Chapter 37

1.3K 37 4
                                    

Hindi ko alam kung paano iexplain kay Nay Clarita na aalis muna ako kasama si Ysmael. Nasa bahay ako ngayon at si Nay Clarita naman ay nasa kusina at nagluluto.

Hindi ko intensyon na ilihim ang tungkol sa amin ni Ysmael. Ngunit batid ko na may hinala si Nay Clarita.

Ganun paman ay wala naman akong dapat ikabahala.

"Nay, baka mawala ako ng isang linggo." sabi ko kay Nay Clarita kaya tumigil siya sa pagluluto.

Tumagal ang tingin niya sa akin. "Magtatanan ka kasama si Ysmael?" seryoso niyang tanong.

Umirap ako sa ere at umupo sa upuan. "H-Hindi nay. M-May dapat lang akong gawin kasama siya."

Ngumuso si Nay Clarita at ngumisi. "Uy! Anong gagawin niyong dalawa at bakit isang linggo ka mawawala? Naku, alam na alam ko na iyan Ruby. Ganyan rin ako noon sa kasintahan ko! Pagbalik ko buntis na ako!"

Huminga ako ng malalim at hindi na lang sumagot sa palatak ni Nay Clarita.

Naalala ko ang mga napagdaanan ko noon ng nagdesisyon akong bumukod mag isa. Malayo sa lahat. Noong nalaman ko na buntis ako at si Nay Clarita ang tumulong sakin, parang ayoko nang balikan ang mga panahong iyon.

Anxiety, Depression, and stress, lahat nang iyan ay naranasan ko.

Sa kabila ng mga iyon ay nilabanan ko ang mga oras na gusto kong kitilin ang sariling buhay ko.


But now, I'm still here. Still standing and breathing. We cannot predict our future and it's a miracle I am still alive until today.


"Pero kung saan man kayo pupunta ni pogi... Alam kong deserved mo iyon Ruby." malamlam na ngumiti si Nay Clarita. Naalala ko si Mamita, malayong malayo siya kay Nay Clarita ngunit ang mga disiplina niya sa akin dati ay nakatatak pa sakin.

I miss her so much. Lalo na sila mommy and daddy. Si Margo.

Gusto kong maiyak ng mga oras na iyon. Miss na miss ko na ang pamilya ko. Tatlong taon na hindi ko sila nakita kahit nakausap man lang. Nakaya ko ang mga taon na iyon na mag isa.


Lumabas ako ng bahay upang icheck ang hardin sa likod nang may kumatok sa aming gate. Nanlaki ang aking mga mata dahil si Seina iyon.

Nung una ay hindi ko alam kung bakit siya napapunta ngunit ng maalala na may gusto siya kay Ysmael ay nakuha ko kaagad.

Binuksan ko ang gate para sa kanya.

"Magandang araw." aniya. Nakakulay puti siyang T-shirt at nakapantalon. Ilang saglit siyang napatulala sa akin.

"Magandang araw rin. Ano ang kailangan mo? P-Pasok ka."

Umiling iling siya. "Hindi naman ako magtatagal. Uh... Gusto ko lang sana itanong kung ano ang ugnayan mo kay Ysmael?"

Naikuyom ko ang aking palad dahil sa nararamdamang kalabog ng aking dibdib. Bumalik sa aking isipan ang nangyari noon kay Susan ng dahil sa akin.

"A-Are you okay?" nag aalala niyang tanong. Siguro nakita ang aking panginginig.

Suminghap ako at nilabanan ang nararamdaman. "A-Ayos lang ako. Uh... Si El ba? Uhmm.."

"I think hindi ko na kailangang itanong pa. Nagtataka lang ako kasi nandito ka. Hindi kayo nasa isang bahay. Matagal na ako dito sa Polillo at alam kong dayuhan si El."

"May gusto ka sa kanya?" diretsahan kong tanong at hindi na nagpaligoy ligoy pa.

Dahan dahan siyang tumango. "I like him." kanyang pag amin. "But I know my bounderies. Alam ko at nakikita kong mahal ka niya. I was just curious about you kasi magkabukod kayo."

Nalito ako sa ibig niyang sabihin.

"Uh, yeah. Dapat ganun naman diba? Hindi naman kasi kami mag asawa."

Dahan dahan siyang tumango na tila nalilito rin.

"Ah! Okay. I got it. Siguro mali lang ako ng iniisip. Uh-"

"Anong iniisip Seina? May gusto ka bang sabihin?" nilingon ko ang bahay. "My door is open for you. We can talk about it inside."

"Hindi ako magtatagal. Saglit lang rin ako. Ano kasi nagtataka lang."

"Sa?" udyok ko at nakaramdam ng kalabog sa dibdib.

"Kasi di'ba... You and Ysmael had a thing before?"

I nodded, still unpuzzle.

"Yeah."

"Ano ba iyong settlement niyo sa bata? Sa umaga sayo? Tapos sa gabi sa kanya? Curious lang ako. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko-"

Nakain na nang lito, kabingihan at kalabog ng dibdib ang aking pagkatao sa narinig.

"Excuse me? What bata are you talking about?" lito kong tanong at nahawakan na siya sa kanyang braso.

Tinitigan niya rin ako ng nalilito. "Bata. Iyong anak mo sa kanya. Nandoon kasi sa bahay ng kailan at nawalan sila ng kurente. Nasira raw e. Naawa naman ako-"

"Anak ko sa kanya?!" fuck! Parang nagulantang aking pagkatao. Then naalala ko ang mga nangyari nang nanganak ako. Fuck! Nailibing ko ang anak ko e!

"Teka Miss, Ruby." namutla siya bigla. "H-Hindi mo po alam? Oh My." nasapo niya ang kanyang labi.

"I was curious kaya pumunta po ako dito tapos....Oh my. Hindi ko alam na hindi mo po alam." dagdag niya.


Halos natulos ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung ano ang uunahing isipin ng utak ko!

Anak namin? Nasa kanya at all this time hindi ko alam?!

Tinaguan ako ng anak?!

"Fuck!" gusto kong maiyak at hindi ko alam ang gagawin. Pumara ako ng traysikel at naiwan si Seina doon sa gate.

Hindi na ako nagsayang ng panahon at tinungo ko ang bahay ni Ysmael na napuntahan ko na noon.

Habang papalapit ay parang mahihimatay ako. Nakakabingi rin ang kabog ng aking dibdib.

Nang makabayad sa traysikel ay bumaba agad ako at dahan dahang lumapit sa bahay.

Ang dami kong' tanong. Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko nakita? Ano ang katotohanan?!

Nang medyo nakalapit ay narinig ko ang hagikhik ng isang batang babae. Nasa sala sila habang nasa terasa ako, nakasilip.

Umawang ang aking labi ng makita ang batang alam kong mga nasa tatlong taon na.

Nilalagyan ni Ysmael ng pulbo ang bata at nakangiti naman ang bata sa kanya, magiliw siyang tinititigan.

Nakikita ko ang aking sarili sa mga tingin ng batang iyon kay El. Ganyan na ganyan akong tumingin kay Ysmael. Ang ngiti at hagikhik niya na parang ako. Ang buhok, ang mga mata, at ang labi ay akong ako.

Bumuhos ang aking luha sa nasaksihan ng halikan ni El ang bata sa noo.

"I hope your mama will get through her trauma para mapakita na kita. She loves you so much." ani ni El habang nakaluhod sa harap ng bata.

Nangangatal ang aking katawan at naalala ang pagkamatay ni Susan na ako ang dahilan. Sinisisi ko ang sarili ko noon kung bakit napapamahak ang mga taong malapit sa akin kung kaya kahit sa mga bata sa orphanage ay madalang akong magpakita dahil hindi ko kaya.

Ngayon na malaman kong may anak ako ay gusto ko siyang yakapin at hagkan ng sobra.

~~~~
Authors note: Want to read the missing chapters and advance chapters? Nalilito ba? Basahin ng buo sa aking VIP page maging ang iba ko pang bagong nobela. Habol na sa promo from 4500php, 2000php nalang na Lifetime membership na. Message me on my fb link below for membership.

https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL

Echoes of Mistakes (Montemayor Second Generation ||) Where stories live. Discover now