Gusto kong umalis ngunit naduduwag ako. Parang wala akong lakas ng loob na tumayo o magsalita. Napalunok ako ng napatingin uli kay Susan.
Hindi siya makatingin sakin ng matagal. Sa sitwasyon niya ay alam ko na agad na naging marahas ang mundo para sa kanya. Ang dami kong' gustong itanong ngunit pinipigilan ko ang aking sarili dahil alam ko na mali ang aking ginawa. Baka nga rin galit si Ysmael sakin.
I've gone too far. Masyado akong naging pakealamera.
I cleared my throat ng dalhin ni El, si Susan sa itaas ng kwarto. Huminga ako ng malalim at tumayo. Pinagmasdan ko ang tanawin sa labas at nakita ko ang magandang falls sa likurang bahagi ng bahay.
The girl loves romance books. She loves nature and flowers maybe the reason why Ysmael house is like this. For that girl.
Kinagat ko ang aking labi ng lumabi ang aking paningin. Ano pa ba ang ginagawa ko dito? For what?
Pakiramdam ko mas lalo ko lang napatunayan na wala akong kwenta sa kahit kanino.
Lumabas ako ng bahay na hindi nagpaalam kay El lalo na at natagalan siya sa itaas. Bumalik ako sa taxi na sinakyan ko kanina na naghihintay sakin. Bumuhos ang aking luha ng makaupo sa loob ng taxi.
"B-Balik napo tayo m-manong.." iyak ko habang nagtype ng message kay Ysmael na umuwi nalang ako.
"Ma'am, mahal napo ang pamasahe nito po ah. Pasensiya napo, trabaho lang."
I nodded immediately. "It's okay. Magbabayad ako ng kahit magkano."
Ilang sandali pa na umalis ako doon ay agad na akong tinawagan ni Ysmael. Parang mapupudpod na ang labi ko sa kakagat nito.
Dahil sa nangyaring ito ang dami kong natanto.
Dumaloy ang aking luha at sinagot ang tawag ni El.
"H-Hmm?" nanginig ang aking labi.
"Hindi ko sinabing umuwi ka. Fuck! Saan kana? Susundan kita-"
"Dahil ba nakokonsensiya ka El? I-I'm okay. N-nag hire ako ng taxi for today. I will be okay. Mas kailangan ka ni Susan."
Natahimik siya sa sinabi ko. Para bang may narealize siya dahil sa sinabi ko.
"She is part of my mission, Ruby. I hope you understand." buong buo ang boses niya ng sinabi iyon.
"I fully understand, Ysmael." ngumiti ako at pinunasan ang aking luha. "Now, I will be totally sleep in peace kasi kagabi hindi ako nakatulog dahil dito."
Hindi parin siya nagsalita.
"Sorry If I left. Kasi....Ang dami kong narealize El." napahikbi ako. "I just want to b-be happy."
Napamura siya. "Let's talk. Susunduin kita kung saan kaman ngayon."
Hindi ko na masyadong narinig ang sinabi niya dahil sa pamimilipit at iniindang iyak habang tumatakbi ang taxi.
"M-Manong... Sorry kung naiyak ako. Dodoblehin ko na-nalang ang bayad p-po.." sabi ko sa driver at dahil wala akong dalang panyo ay ang damit ko nalang ang pinang punas ko sa aking luha.
"Okay lang maam. Eto po tissue maam.. Basang basa napo ang damit niyo kakaiyak niyo."
Kinuha ko ang panyo kay manong na nanginginig.
"Ruby..." pasinghap na salitang narinig ko kay Ysmael sa cellphone.
"Now I understand everything El. I know you l-love me. But I guess , you love me with bounderies while I love you carelessly and transparent. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sayo-"
"I'll be in your room later. Lets talk about this."
"Talk about what El? Kung mag uusap ba tayo seseryosohin mo ako? No, right? Because much more important to you is your mission."
"I'll make you understand-"
"Don't mind me. Naiyak lang ako ngayon kasi...Ang tagal kong pinigilan ito. I'll be okay right after this like before."
Humahapdi na ang aking mga mata habang pinipigilan na hindi maiyak.
"Sobrang lungkot lungkot k-ko na El..."
Iyon ang huling salitang binitawan ko ng gabing iyon. Pagkadating ko sa bahay ay pagod na pagod ako at niyakap ko kaagad ang aso ko.
"Thanks Furr, you are always with me when I'm sad." mas lumaki na si Furr lalo at mas naging mabalahibo pa. Nakahiga ako sa kama at nabigla ng pumasok si tita Ruru.
"Ruby... Hindi ka kumain. Saan ka ba galing?" nag aalala ang boses ni tita ng pumasok siya sa kwarto.
"Mas papayat ka lalo sa ginagawa mo e."
"Wala po akong gana. I'm on my period po kasi."
"Kaya kaba naiiyak ng dumating ka kanina? Nakita kita." hinaplos ni tita ang aking buhok kaya napapikit ako ng mariin.
"Malapit narin manganak si mommy mo. Tawag nga ng tawag sakin kung kamusta kana kasi hindi ka raw sumasagot.."
"Pasensiya na po. Tatawag nalang po ako bukas sa kanila."
"Hija, parang anak na kita. Alam ko na malungkot ka. Kung may problema ka nandito lang ako ha?"
Tumango ako kay tita at ngumiti. "Lilipas rin ito tita. Sanay naman po ako."
"Hmmm.. Mahirap pag masanay ang isang tao kasi sa huli nawawalan na ng emosyon kasi sanay na. Huwag sana mangyari sayo anak kaya nandito lang ako palagi."
Ganoon ba iyon? Sana nga mawalan nalang ako ng emosyon.
Mahimbing ang aking tulog ng mga gabing iyon at nang magising sa umaga ay nagtimpla ako ng kape para bisitahin ang bakery.
I turned off my cellphone and decided to visit my parents instead. I think kailangan ko ng emotion rehab at iyon ang uunahin ko simula ngayon.
Nagluto narin ako para kay tita at itinabi iyon. Pinakain ko rin si Furr bago ako naligo at umalis para sa bakery.
Papalabas na ako ng gate namin ng mabigla ako dahil nakita ko si Emerald sa aming gate. Tila ba kakarating lang rin niya.
Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang niyakap.
"Emerald! Napapunta ka? Sinong kasama mo?"
Ngunit nanatili siyang tahimik at unti unting napatingin sa akin.
"There's a bad news Ruby." dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. "Pumunta ako rito kasi gusto kong mapag isip isip. Manila is such a toxic place for me. Ang daming nangyayari. Ang daming problema. Dagdagan pa ngayon."
"Huh? Bakit? Ano bang nangyari?" hindi ko siya maintindihan ngunit inilahad niya sakin ang kanyang cellphone para may maipabasa sakin mula doon.
Kagat-labi kong binasa ang nandoon.
"Ruby! My favorite tito is...dead!"
Fuck!
~~~
Bitin ba at putol2? Maging parte na ng aking Vip habang nakapromo pa ang lifetime membership! Just pm me on my facebook (Frezbae Montemayor) for membership.
YOU ARE READING
Echoes of Mistakes (Montemayor Second Generation ||)
RomanceMatured content (Dark Romance)