Chapter 6

2.3K 44 2
                                    

Natapos ang buwan na iyon na hindi ko na kailanman nakita si Ysmael. I was healed by the time at nagtagal kaming dalawa ni Nath. It's a big wow. Halos sa mga naging boyfriend ko noon ay hindi man lang umabot ng isang buwan ngunit kami ni Nath ay lumampas na.

Iniisip ko rin kung bakit ako pinapalayo ni Ysmael kay Nath? Saan niya hinugot ang lakas para manduhan ako na layuan si Nath?

But then, Ysmael is Ysmael. I know he's not friendly. He looks brutal and dangerous always, I'm not wondering why women beg for a night sex with him because of his overflowing sex appeal. And the brute is soo...arrogant!

One day while eating our dinner ay kinausap ako ni mommy. Nandoon rin si daddy at Margo. Dapat hindi na ako mabibigla pa pero nung gabing iyon ay sa tingin ko ay naging extra ang ganda ni mommy. She's blooming!

"Hija...maupo ka." ngiti niya sakin. Suminghap si daddy habang seryosong nakatingin sa amin.

"Yes mom. Uh, may pag uusapan po ba tayo bukod sa pag dinner?"

Tinitigan ko si Margo na nakahalukipkip. She smiled at me na hindi ko man lang sinuklian.

"Di'ba gusto mo bumukod? Gusto mong magkaroon ng sariling condo?"

I gasped and looked at dad. Napahilamos siya ng mukha tila hindi pabor sa sinabi ni mommy!

"Really? Mommy, ibig ba sabihin ay...."

"Oo, Ruby." ngumisi si mommy. "I trust you. We trust you. Alam ko rin na matagal mo na itong gustong gawin. Mahirap man ito sa amin ni daddy mo pero alam ko na hindi ka magdedesisyon ng isang bagay na ikakapahamak mo."

Nanubig ang aking mga mata at tumayo upang yakapin si mommy.

"Thank you so much mom..." nilingon ko si daddy na seryosong nakatingin sa amin ni mommy sa madilim na paraan. He's always like this but well...

Ngumisi ako at siya naman ang nilapitan para yakapin.

"Thank you so much daddy!"

He groaned na tila ba nahihirapan siyang pakawalan ako. "Ayoko nang ediyang ito pero alam ko na darating ang araw na papakawalan ko rin kayo." sabi niya pagkatapos niya akong yakapin. "But it is hard."

"Parati naman akong bibisita, e'. sabi ko. Umayos si mommy at minuwestra ang aking pag upo ulit. Nakagat ko ang labi dahil pakiramdam ko ay hindi pa ito tapos.

"Pero hija, may kapalit." si mommy sa mahinang boses. Seryoso naman akong tumango.

Nilingon ni mommy si dad dahil hinalikan ni daddy ang kamay niya. My mom's natural brown hair swayed when she turned to me.

"You like to bake right? Magaling ka doon.." aniya may ibang pinapahiwatig.

"Yeah? What about it mom?"

"Uh.." she cleared her throat. "Si tita mo kasi Ruru. May sakit na. Nasa Santa Ana Cagayan siya ngayon. Walang nag aasikaso ng bakery niya. She loves to bake too at ayaw niyang magsara ang kanyang bakery dahil sa hindi na niya maasikaso iyon at maging mga empleyado. Baka naman hija..."

Lumapad ang ngisi ko dahil alam ko na walang masama doon! I really like to lend a help! Of course, habang nabubuhay tayo ay wala namang bayad ang tumulong. Iyon ang itinuro samin ni mommy bata palang kami kaya hanggang paglaki ay nakasanayan na namin.

"Sige mommy!"

Suminghap si mommy na malapad ang ngiti tsaka tumingin kay daddy.

Kinabukasan maaga pa lang ay nagshopping na ako ng mga kailangan ko.

"Pepper spray Ruby!" litanya ni mamita sa kabilang linya ng malaman na aalis nako mamaya papuntang Santa Ana.

"Probinsiya iyon! Ano ba ang sumagi sa isip ni Zandria para ipadala ka doon? And how's your studies?!" may pag aalala sa tono niya.

"Mamita, I will take special exam when I'm back at school. Ngayon po ay nakamodule po ako. Don't worry. This will be easy."

Papasok na ako sa mall at nagtungo sa mga bibilhan ko ng make ups at iba pang kailangan.

"Even so! Kung may kailangan ka tawagan mo ako. Nakakastress naman iyang desisyon ng ina mo. Pa dalos dalos."

Huminga ako ng malalim ng marinig iyon. "Mamita..." lambing ko. "Don't say that to mom please."

Natahimik siya at huminga ng malalim. "I-I'm sorry. I'm sorry hija."

"Hm, its okay. Tatawag po ako mamaya. May bibilhin lang ako ngayon. I love you!"

Pagkapasok palang sa store na gusto ko ay nagkatinginan na kami agad ni Angelica! What in the world....

Umiwas agad ako. Hindi na ako magtataka kung bakit rin siya nandito dahil alam ko talaga na makaledad ang mga make ups dito at ano pa. Kahit mahal ay hindi ka magsisising bilhin.

Lumapit ako sa isang brand na dry shampoo. Pumili ako doon at nakita ko si Angelica na palapit narin sakin ang kanyang puwesto. Tila naghahanap rin siya.

"Hi! Nandito karin pala?" hindi ko alam kung ano ang ipinahihiwatig ng kanyang boses.

Ngumiti lang ako ng tipid tsaka naghanap uli. Gosh, nagbago na ako e. Si Satanas talaga lumalapit sakin.

"Ito oh? Mas maganda to sa buhok mo. I'm sure your hair will be lovely."

Nag ieskrima na ang kilay ko ng bumaling sa kanya. "No thanks. I love my hair naman. Kailangan ko ng iba for my vacation."

"Oh! In the middle of classes? Hihinto ka?"

"Nope." mukha ba akong hihinto?! "Tsaka puwede ba? Dont act like an angel. Name mo lang may angel pero hindi ugali."

She then smiled creepily. "Ikaw naman. Masyadong mainit ang dugo mo sakin."

Hindi lang mainit! Kumukulo talaga!

Huminga ako ng malalim at tsaka siya tinalikuran.

"Aalis ka na agad? Sayang... susunduin pa naman ako mamaya ni Ysmael dito. Di'ba may pagnanasa ka kay Ysmael noon pa man?"

Napalinga linga ako sa paligid at mabuti nalang kami palang dalawa dito.

"Siguro naiinggit ka no? Kasi...napakaguwapo niya, makisig, napakamisteryoso at suplado. Bukod sa napakayaman ay succesful pa sa buhay. Naiintindihan ko naman na isa ka sa mga babaeng..nangangarap sa kanya. How pitiful."

Naikuyom ko ang aking mga palad para pigilan ang sarili na sampalin siya.

One step forward atsaka ako huminto.

"Nangarap? Sinong nagsabi sayong pinapangarap ko si Ysmael? Ikaw ba? Ilang taon ang hinintay mo para matikman siya? Marami na ah!" nagkunwari akong nag iisip ng taon at binalikan siya ng tingin.

"Matagal narin pala. Still no progress. Ni hindi ka niya hinalikan. Sayang no? Kasi taling tali ka na sa kanya pero kahit isang halik lang di niya magawa?"

Sinugod niya ako at hindi ako nakaramdam ng takot. She stopped right after me, namumula ang mga mata.

"Dahil iyon sa kasampanan ako noon! Of course he will respect me! Ilusyunada ka!"

Napahilot ako ng sentido ko sa lakas ng sigaw niya sakin.

"Calm down. Sayang angel pa naman name mo." ngumiti ako sa kanya at kinuha ang lipstick na pulang pula. With my name, I know this one will suits better on my lips.

Nilagay ko iyon sa aking labi at ngumiti ako sa kanya.

"Bagay ba? Oh! You know, I can't stop thinking about the night when I'm with Ysmael. How he smudged my lips with his. How I moaned his name-Oh! Sorry! Ikaw pala ang fiancee dito at di ako-"

"Huh!! Let's see Ruby! Hanggang diyan ka nalang dahil sakin parin siya papakasal!"

Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso ko at sa mga oras na ito ay gusto ko narin umiyak. Nanginginig narin ako sa inis.

"He told me he will never like someone like you! Ask him!" hikayat niya. "Doon pa lang panatag na ako na hanggang parausan ka lang!"

Nagmartsa siya palabas ng store at naiwan akong nakatulala.

~~~

Authors Note: Ang ibang chapters ay exclusive po sa aking VIP PAGE. Magpamember na habang nakapromo ang lifetime membership! Just search me on facebook for membership (Frezbae Montemayor) Can reply anytime~~

Echoes of Mistakes (Montemayor Second Generation ||) Where stories live. Discover now