Chapter 29

1.6K 36 6
                                    

  

   Pilitin ko man ang sarili ko na hindi mabahala ay naging marupok parin ako. Halata sa aking mga mata kinabukasan ang bakas ng pag-iyak ko kagabi.

Nag aalala ako kung nasaan na ba siya? Ang daming tanong sa isipan ko. Sa huli ay tinanong ko ang sarili kung bakit mabait parin ang puso ko sa mga taong nagbigay ng pighati sa akin noon?

Sumimsim ako sa aking kape na hinatid ni Lena sa office ko dito sa orphanage. Naglilista ako ng mga gagastusin para sa pangangailangan ng mga bata.

"Nasaan si Nay Clarita?" tanong ko ngunit agad na pumasok ito.

"Hinahanap mo 'raw ako ma'am-"

Agad kong' tinaas ang aking kamay. "Nay, Ruby nalang ho."

Bakas sa mga mata nila ang pag aalala dahil siguro nakita ang aking mata.

"Ah! Ruby, may nahanap na si Rita na magtuturo sa mga bata. Galing ibang lugar. Pasa naman ang credentials niya. Ang baba pa ng singil sa atin kaya kinuha na ni Rita."

Si Rita ang magaling mag-manage ng orphanage. Sa kanya ko lahat ipinamamahala ang mga ganitong bagay. Ka-edad rin niya si inay Clarita.

Tumango ako at hinilot ang aking ulo. "Okay, sige. Mas maganda nga iyan. Lena, samahan mo ako sa palengke. Mamimili tayo ng mga kailangan ng mga bata."

"Sige ma'am! Magbibihis lang ako!"

Nagbihis agad si Lena habang nag aayos ako. May mga kani-kanilang kwarto sila dito. Habang nag aayos ay tinitigan ko sa cctv monitor ang mga bata. Ang iba nag aaral, may naglalaro, at may kumakain.

"Fuck.."  I exclaimed. Umiwas ako at ini-off ang monitor tv. Hindi ko parin kayang harapin sila o tumitig ng matagal. Matagal o madalang ko sila bisitahin. Madalas akong nasa office lang rito at hindi nagpapakita.

Kasi naaalala ko lahat lalo na ang mga batang ito ang rason kung bakit ko sila gustong tulungan. Naaalala ko ang pagkawala ng anak ko. Buo na siya. May hininga na, kumpleto na, iire ko nalang...nawala pa siya.

Lahat bumabalik minsan kaya may mga bagay at tao akong iniiwasan kasi hindi ko kaya. Iniisip ko nalang na kailangan ako ng mga batang ito para hindi bumitaw.

Sinamahan ako ni Lena sa palengke at halos mapuno ang dalawang van dahil sa mga pinamili ko sa mga bata.

"Lena, dito ka lang. Bibili lang ako ng tsinelas nila." sabi ko kay Lena.

Pumunta ako sa tiyangge ng mga tsinelas. Sa tagal ko narin dito ay nakuha ko kaagad ang kanilang pamumuhay. Far from I used to be in the City but it's much better here.

"Uh miss, ito pong benteng pares na ganito." sabi ko sa tindera at pinabalot lahat nang iyon. Dahil nga nasa gilid ako nang daan ay nababangga ako ng iilang dumadaan kahit na subukan ko umiwas.

Isang malakas na tulak sakin ng lalaking tumatakbo kaya halos matumba ako.

"Shit!" ako'y napamura ngunit may matipunong lalaki ang humawak sa baywang ko. Bigla bigla nalang itong sumulpot mula kung saan!

"Ayos ka lang ba?" tanong nito. Hindi ko siya namumukhaan dahil nakatalikod ako. Ang alam ko lang ay matangkad siya at matipuno. Naka itim na damit at naka-cap.

"Oo, s-salamat!" nang lilingunin ko na siya ay mabilis siyang umalis na hindi lumilingon.

Damn?

Nasapo ko nalang ang aking dibdib at dinama ang aking kaba.

"Miss? Ayos ka lang ba? Ito napo pala lahat. Pasensiya na at makitid ang pwesto namin." ngumiti ang tindera ng palakaibigan kaya kahit na kumakalabog ang dibdib ko ay ngumiti ako sa kanya.

Echoes of Mistakes (Montemayor Second Generation ||) Where stories live. Discover now