Chapter 27: Lunch Break

15 0 0
                                    

Rehailey Point of View

Para akong na-estatwa nang magtama ang mga mata namin ni Alicia, anlaki nadin ng ipinagbago nya hindi na ako magugulat dahil anim na taon nadin naman ang lumipas, hindi ko lang din inaasahan na magkikita ulit kami at isa na siyang empleyado ng mga Vermudez.

Kakauwi ko lang din ng Pilipinas, at agad akong nautusan ni daddy na mag-intern sa isang branch ng mga Vermudez, labag man sa kalooban ko dahil una pa lamang ay wala na talaga akong tiwala sa mga Vermudez, at sigurado akong si Eireen din ang nagpadala ng mga litratong  yon kay dad six years ago.

"Excuse me, anong name nung babae sa may left side?"tanong ko sa babaeng nakasalubong ko na tila nagulat pa siya, nagpapanggap ako na hindi ko kilala si Alicia dahil sigurado akong magtataka ang mga tao dito kung biglaan ko na lamang itong kausapin without asking them kung ano ang personal background nya here.

"Ahhh si Ms. Seralicia Sanchez po ba maam? isa po siya sa magaling na specialist dito"sagot nya, kaya tumango na lamang ako, nakita kong sobrang seryoso niyang nagtatype sa computer.

"Ehemm"agad naman napatigil sa pagtatrabaho ang mga nandto nang makita ako pero sumenyas ako sakanila na kumalma dahil hindi naman ako mangangain, tanging si Alicia lang ang hindi nagbaling sa akin ng tingin dahil patuloy padin ito sa ginagawa niya.

"May kailangan po ba kayo Maam?"tanong sa akin ng hindi ko kilalang babae na mukhang boss nila dito, pero umiling lamang ako bago ako tuluyang lumabas ng department nila dahil bigo akong kunin ang atensyon ni Alicia.

Alicia Point of View

Narinig ko si dean kanina na nag-eeehem sa may bandang likudan ko, na mukhang nagpapansin dito sa IT department pero hindi na lamang ako nag-baling ng tingin dahil wala naman na akong pakealam sakanya, oo dean padin ang tawag ko sakanya dahil doon ko din naman sya unang nakilala.

"Ang weird  din ni Ma'am Hailey no"

"Oo nga eh, napansin ko palagi lang siya dito sa department natin"

"Truelala, narinig ko kay Jaze na hindi daw ito pumupunta sa Marketing Department"bulong pa nung isa sa mga katrabaho ko.

"Baka may crush si Ma'am dito"

"Tumigil kanga, pag may nakarinig sayo"

Napakunot na lamang ang noo ko dahil sa mga narinig ko, ano ba talaga ang pakay nya, ilang beses ko na siyang nakasalubong dito sa office, at alam kong parang gusto niya akong kausapin pero ako lang talaga yung umiiwas dahil feeling ko hindi ko padin kaya makipag-interact sakanya.

"Ali, sabay kana samin mamaya mag-lunch"aya sakin ni Clyde, isa sa mga lalaking katrabaho ko na alam kong matagal nading gusto manligaw sa akin.

"Yieeee si Ali, sama kana oh si Clyde nayan"tila kinikilig pa si Janine habang nakatingin sa amin, dahil isa si Clyde dito sa mga may hitsurang lalaki sa department namin.

"Sige, matagal nadin naman nung last akong nakasama sainyo"napansin ko namang napangiti si Clyde sa sagot ko, agad kong kinuha ang tumbler ko para uminom ng tubig at muntik na akong masamid ng makita ko si dean sa bandang likudan namin na masamang nakatingin sa amin, lalo na kay Clyde.

"Ali, balik na ako work ha, see u nalang mamaya"tumango na lang ako bago tuluyang umalis si Clyde para bumalik sa department nila.

Nagpailing-iling na lamang ako at pilit na hindi pinansin si dean na alam kong nasa may bandang likudan padin namin, bahala siya ano na namang problema ng babaeng yan wala naman me ginagawang masama sakanya, nananahimik ako dito siya yung punta ng punta dito.

Her Dean's Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon