Chapter 8: Foundation Day 2

37 3 0
                                    

Alicia Point of View

Super daming guest ngayon here sa school because of foundation day, I'm so happy dahil medyo nakatipid ako today kasi andaming libreng food ngayon gaya na lamang ng mga pica-pica, and mukhang may mga nag-sponsors nito.

"Ali, can we go there?"napatingin naman ako kay Eireen, dahil napansin kong gusto niya pumunta dun sa mukhang italian style na mga pagkain idunno pero hindi ko hilig yung mga ganyan.

"Di ko bet yung ganyan eh"parang nasusuka akong tumingin kay Eireen, ang weird kasi talaga ng lasa nung firstime ako nakatikim niyan sa bahay nila dean, saka super haba ng pila pero mukhang gusto niya talaga nito kaya hinayaan ko na lamang siyang pumila siya doon.

"Teka, si dean bayun?"kahit sobrang daming tao ay alam kong siya yun, naka-baggy pants lamang ito at kulay maroon na basic top, pero walang pinagbago dahil kahit anong suotin niya ay maganda talaga siya.

"Eireen, mauna na ako sayo ha"naiinip nadin kasi ako eh, sobrang haba padin ng pila, tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at mahigit kalahating oras nadin ako nag-iintay, umuna na ako kay Eireen para pumuntang gym dahil gusto kong mapanood ang performance ng bawat representative ng bawat section from different department.

"Go!! Go!! BSCE1!!"rinig kong cheer ng isang babae na mukhang taga engineering department, super ingay ngayon dito sa gymnasium ng school, halatang excited na ang lahat, si Ronalyn ang napili naming representative dahil magaling daw itong kumanta.

"BSTM2!!! Go Wynzie!!"sigaw ng mga lalaking taga tourism department sa representative nila, napatingin naman yung Wynzie sa mga sumisigaw sabay kindat, kadiri naman anteh, narinig ko pa ang ibat-ibang sigaw from other departments.

"Sis, ampangit naman ng boses ni Ronalyn"napalingon ako sa tabi ko at tama nga ang hinala ko circle of friends nila Ynna kaya pala pumangit ang atmosphere nandito sila, saka grabe naman sila kay Ronalyn eh panay pabuhat nga sila dito kapag may group activities.

"Mapapahiya lang panigurado department natin"dugtong ni Ynna bago sila nagtawanan, di ko na lamang sila pinansin dahil yung gaya nila yung walang dulot na maganda eh, hindi ko namalayan na nag-istart na pala ang event, nakita ko yung mom ni dean na nasa unahan kasama sila Sir Chavez at Ms. Ritz, nakakapagtaka lang dahil nasan kaya si dean, I think siya lang yung hindi present ngayon.

"Mygosh!! ang galing sumayaw ni Wynzie!!"

"Beh, parang gusto ko nalang mag-shift next sem"

"Omygod!! my stupid heartt!!"rinig kong sigaw ng mga nandto at medyo naiinis na ako sa kanila dahil kulang na lamang ay malagutan sila ng hininga kakasigaw, nababagot nadin ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa din natatawag section namin.

"Alicia!"napalingon naman ako sa boses lalaking tumawag sakin, si Timothy isa sa mga kaibigan ni Ronalyn, hindi ko maiwasang magtaka dahil never ko pa naman nakainteract ito.

"Bakitt?"nagaalinlangan kong tanong dito, hindi ko alam pero napansin ko na mukhang natataranta siya.

"Si Ronalyn hindi makakapagperform malapit na matawag section natin, baka marunong ka kumanta Alicia, proxyhan mo muna siya pleasee"pagmamakaawa nito, natameme nalang ako sa aking narinig dahil bat ako? hindi naman ako kumakanta.

"Inatake ng asthma ngayon si Ronalyn at medyo paos ngayon ang boses niya, nakasalalay dito ang grades natin Alicia, hindi lang tayo ang mapapahiya kundi ang buong department natin"nagpapanic niya pang-dugtong na tila kinokonsensya pa ako kaya napabuntong hininga nalang ako dahil section na namin ang next na tatawagin, tumango ako kay Timothy na halatang nabuhayan ito ng loob.

Her Dean's Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon