Rehailey Point of View
Napangiti ako ng mabasa ko ang mga text messages sa akin ni Alicia, nagdahilan ako sakanya na may gagawin lamang ako sa office ni dad kaya hindi ako makakapasok ngayon, pero ang totoo nandito ako ngayon sa hacienda para puntahan ang parents ni Alicia para kumbinsihin sila na pumunta sila sa birthday ng anak nila bukas.
"Maam Hailey, napadalaw po kayo"halata ang gulat sa mukha ng mama ni Ali, dahil nga siguro biglaan ang pagpunta ko dito sakanila.
"May favor lang po sana ako sa inyo"kaharap ko ngayon ang parents ni Alicia, pati narin ang kuya nito na si Roger, pansin ko naman na mukha silang kinakabahan sa sasabihin ko.
"Gusto ko lang po sana hilingin sa inyo na pumunta po kayo bukas sa siyudad, para sa birthday ni Alicia"magalang kong sabi sakanila, nagkatinginan naman ang mag-asawa na tila mukhang nalimutan ang birthday ng anak nila.
"Birthday ba nya bukas?"
"Anak natin tas hindi mo alam"rinig kong bulungan ng mag-asawa, napabuntong hininga na lamang ako dahil mukhang mga wala itong pakealam kay Alicia maliban sa kuya nito, napansin ko naman si Roger na pasulyap-sulyap sa akin pero hindi ko nalang ito pinagtuunan ng pansin.
"Mauna na po ako"paalam ko sakanila, paalis na sana ako ng marinig ko silang pumayag sa kagustuhan ko, sinabi ko nalang sakanila na ipapasundo ko nalang sila bukas, bago ako tuluyang sumakay ng sasakyan ko para bumalik sa siyudad.
Alicia Point of View
............KINABUKASAN............
Bagot na bagot akong nakaupo ngayon dito sa bench habang hawak ang cellphone ko, namimiss ko na naman si dean dahil hanggang ngayon hindi pa din siya nagrereply sa text ko, naalala ko din na birthday ko pala ngayon, and as usual palagi nalang malungkot ang birthday ko dahil wala always nalang walang special na ganap sa birthday ko.
"Bakit sad ang birthday girl?"bungad sa akin ni Rona, kaya lalo akong napasimangot, hindi gaganda ang mood ko hangga't hindi ko siya nakikita.
"Magkaaway na naman kayo ng boyfriend mo"biro pa ni Timothy, itong mga toh talaga ang sasarap batukan, napansin ko din na after nung sa airport bihira na sumama sa amin si Eireen.
"Galit yata satin si Eireen"napatingin naman me kay Rona dahil sa sinabi niya, so napansin nya din pala yun akala ko ako lang ang nakapansin.
"Inaaya namin siya kanina, pero hindi nya kami pinansin"
"Oo nga Ali!! feeling ko nagtatampo sayo yon"agad na sinapak ni Rona si Timothy, dahil sa sinabi nito.
"Tanga ka talagang mokong ka!! bakit naman magtatampo wala naman ginagawang masama si Ali"dipensa ni Ronalyn kay Timothy, ayan na naman sila palagi nalang may World War III kapag sila ang magkasama.
"Baka may personal problem lang si Eireen, hayaan nyo muna"sagot ko sakanila, bigla naman nagbago ang mood ko ng makareceive na ako ng text galing kay dean.
From: my loveee:>
-See you laterr, sunduin kita mamaya sa work mo mwa, iloveyousomuch:>
Tila mamatay na naman ako sa kilig dahil sa nabasa ko, napatingin tuloy ako sa singsing na bigay nya, at sa awa naman ni lord ay hindi ako tinatanong nila Ronalyn kung saan nanggaling itong diamond ring na suot ko, kahit ilang beses ko na napansin na gusto nila akong tanungin about dito.
"Uyyyy, masaya na naman sya, nagtext ba naman ang boyfiee nya"pang-aasar ni Rona nang mapansin nyang nagbago ang mood ko habang nakatingin sa text messages ni dean, napa-che nalang ako sakanya, bakit ba eh sa kinikilig ako eh.
BINABASA MO ANG
Her Dean's Love (GxG)
Romansa[SPG R18] Seralicia Sanchez is a 19 yearold girl who resides at Lorenza's ranch. Her family is not wealthy, but she really wants to attend college, and one day she met Rehailey Lorenza at Madam Teresa's mansion, and her parents received an offer to...