Prologue:

104 8 0
                                    

"Gusto ko mag-kolehiyo kuya"naiiyak akong tumingin kay papa para pumagitna saming magkapatid dahil ayaw pumayag ni Kuya Roger na umalis ako ng bayan namin para magkolehiyo pero umiling-iling lamang ito.

"Manahimik ka!!"padabog umalis si kuya sa harapan ko habang ako ay unti unti nang tumulo ang mga luha ko.

"Mas masarap mabuhay dito sa bukid Alicia"ani papa habang inaayos niya ang mga bagong ani niyang gulay.

"Kaya hindi nalang tayo makaahon sa kahirapan dahil kuntento na kayo sa ganitong klaseng buhay!!"bulyaw ko habang naiyak na tuluyang ikinatahimik ni papa.

"Hindi kita pinalaking bastos Alicia!"mataray na sigaw ni mama na tila bagong dating lamang na siyang dahilan upang mapayuko na lamang ako.

"Mag-ayos kayo, pupunta tayo sa mansion ni Madam Teresa"aniya pa bago pumasok ng silid. Si Madam Teresa ay ang may-ari ng hacienda na tinutuluyan namin, bihira lamang ito bumisita sa kadahilanang busy din ito sa negosyo niya sa kabilang bayan.

Binalot ng katahimikan ang daan habang naglalakad kami patungo sa mansion ni Madam Teresa. Napatingin ako kay mama pero seryoso lang din itong naglalakad bitbit ang mga bagong ani nilang gulay ni papa na dadalhin nila sa mansion. Isa na sa mga naituring na katiwala ang angkan ng papa ko sa angkan nila Madam Teresa simula pa sa kalololohan nila, at ni-isa sa angkan namin ay walang umayos ang pamumuhay dahil kuntento na sila sa ganito na maging tagapagsilbi sa haciendang ito at sa pamilyang iyon na siyang ikinagagalit ko.

"Oh Lorna, anjan na pala kayo"salubong samin ng isang matandang kasambahay na mukhang matagal na naninilbihan dito.

"Andyan naba si Madam?"nakangiting tanong ng aking mama sabay senyas kay papa na ilabas ang mga gulay at prutas.

"Oo Lorna, kanina pa kayo inaantay ni Madam sa loob, tiyak na matutuwa si madam dito"ani nito habang nakatingin sa mga dala naming gulay at prutas.

Tuluyan na kaming nakapasok sa loob at masasabi kong likas na mayaman ang angkan nila Madam Teresa, mula sa labas hanggang sa loob ay tanaw ng mga mata ko ang iba't-ibang klase ng mamahaling kagamitan at mga antigo na nakadisplay sa loob ng mansion ni Madam Teresa.

"Ayusin mo ugali mo dito Alicia, wala tayo sa sariling pamamahay natin"may diin na bulong sakin ni mama bago tuluyang umalis kasama si papa patungo sa silid-tanggapan ni Madam Teresa.

"Hija, halika't tulungan mo kami magdilig sa hardin ni Ayen"ani nung matanda habang may bitbit na hose papunta sa labas kasama ang isang di katandaang kasambahay kaya tumango na lamang ako kesa mabagot dito sa loob.

"Manang, nasan po ba pamilya ni Madam?"random kong tanong dito habang nagdidilig ng mga halaman.

"Nasa Maynila hija, sa dami ng negosyo ng pamilya ni Madam ay wala na silang oras pa para mamalagi pa sa haciendang ito, tanging si Madam Teresa nalang ang nagpapahalaga dito at ang kaisa-isang apo niya dahil ibinilin ito kay Madam Teresa ng amain niya sakanya noong araw na ito'y nabubuhay pa"kwento nito habang nakahawak sa bewang kaya napa-ahh nalang ako at hindi na nagtanong pa hanggang sa matapos.

"Oh sya hija, maiwan ka muna namin ni Ayen"aniya habang nililigpit ang mga gamit.

"Sige lang po"inaantok kong tugon dito dahil sa pagod.

Napatulala na lamang ako sa mga naggagandahang halaman sa harap ko at di ko mapigilan pumitas ng isang pulang gumamela.

"Ang ganda't ang bango"ani ko sa isip ko habang pinagmamasdan at inaamoy ko ang gumamelang hawak ko hanggang sa napahiga na lamang ako sa damuhan dito sa hardin ni Madam Teresa dahil sa tuwa.

"Who are you!?"napabangon ako sa kinahihigaan ko ng marinig ko ang matinis na sigaw ng di ko kilalang babae mula sa likod ko.

"Ay anak ng putakte!"bulyaw ko dahil nakakagulat at nakakabingi ang boses nito.

"Sino may sabing pitasin mo yang bulaklak ko!!"sigaw pa nito habang masamang nakatingin sa akin at sa gumamelang pinitas ko.

"Hindi ko poo...al...am na baw..al"nauutal at kinakabahang sagot ko dahil yari ako kay mama pag gumawa ako ng eskandalo dito sa mansion.

"Kapatid ka ba ni Roger?"mahinahon na nitong tanong na siyang dahilan kaya nanlaki ang mga mata ko dahil kilala niya si kuya at mukhang kaedaran lamang siya ni kuya.

"Hailey pala"aniya pa sabay abot ng kamay niya na agad ko namang tinanggap, kaya nakaramdam ako ng hiya.

"I feel bad right now, ayoko lang talaga ng may pumipitas sa bulaklak ng lola ko"dugtong nito sabay taas ng kilay kaya agad akong tumalikod at nanakbo para pumasok sa loob.

"Hoyy!!"rinig kong sigaw nito habang nananakbo ako papasok pero di ko ito nilingon.

"Paktay ka na naman Aliciaaaa!!!"pikit mata kong pinagsisigawan sa utak ko habang dire-diretsong nananakbo.

ENJOY READING!!!









Her Dean's Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon