Chapter 40

1K 33 7
                                    


Authors Note: Last Chapter of this book. The missing and the End chapters are only available on my VIP Page. (May bayad po) Salamat sa lahat nang nagpamember at sinundan ako at sinuportahan ako doon. Konti man tayo ngunit mas papagagandahin ko pa lalo ang mga novels ko sa aking VIP page. Nagsimula narin po ako doon sa series 3 Montemayor 2nd generation doon at marami pang iba. Maraming salamat sa lahat nang readers ko dito. Sana maintindihan at suportahan niyo parin ako. All is Well.
For membership contact me on my fb link below. Habol na sa promo.

https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL

~~~~






"How's Furry?" hindi ko maiwasang hindi itanong kay Ysmael. Karga karga ko si Esmeralda sa aking bisig at tulog na tulog na naman ang bata. Si Mamita naman ay namamaypay ng sarili habang nagkakape.

Hindi na ako nakauwi at sa tingin ko ay hindi na ako hahayaan ni Ysmael na makauwi pa. Kahit ngayon ay hindi na siya maalis sa aking tabi. Kagabi ay dito kami natulog at katabi ko si Esme. Pakiramdam ko dahil sa himbing ng tulog namin at sa kapayapaan na naramdaman ko ay maganda ang gising ko.

Malamig dito kapag nag uumaga o baka kaya dahil bermonths na kaya malamig ang simoy ng hangin dito sa bahay ni Ysmael.

Naisip ko rin na kung hindi dahil kay Seina ay hindi ko malalaman ang tungkol dito.

"Furry is at home.. Waiting for your return." nakasuot si Ysmael ng puting V neck T shirt. Bawat galaw niya dito sa bahay ay ang smooth tignan at gamay gamay niya ang gawaing bahay.

Nagkatitigan kaming dalawa ng matagal. Bumaba ang tingin niya kay Esmeralda at hinaplos ang buhok nito. Mas lalo pa siyang lumapit upang hagkan ito sa noo. Umawang ang aking labi nang gawin niya rin iyon sa aking noo.

The forehead kiss was surreal. Ramdam ko ang pagmamahal at pananabik sa halik niyang iyon sa akin.

Sa mga oras na iyon ay malakas ang aking kapit para huwag maging emosyonal. Dahil kung hindi ko gagawin ay gusto kong' umiyak sa galak... sa tuwa. Hindi ako galit. Kahit kanino hindi ako galit. Ang pag alaga ni Ysmael at pagtayong magulang ni Esmeralda nang mga oras na alam niyang nadepress ako ay malaking tulong sa akin.

Kaya pala minsan parang may hinahanap ako. Parang may puwang sa pagkatao ko na hindi ko alam kung saan ko hahanapin.

Iyon ay si Esmeralda. Kamukhang kamukha ko siya.

Bumagsak ang tingin ni Ysmael sa aking labi kung kaya napaiwas ako. Biglang bumukas ang pintuan ni walang katok na bumungad sa amin si Mamita.

"Oh my God! Oh my God! This wasn't in my plan!!" nagtaka ko kung bakit naghihisterya si Mamita.

"Mamita? Why?" kinuha ni Ysmael si Esmeralda na natutulog habang nakatitig ako kay lola na namumutla.

"Your...Your father is outside! My son is outside! We're not ready for this! Paano kapag patayin niya si Ysmael?"

Nakagat ko ang labi at dinalaw ng kaba ngunit mas umapaw ang pananabik sa aking damdamin.

"Let me handle this lola." seryosong sinabi ni Ysmael at nilapag ang natutulog na si Esmeralda sa kama nito.

Tensyon na tensyon si Mamita at hindi madrawing ang maganda nitong mukha.

Pinaypayan ko ang sarili at hindi alam ang gagawin! I am just wearing a plain white duster! Dala ito ni Mamita ngunit malayong malayo sa mga damit ko noon sa Manila!

 "What if chuchugiin ni Damin si Ysmael? Apo ko... Kasalan ko ito-"

"Lola it's fine. I can handle this. I will call my housekeeper to buy us a food and please calm down. This is all on me.."

Echoes of Mistakes (Montemayor Second Generation ||) Where stories live. Discover now