Third Person Point of View
"Papa, I didn't know na kayo pala ang pumatay kay Tito"dismayado akong tumingin sa nag-iisang taong pinaniwalaan ko at tiningala ko simula nung bata ako.
"Wala tayo sa ganitong katayuan ngayon, kung hindi ko ginawa yon"tila walang gana at pakealam na sagot ni papa sa akin, bata pa lamang ako ay siya ang pinaniwalaan ko, sinunod ko lahat ng gusto at payo niya pero hindi ko aakalain na magagawa niyang gawin yon sa matagal at matalik niyang kaibigan.
"Matanda na ako, at wala akong pinagsisihan, mamamatay akong may tagumpay"napailing na lamang ako sa mga sagot niya, di ko nalang ito pinansin dahil ayoko mangialam dito dahil sigurado akong malaking gulo ito kapag nalaman ito ng mga Lorenza.
"I gtg papa"tipid kong sagot, bago ako tuluyang lumabas ng opisina niya, hindi din ako mabuting tao pero hindi ko kayang gawin ang ginawa ni papa, pareho kaming may talento sa pag-nenegosyo pero hindi ko kaya maging mamatay tao. Tulad nga ng sinabi ko may pagka-sakim din ako at mahilig makipag kumpetensya lalo na pagdating sa negosyo pero hindi ako mamamatay tao.
"I love my wife, my two daughters, at ayokong kamuhian nila ako kapag nalaman nila na yung tatay nila ay isang mamamatay tao"napahinga na lamang ako ng malalim, umeedad na din ako kaya kahit papaano ay nakapag-iisip din ako sa mga dapat at hindi dapat gawin.
Nagsisisi ako sa parte ko bilang ama sa mga anak ko na hinayaan ko silang lumayo ang loob sa akin, at unti-unti ko din nararamdaman yung pangungulila bilang isang ama.
"Lalim naman ata ng iniisip mo Hon"nabalik ako sa wisyo nang biglang dumating ang aking pinakamamahal na asawa.
"Pagod lang ako, wala ba plano umuwi dito yung dalawa?"napansin kong medyo nabigla pa siya dahil siguro hindi siya sanay na nagtatanong ako pagdating sa mga anak namin.
"Hayaan muna ang mga anak mo malalaki na sila, kung dati gustong gusto ka nila kasama pero ikaw naman itong walang oras sakanila"dugtong pa niya na naging dahilan kaya bigla akong natahimik dahil totoo naman ang sinabi niya.
"Daddy, let's play pooo"magiliw na iniaabot sa akin ni Tashia at Eireen ang hawak hawak nilang bola habang ako'y busy na nakaharap sa laptop ko.
"Can you two get out right here? hindi nyo ba nakikitang busy ako, doon na muna kayo sa mommy ninyo"seryoso at may halong diin kong utos doon sa dalawa na naging dahilan upang mapalitan ng lungkot ang mga mata nila.
"Hon, anong nangyayari dito? Eman naman wag mo naman pagalitan ang mga anak mo"naiinis na salubong sa akin ng asawa ko bago niya pinalabas ng opisina ko ang mga bata.
"Kausap ko yung mga client natin, ayoko namang mapahiya"makatwiran kong sagot sakanya na tila nainis siya sa sinabi ko.
"Bahala ka, darating din ang panahon na mauunawaan mo ang nararamdaman ng mga anak natin kapag nagka-edad kana"makahulugan niyang sagot bago tuluyang umalis sa harap ko.
"Tashia is already married na Hon, kaya wag kana mag-expect na uuwi pa ang batang iyon dito"aniya pa kaya napahinga na lamang ako ng malalim, totoo pala yung sinasabi nila na kapag umeedad kana saka mo maiisip yung mga bagay na hindi mo naman kadalasan naiisip noon.
~Paris, France~
Alicia Point of View
"Kelan ba tayo uuwi?"nakasimangot kong tanong kay dean dahil mahigit ilang buwan na din ako dito, at sigurado akong nagtataka na sila Kuya Roger kung bakit hindi pa ako ulit umuuwi ng probinsiya.
BINABASA MO ANG
Her Dean's Love (GxG)
Romance[SPG R18] Seralicia Sanchez is a 19 yearold girl who resides at Lorenza's ranch. Her family is not wealthy, but she really wants to attend college, and one day she met Rehailey Lorenza at Madam Teresa's mansion, and her parents received an offer to...