Hindi ko alam ang sasabihin. Tila nag ugat ang aking mga paa sa lupa habang titig na titig sa batang sinusuklayan ni Ysmael! Ang lakas ang aking puso ay aking rinig na rinig.
Who's mommy are they talking about? Ako ba? Bakit ang puso ko ay sinasabing ako nga? Bakit kakaiba ang koneksyon na nararamdaman ko sa batang ito?
Paano? Paano ako magkakaanak kung gayong namatay ang anak ko?
Isang hikbi ang kumawala sa aking labi kung kaya silang dalawa ay napatingin sa akin. Bakas ang gulat sa mga mata ni Ysmael ngunit sa minutong nakita niya ako ay naging malamlam ang kanyang tingin, pabalik sa bata.
Ang bata ay kaagad na umiyak at tumayo upang lapitan ako! Iyak at galak ang nakikita ko sa mga mata ng bata!
Tumayo si Ysmael at lumapit sa akin. Nakapasok na ako sa bahay nila habang nakayuko sa batang humawak kaagad sa aking baywang.
"M-Mommy.."
Rinig ko ang buntong hininga ni Ysmael at ang marahan niyang paghawak sa aking baywang at paghalik sa aking buhok.
"M-Mommy..." ulit ng bata, nagpapakarga. Suminghap ako habang dumadaloy ang luha at napatingin kay Ysmael.
I saw love and care in his eyes. Na hindi na siya nagulat sa nangyari. Na inaasahan na niya ito.
"Pinapakita ko araw araw ang pictures mo sa kanya." sabi ni El.
Kinagat ko ang labi at lumuhod. Sa nanginginig na kamay ay kinulong ko ang mukha ng bata sa aking palad.
Parang bumusilak ng punong punong damdamin at emosyon ang aking dibdib ng magkatitigan kami ng bata!
Lumuhod rin si Ysmael at inayos ang aking buhok.
"She's Esmeralda, our daughter."
Naging hudyat iyon upang umiyak ako lalo. All this time ay wala akong alam!
Wala akong inuna kundi ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Hindi ako nanumbat. Wala akong naramdamang galit kundi kaginhawaan nang malaman na may anak ako!
Hindi ko magawang magsalita. Kinarga ko ang bata at kinalong ko siya dahil ramdam ko ang kanyang antok. Titig na titig siya sa akin, at ako sa kanya.
"M-Mommy. I love you.." anito. Ngumiti ako ng marinig iyon. Akin siyang hini-le hanggang siya ay makatulog.
"Let me carry her in her room." bulong sakin ni Ysmael dahil tulog na si Esmeralda.
Umiling ako. "Paanong nangyari ito, El?" naiiyak kong tanong. Napamura siya at umiwas.
Umiwas rin ako at hinagkan ang anak na nakatulog na sa akinh braso.
"Kamukhang kamukha ko siya." sabi ko.
Ysmael nodded and held my hand. Hinalik-halikan niya iyon,pinakiraramdaman niya kung nanginginig ba ako.
"Sorry for keeping her. Those years I saw your pain and you were traumatized because of me. Nakita kong' ayaw mo sa mga bata."
Bumuga ako ng hangin at umiyak. Ilang saglit pa ay napag isipan ko na ilagay si Esmeralda sa kanyang kwarto.
When I opened her room, kitang kita ko kung gaano iyon ka linis, at organisado. Halatang hands on si Ysmael sa kanya! Kahit simple at payak ang bahay nila ay alagang alaga siya ni El!
Nilagay ko siya sa kanyang kama at nakita ko ang sariling litrato ko sa side table. Kaya pala kilalang kilala niya ako.
Uminit ulit ang gilid ng aking mga mata at sinapo ang dibdib.
YOU ARE READING
Echoes of Mistakes (Montemayor Second Generation ||)
RomanceMatured content (Dark Romance)