Chapter 31

1.6K 42 6
                                    

   "Ruby, kailangan ka doon. Ang mga bata ay nasa kwarto nila kaya hindi nila nakita. Ngunit hindi namin maawat ni Rita at ni Lena ang dalawang lalaking iyon! Ang lalaki e!"

Pumikit ako ng mariin. Natatakot ako sa kung sinuman ang puwede ko doong makita. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Ruby, natatakot ka ba? Namumutla ka e." nag aalala si nanay Clarita.

"Okay lang po ako, nay. Uh, susunod nalang po ako. Mag aayos lang." sabi ko at pilit na tinatago ang kabang nararamdaman.

"Ha? Susunod ka? Paano kung magpatayan ang dalawa doon? Ruby, sayang naman kung pauwiin ko si sir Nath! Magtuturo pa iyon sa mga bata! Sayang rin iyong poging hardinero! P-Papauwiin ba natin?" naghihisterya na si nanay.

"Nay, kung ayaw nila paawat tawagan mo ng tanod. Iyon nga ho," tumango tango ako. "Tanod o pulis, tawagan mo. Basta po susunod nalang po ako."

Napapaypay sa sarili si Nanay Clarita. "Magkakasala yata ako sa yumao kong asawa." tsaka siya umalis ng walang sabi.

Hindi ko alam na nagkaroon pala siya ng asawa? Umiling iling nalang ako at nag ayos nalang ng sarili. Pormal ang aking suot at humugot nalang ako ng lakas ng loob sa mga napagdaanan ko noon.


Kumakalabog ang aking dibdib nang nasa hallway palang ako papasok ng Orphanage. Balisa si Lena na nasa gilid at tila ba kanina pa naghihintay.

"Ma'am! Nandito ka na pala! Nagsuntukan po si sir teacher at yung bago nating hire na hardinero maam. Marami pong nabasag!" sunod sunod na sinabi ni Lena.

Tumango ako at kalmadong pumasok sa bulwagan.

"Palaruin muna sa likod ang mga bata. Huwag munang papuntahin dito." utos ko.

"Sige po ma'am!"

"Ruby, lang, Lena."

"Ay , Ruby pala!" agad siyang nagmamadaling umalis. Ang saya ng kanyang mahabang palda ay sumayaw sayaw dahil sa kanyang pagmamadali.

"Ruby! Nandiyan ka na pala!"

Halos mahimatay ako ng makita si Nath na dumudugo ang pisngi. Ang vase na nabasag. Ang malaking salamin na nabasag. At si El... nakaupo at titig na titig sakin. May galit sa kanyang mga mata ngunit lumabot iyon ng husto ng makita ako. Umiwas ako at napalunok.

I crossed my arms and looked round the mess they have made.

"Too old enough to act shit here." malamig kong' sinabi. "Those paintings and mirrors are expensive Nath and Mr. Mondragon."

Nakita ko ang panginginig ni Rita at Nanay Clarita sa gilid. Tila takot sa akin.

"Nay, Clarita, Sino ang nagpasimula ng gulo?" nilingon ko si nanay Lena. Napailing nalang si Nath at napahilot sa kanyang ulo. Si El, naman ay nakatitig parin sakin, at hindi ko alam ang gagawin ko.

"Uh, Ruby... Ewan e. Basta nang magkita silang dalawa po ay nagsuntukan agad."

Marahas akong napabuga ng hangin at tumango.

"Alam niyong puro mga bata ang inaalagaan ko dito. Paano kung nakita nila ang ginawa niyo? Ang tatanda niyo na pero hindi parin kayo nag iisip!" napayuko si Nath at si El ay ganun parin malamlam na nakatitig sakin, parang hindi makapaniwala.

"I'm sorry, Ruby.. Please." narinig kong sinabi ni El. Hindi ko iyon inaasahan. Napakuyom ako ng kamao at matalim siyang tinitigan. Iba ang dating ng sorry niya sakin...kakaiba.

"Patawad rin, Ruby." si Nath.

"Nay, Clarita. Nailista mo ba ang mga nasira nila? At mga presyo?"

Binigay ni nay Clarita ang listahan at tinitigan ko iyon.

"Bigay niyo po sa kanila. Let them pay the damages. Sana palitan niyo din agad agad dahil ayokong makita ng mga bata ang ginawa niyo."

Aalis na sana ako ng biglang sumingit si Nay Clarita.

"Teka lang Ruby! Magsisimula na ba ang hardinero? Hindi niyo pa siya nakakausap!"

Napangisi nalang ako at napailing.

"Okay na po. Puwede na siyang magtrabaho. Pakisabi tuwing linggo lang ang day off niya, pero half day siya tuwing sunday."

Napasinghap si nanay.

"P-Parang wala ring pahinga Ruby?"

"Nay, malawak ang lupa natin sa likod. Kaya niya iyan."

"Eh 'yung mga nasira? Milyones yata ito Ruby!"

"Nay Clarita.. He can even pay more than that. Hayaan niyo siya. Pakisabi, magsimula na."

Pagkapasok ko sa aking opisina ay nanginginig ako. Ako ay napasandal sa pintuan at napakagat ng labi.

I have not seen him for years at ang daming nagbago sa kanya. Ang malupit niyang awra ay nawala at napalitan iyon ng maamo.

Damn.

Gulong gulo pa ang utak ko dahil kaninang umaga! Ang bulaklak, ang kwintas! Ngayon si El, na biglang sumulpot!

Nasapo ko nalang ang noo habang nasa mesa na. Doon na ako kumain nang biglang pumasok si nanay Clarita.

"Uh, Ruby, ano pa ang gusto mong kainin?"

"Kahit ano nalang po. Ang mga bata nakapag meryenda napo ba?" tanong ko nang makitang alas kwatro na nang hapon.

"Tapos na sila. Pero yung hardinero hindi pa nagpapahinga. Tapos, hubad-baro pa siyang nagbubungkal ng lupa! Alam mong si Mercedes 'yung kaibigan ko dati? Panay ang punta dito!"

Napahilot ako sa gilid ng aking ulo dahil sa narinig. "Baka ho nagbibisita lang."

"Hindi! Tinanong sakin pangalan ng kilala mong hardinero! Edi sinagot ko naman. Hindi iyon nagpapahinga pa. Parang galit sa lupa e. Ayaw tigilan!"

Umalis si Nanay nang matapos sabihin iyon. Sumilip ako sa bintana at nakita ko nga na binigyan ng meryenda ni Nay Clarita si Ysmael. Huminto siya ay umupo sa lilim ng puno at doon kumain! Ang dumi dumi niya!

Hindi siya ito! Hindi ko aakalain na kakayanin ang ganitong trabaho!

Umupo ako pabalik sa aking upuan ng pumasok uli si Nay Clarita.

"Ruby! Nagpapatanong pala si pogi kung didiligan kaba niya daw?"

Pakiramdam ko ay humina ang IQ ko sa tinanong ni inay. Nagslow motion yata ang mundo ko at naisip na baka ang mga halaman naman iyon at hindi ako!

Si inay Clarita ay nakangisi lang at matay-malisya! Parang hindi kuno siya tunog malaswa! Kung hindi lang ito matanda ewan ko nalang!

Napalunok ako at tumango. "S-Sige po. Puwede naman niyang diligan ang mga halaman doon. That's his work after all. Dapat alam niya ang mga iyan."

"Ruby, ngayon lang kita nakitang nagtaray. Siguro crush mo iyong si poging hardinero no? Mabuti nga at siya nakuha natin dahil ang galing niyang mangbungkal at mangdilig!"

"Goodness.. Nay!" nasapo ko nalang ang ulo ko!

~~~

Last Teaser ‼️
Kung gusto mabasa ang missing chapters at mabasa ang iba ko pang nobela ay magpamember na sa aking vip page!

Note: Imessage muna ako sa aking fb na ang link ay nasa ibaba bago mag membership request sa aking vip dahil aking idedecline kung hindi pa nakamessage sakin. Ty!

https://www.facebook.com/share/PYPqzFXJFmdbtMUC/?mibextid=A7sQZp

Echoes of Mistakes (Montemayor Second Generation ||) Where stories live. Discover now