Chapter 14: Shower

37 3 0
                                    

Alicia Point of View

"Anong oras ka luluwas Alicia, dadaan muna kami ng papa mo sa mansion"paluwas na kasi ako ngayon sa Maynila, dahil may pasok na ulit ako bukas, hindi ko padin nasasabi sakanila na nakasali ako sa dean lister dahil feeling ko ay hindi naman sila matutuwa, I am a consistent academic achiever simula grade school pero never ko naramdamang proud sakin si mama.

"Maya-maya po siguro ma"madalas silang pumupunta sa mansion dahil nga sa kalagayan ngayon ni Madam Teresa, labis ko lang ipinagtataka ay kung bakit sila mama't papa ang palaging naroon dahil may anak naman ito.

"Siya nga pala Alicia, napansin ko na close na pala kayo ni Maam Hailey"nginitian ko lang si papa dahil sa sinabi nito, nakikita kasi nila na sa loob ng dalawang linggo ay napapadalas ang paglabas namin ni dean.

"May nobyo na ba ang batang iyon?"tanong ni papa, kaya bigla muntik na akong mabulunan sa kinakain ko.

"Wala po pa, busy yun si ate hailey para sa ganyang bagay"

"Imposibleng walang nanliligaw sa batang iyon, kay-gandang bata nyang si Maam Hailey"sabat ni mama, agree naman ako sakanila dahil hindi mapagkakaila na maganda talaga si dean, umpisahan mo palang sa makinis at mamula-mula niyang kutis, mayroon din itong mahabang buhok na abot hanggang dibdib, makapal na mga kilay at mahabang pilikmata, idagdag mo pa doon ang matangos niyang ilong at hugis puso niyang labi.

"Ma, may bisita tayo"napatingin ako sa may pintuan dahil biglang pumasok si Kuya Roger, at nanlaki naman ang mata ko dahil sa kasama niya, mukhang nakita niya na medyo nagulat ako kaya tinaasan na naman niya ako ng kilay.

"Maam Hailey, napadalaw ka, halika't maupo ka po muna"agad na kumuha si mama ng mauupuan ni dean, nakita kong malagkit ang tingin ni Kuya Roger kay dean kaya bigla akong nainis kay kuya.

"Kuya, akala ko ba magtitinda ka pa doon sa bayan"naiinis kong paalala sakanya kaya agad siyang napatingin sa orasan na nakadikit sa pader ng bahay namin, kaya nagmamadali itong lumabas ng bahay.

"Isasabay ko na po si Alicia, luluwas na din po kasi ako ngayon"tiningnan ko si dean na mukhang seryoso sa sinabi niya, hindi naman niya nabanggit sakin na isasabay niya ako kaya plano ko lang sana magcommute mamaya.

"Maggayak kana Alicia, narinig mo ang sinabi ni Maam Hailey, mahiya ka naman, bilisan mo ang kilos mo"wala nadin akong nagawa kundi-igayak lahat ng gamit ko dahil kay mama, nagpaalam nadin sila na aalis na, napabuntong hininga nalang ako dahil hindi manlang nila ako intayin makaalis bago sila pumaroon.

"Dean, pasensya na't maliit lamang ang bahay namin"hinging paumanhin ko dito dahil napansin kong nagmamasid-masid siya.

"Actually, I really like this kind of house, presko at maaliwalas"

"Ang mema mo dean, hindi paba presko ang bahay niyo na may sandamakmak na aircon"natawa nalang ako dahil hindi pa ba presko sa bahay nila, kung tutuusin ay sobrang lamig nanga sakanila.

"Matatraffic na naman tayo nyan Ali, andaldal mo"napapout nalang ako dahil ang seryoso na naman niya, I swear bipolar talaga si dean.

"Oh siya tara naa"tinulungan ako ni dean dalhin ang mga bagahe ko para ilagay sa garahe niya, answeet-sweet niya naman feeling ko talaga girlfriend ko siya tapos ang love language niya ay act of service, delusional Alicia.

Nakasakay na ako ngayon sa sasakyan niya, at nagsimula na ulit siyang magmaneho, ambilis na naman ngayon nang tibok ng puso ko habang nakatitig ako sakanya mukhang hindi naman niya ito pansin dahil busy siya pag
dadrive, medyo nag-init naman ako dahil naiisip ko na ansexy niya, kaya agad kong itinapat sa akin ang aircon sa sasakyan niya.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa hanggang makarating kaming Maynila, gusto ko na sana bumaba dahil mukhang papunta itong condo niya, dahil medyo malayo ang apartment ko na tinutuluyan ko.

"Ahh dean, ibaba mo nalang ako dyan sa may kanto"tinuro ko ang isang malapit na fast food chain, para doon niya ako ibaba pero hindi niya ako pinansin.

"hoyy dean, dito nalang ako"natahimik nalang ako dahil sa pagbingi-bingihan nito.

"We're here na"napairap nalang ako dahil nandito kami ngayon sa parking lot ng condo niya.

"Hindi naman ako dito eh"reklamo ko sakanya, uwing-uwi nadin kasi talaga ako kanina pa sa apartment ko, pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng sasakyan niya, may pagkamasungit na gentlewoman talaga itong si dean.

"Are you mad baby?"nanlaki na naman ang mata ko dahil sa itinawag niya sa akin, baby!? naramdaman ko nalang na namumula ako dahil sa itinawag niya sakin pero tinawanan lang ako nito, nandito na kami ngayon sa loob ng condo niya kung saan may nangyari sa amin nung gabing iyon.

"May naalala ka no?"biro niya at alam ko naman kung ano yung tinutukoy niya kaya lalong namula ang mga pisngi ko.

"Wa-la ahhh"maang-maangan ko sakanya, nagmasid-masid lang ako dito sa loob ng condo niya may kalakihan ito at pagka-elegante compare sa apartment na tinutuluyan ko.

"What if gawin ulit natin Ali"nakakaloko niya akong tiningnan kaya napalunok ako ng laway, nanunuyot na ang lalamunan ko, dahan-dahan niyang inalis ang blazer na suot niya sa harap ko tanging sando na lang ang suot niya ngayon.

"De-an, ano-ng ginag-awa mo?"umiwas ako ng tingin dahil feeling ko anytime ay bibigay na naman ako, hindi pwede ito Alicia masyado na naman akong nadadala.

"Why? pareho naman tayong babae ah, bawal ba?"lalo naman akong napalunok nang inalis niya din pati ang suot niyang skirt kaya naka-sando't cycling nalang siya ngayon, tanaw na tanaw ko ang maputi niyang balat, napapikit nalang ako dahil kung ano ano na naman ang naiimagine ko.

"Itigil munga ya-n!"may halong diin kong utos sakanya, dahil sa trip niya kahit pareho kaming babae ay iba padin ang epekto niya sa akin.

"You can't resist the temptation Ali"dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang ako ay palayo nang palayo sakanya, nilapit niya pa ang mukha niya sa akin and I have a feeling na hahalikan niya ako, pero nagulat ako sa sunod na ginawa niya.

"Ar-ay ko!"napahawak ako sa noo ko dahil bigla niya itong pinitik ng malakas.

"Mag-shower lang ako, akala mo siguro hahalikan kita no?"aniya sabay tawa, lalo lang ako napasimangot dahil halatang inaasar niya ako.

Nakita kong pumasok na siya sa cr nitong condo niya para magshower, hindi ko alam pero unti-unti kong hinubad ang damit at pantalon kong suot, nagkusa na lamang ang mga paa kong sumunod doon sakanya, tangina Alicia ano ba itong ginagawa mo hah!?

Napansin kong hindi nakalock ang pinto kaya dahan-dahan akong pumasok, napalunok naman ako nang makita ko siyang nakapikit habang nag-shoshower, may transparent glass itong cr niya kung saan doon you pwedeng mag-shower kaya kitang-kita ko ang walang saplot na si dean.

"De-an.."nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya ng makita niya ako na nasa harap niya.

"A-li, wha--t are you doi-ng here?"hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa dahil kusa nalang naglakad ang mga paa ko palapit sakanya, nakita ko din na napalunok siya dahil wala nadin akong suot na saplot kahit isa sa katawan ko.

"Sabay tayo, bawal ba?"kung kanina siya ang nang-aasar, ngayon naman ay ako ang may nakakalokong tingin sakanya, hindi ko alam kung ano na namang demonyo ang pumasok sa isip ko dahil sinimulan ko siyang siilin ng halik, naramdaman ko nalang ang init at agos ng tubig sa aming katawan.

"Uhmmm... Ali"mahinang ungol ni dean, dahil patuloy lang kaming naghahalikan, isinandal ko siya sa pader at inumpisahan kong halik-halikan ang leeg niya pababa sa dibdib niya, naririnig ko naman ang mahinang ungol niya.

"uhhhhh A-li, stop"napatigil nalang ako sa paghalik dahil bigla siyang umiwas, kita kong sobrang pula ng mukha ni dean, natahimik nalang ako, napansin ko namang agad niyang kinuha ang bathrobe sa tabi niya para dali-daling lumabas ng cr,

Napasampal nalang ako sa mukha ko dahil narealized ko yung ginawa ko, ikaw ba talaga yan Alicia, hindi ko nadin naiisip ang mga nagiging actions ko lately hayst Ali.

Ang wild pala ni Ali ehheeheheheh enjoy luvlots!!! another up soon matatapos kodin tooo!! manifesting!

Her Dean's Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon