"Can I talk to you?" may inasikaso si Ysmael sa kanilang kompanya. Narinig ko rin na maaga siyang pinapatawag ng kanyang ama kaya naisipan ko na kausapin si Raphael.
Hindi nagkikwento si Ysmael tungkol kay Susan at halos hindi rin ako matahimik kung hindi ko malaman lahat tungkol sa kanya.
"Let me guess.." ani Raphael sa kabilang linya. "About Susan?" mapang asar ang boses niya.
Umirap ako sa ere. "Yes. I need to know about her."
"Alright. I bet, hindi to alam ng kapatid ko. He's possessive at hindi iyon papayag na makipagkita ka sakin."
"Importante ang mga gusto kong' malaman at sayo lang ako pwedeng magtanong."
Sinabi sakin ni Raphael ang address nang kung saan kami puwedeng magkita. Agad ako doong pumunta at iniwan si Furr sa bahay kasama si Susan.
Hindi ko rin nakita si Susan pag alis ko. Nang makarating sa restaurant ay agad kong' namataan si Raphael na seryosong naghihintay sakin.
He resembles alot of Ysmael. Halos kambal.
The foods were already served when I came. Umupo ako sa harapan niya at matiim niya akong tinitigan.
"I want to know about her, Raph. Saan siya nanggaling. At bakit sa bahay siya ni El nakatira? Not that I don't like her in his house but ofcourse I have to ask."
Huminga ng malalim si Raphael. "She's an orphan, Ruby. Dos, is her father. Dad's right hand pero namatay kakaprotekta kay papa. Ganoon rin ang ina niya. Kungbaga ay dinamay sila ng kalaban noon ni papa."
Tumango tango ako at hinilot ang aking ilong.
"Okay. That's make sense."
"Susan was only fifteen years old nang mamatay ang magulang niya. She's been abuse physically and ofcourse mentally bago siya namin nakuha. She's now eighteen. Si Ysmael lang ang nakakapagpakalma sa kanya at wala nang iba pa."
"Kaya ang brother-hood ay nagdecide na manatili siya kay El. She's doing great."
Tumango tango ako.
"Homeschooled rin siya hanggang ngayon. Ayaw niya sa mga tao kaya siguro nahirapan si El nang makapunta ka sa bahay niya."
Titig na titig si Raphael sa akin na tila ba tinatantiya niya ang magiging reaksyon ko.
Tinaas ko ang dalawang kilay at napabuga ng hangin.
"Hindi ko siya tinuturing na ibang tao dahil alam ko ang nararamdaman niya. Ramdam ko siya Raph. Eto lang ang mga gusto kong' malaman. Raph may chance ba na puwede ko siya maging karibal kay El?" prangka kong tanong.
Ngumuso ang gunggong at kitang kita ko ang mapang uyam niyang ngisi. "Posible, Ruby. Gustong gusto ni Susan si Ysmael. Alam iyon ng kapatid ko ngunit hinding hindi niya iyon masusuklian kasi alam mo na. Alam ko ang rason, Ruby."
"Fuck.." I mumbled frustratedly. I can't hate Susan and I can't blame Ysmael just because of that. Ayoko maging impokrita sa pagkakataong ito at lalawakan ko ang aking pang unawa. Hindi dapat ako magselos.
"Please tell Ysmael to not quit the brotherhood. We need him." huling salita sa akin ni Raphael bago ako umuwi. Ni konti lang ang nakain ko sa binili niyang pagkain para sa akin.
Bago ako umuwi ay huminto muna ako sa isang Dog shop para sa vitamins at pagkain ni Furr.
Pakiramdam ko nag aalaga ako ng bata. Ang turing ko kay Furr ay parang pamilya ko na rin. First time ko magka aso kaya alagang alaga ko siya.
Nang makauwi ay agad akong pinapasok ng guard. Tuloy tuloy ang pasok ko at tinawag si Furr.
"Furr! I'm home!" I exclaimed at nilapag ang mga binili sa mesa. Ngumuso ako dahil wala parin si Furr. Madalas ay agad iyong sumasalubong sa akin kaya kakaiba na hindi niya nagawa ngayon.
Tumayo ako agad at nakaramdam ng kaba.
"Furr?!" hinanap ko siya sa bawat sulok ngunit wala ito.
"Furr!!!" sigaw ko ng makita siya sa halamanan na bumubula ang bibig at halos wala nang buhay!
"Fuck! Furr!" agad ko siyang binuhat at hindi ako nag aksaya ng oras.
"R-Ruby? Anong nangyari?" si Susan ng makita ko siya galing sa itaas. Hindi ko na siya nasagot at nagmamadali akong kinuha ang isa sa mga susi ng kotse ni Ysmael at sinugod si Furr sa clinic ng mga aso.
Hindi magkamayaw ang iyak ko habang nasa biyahe. Nilagay ko siya sa aking hita habang naiiyak.
"Anong nangyari sayo Furr? Omg, No."
Narating ko agad ang clinic kinuha si Furr sakin para lapatan ng pang unang lunas. Saktong tumawag si Ysmael sakin.
"Where are you?" agad niyang tanong. "Fuck.." napamura siya ng marinig ang hikbi ko. "Nasa bahay ako.. wala ka-"
"My dog, El. Sinugod ko siya sa clinic!"
Hindi nagtagal ay dumating si El sa kung nasaan ako. Kitang kita ko na malalim ang kanyang iniisip. Nang lumabas ang vet na gumamot kay Furr.
"Your dog is brave, Ma'am. Mabuti at sinugod niyo agad siya rito at nadapatan siya agad ng gamot."
"Ano po ang dahilan kung bakit siya muntikan ng mamatay po?" tanong ko at naluluha. Naalala ko ang mukha kanina ni Furr. Akala ko wala na siya.
"Nalason po ang aso niyo ma'am."
"N-Nang ano po? Halaman ba? Kasi sa halamanan ko po siya nakita."
Umiling ang vet. "Gamot po ang nakuha namin at lumabas sa tests."
"Anong klaseng gamot iyon?" panigurado ni El.
"Poison, sir. Lason mismo ng aso." sagot ng vet.
Kinagat ko ang aking labi at nagtaka. Kahit na pauwi kami ay hindi ko parin maiwasang mag isip.
"Where have you been earlier? The guards told me you left the house."
"I... I bought a vitamins and foods for Furr , El. Pagkabalik ko doon ko nalang siya nakita sa halamanan." sabi ko. Ang kotse na dala ko ay ang tauhan niya ang nagdrive.
Hawak hawak ko si Furr at binalot ko ito ng kumot at hinalikan.
"Hindi ko makakaya na mawala ang aso ko, El. He's my bestfriend." iyak ko. Tumango si Ysmael at hinalikan ang aking kamay.
"Sisiguraduhin ko na wala nang mangyayari kay Furr. You don't have to worry now."
Nang makarating kami ay nadatnan namin si Susan sa sala. Agad siyang napatayo ng makita kami.
"Ayos na ba ang aso mo ate?" si Susan. Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Ysmael.
"Nalason ang aso ko." sabi ko at umiwas. "Sabi ng vet, lason para sa aso." tinignan ko si Susan.
"W-Wala naman po akong ginawa sa aso niyo ate. Nagulat rin po ako kanina na sumigaw kayo." inosenting sinabi ni Susan. Lumapit siya kay El.
"B-Baka kasi ako ang mapagbintangan El.." namula ang mga mata niya na tila ba naiiyak. "Wala naman akong ginawa."
"Hindi ako nambibintang Susan. Calm, down. You look, alarmed. Chill." sabi ko at madiin siyang tinitigan. "Mabuti nakasurvive ang aso ko kasi baka ano na ang nagawa ko."
Hinimas ni El ang aking braso. "Enough, baby. Relax now, okay?"
Tumango ako at hinalikan niya ako sa labi.
~~~
Please message me for VIP membership for complete and more chapters.
Fb link below.
https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL
YOU ARE READING
Echoes of Mistakes (Montemayor Second Generation ||)
RomanceMatured content (Dark Romance)