bloom mo as a woman. Naiimagine ko na kung ano ka ngayon... And I am happy Ruby. Sana nga ay umuwi ka rin minsan kasi nanganak na ang mama mo lahat lahat hindi ka parin umuwi. Don't be scared... Marami kang hindi alam and I don't think na gusto mo pang malaman. I know you."
Ayaw pa sanang tapusin ni Mamita ang ilang minuto rin naming pag uusap ngunit nagpaalam rin ako sa kanya.
Bago ko ilagay ang cellphone ko ay nakita ko ang mga messages ng mga pinsan ko na pinili kong' huwag replyan.
Pagkatapos kong maglinis ng buong bahay ay nagbihis ako para sana magkape sa labas ng bahay nang makita ko si Nanay Clarita na bumukas ng gate.
Ngumiti siya sa akin. "Ruby.. Napabisita na ako ulit kasi nagtatanong ang mga bata kung kailan ka raw bibista. Tsaka iyong si Angel.. Ang batang iniwan sa atin! Parang ayaw dumide sa bote! Iyak nga ng iyak!" sumbong ni nanay sakin.
Huminga ako ng malalim. "Hm.. Bibisita ho ako ngayon." nakaramdam ako ng kudlit sa aking dibdib na marinig na kanila akong hinahanap.
"Ayaw siguro ni Angel ng lasa na nasa bote." nag aalala ako para sa bata kaya ako ay tumayo.
Sinabayan ako ni nanay Clarita na pumunta ng Orphanage na malapit lang naman sa bahay ko.
Hapon narin at pagpasok ko ay doon ako dumaan sa kung nasaan si Angel.
"Ang mga bata ma'am ay nandoon sa parke." ani Clarita. Tumango naman ako.
"Uunahin ko po muna si Angel, Nay, nag aalala kasi ako baka gutom na gutom na."
"Oo nga, namayat nga ang bata."
Sa gilid na kung nasaan kami ay maraming puno at halaman. May mga benches sa lilim ng puno at doon ko nakita si Lena na hinihile ang sanggol na malakas ang iyak.
Nakita ko kung paano parang maiiyak si Lena.
"Lena... Bigay mo sakin si Angel."
"I-Ikaw pala iyan Ruby! Mabuti at naparito ka! Wala naman kasi akong gatas at hindi naman ako nanganak. Sabi ko nga kay nay Clarita na tawagin ka at masagana ka sa gatas!"
Umupo ako sa bench at binigay agad ni Lena si baby Angel. Hinile ko siya at natulala agad sakin ang baby. Ngumisi ako at nilabas sa aking bra ang aking isang dibdib para makadede si Angel.
Tumahimik si Angel ng makadede na at napabuga ng hangin si Lena.
"Hay! Salamat! Mabuti nalang talaga maraming gatas si Ruby! Ang lakas dumide ni Baby Angel! Oh, Ysmael! Gusto mo rin ba?!" biglang tinawag ni Lena si....Ysmael?!
Natuod ako sa pagkakaupo at narinig ang pagmumura ni Nanay Clarita kay Lena.
"Pinagsasabi mo diyan, Lena! Si Ysmale magdede rin? Gunggong kaba?"
"Ha?!" umiling agad si Lena." H-Hindi! Ito oh, may juice kasi dito!"
Napapikit ako ng mariin at tinitigan nalang si Angel na dumidede sakin. Narinig ko ang mabibigat na yapak ni El sa gilid ko. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko.
"Magandang hapon." narinig ko ang baritonong boses ni El.
"Kumain ka muna diyan hijo at hapon na." si nanay Clarita.
"Ano pong nangyari sa bata?" tanong nito.
"Ah, iyak ng iyak kasi si Angel. Ilang gabi na yan hindi masyado nakakatulog. Iyon pala hindi siya hiyang dumide sa bote. Mabuti nga ay masagana sa gatas si Ruby! Kundi ngayon problemado kami ngayon!"
Kumalabog ng husto ang dibdib ko.
Hindi ko na narinig ang boses ni Ysmael. Siguro ay natahimik siya. Hindi iyon ang kinababahala ko. Nababahala ako dahil sa katotohanan na sa mga oras na ito ay may idea na siya kung bakit ako may gatas! Hindi mangmang si El para hindi makuha kung bakit ako nagkaroon ng gatas!
Patuloy sa kalabog ang dibdib ko hanggang sa nakatulog na si Angel. Magiliw namang nakatitig sa amin si Nanay Clarita.
"Alam mo Ruby.. Kung nabuhay lang ang anak mong lalaki. Kitang kita ko na magiging mabuti kang ina. Napakahilig mo sa mga bata."
Oh gosh! Not now Clarita!
Inayos ko ang damit ko ng kinuha ni Lena si Angel.
"Oo nga nay. Kaso hindi ako binigyan ng pagkakataon." sabay tingin ko kay El. "At siguro baka hindi ko na rin alam kung paano magmahal muli. A-Ayoko na pong masaktan."
~~~
Want to read the missing chapters? Dm lang at maging member ng aking vip page. Malapit na po itong mag end at sa vip page ko lang ito mababasa ng buo. The seried 1 ay completed na. Dm me on my fb link below for membership.
https://www.facebook.com/share/WGp21wJhxdX5Pmjo/?mibextid=A7sQZp
YOU ARE READING
Echoes of Mistakes (Montemayor Second Generation ||)
RomanceMatured content (Dark Romance)