Chapter 16: Official

39 3 0
                                    

Alicia Point of View

"Sissy ko, pansin ko na mukhang ansaya-saya mo palagi ha"ngumiti lang ako kay Ronalyn, dahil tama naman siya eh, yk may dahilan kaya ganito na lamang yung mga ngiti ko ngayon.

"May boyfriend na siguro yan si Ali, hindi lang sinasabi satin"dugtong pa ni Ronalyn habang tumatawa, wala akong balak sabihin sakanila na may nagugustuhan ako dahil for sure ay hindi nila ako titigilan.

"Eh si Eireen ba? may boyfriend na?"inakbayan ni Timothy si Eireen, medyo natawa pa ako sakanila dahil sinamaan ng tingin ni Eireen si Timothy.

"Finally, natapos na din itong activity natin!!"sigaw ni Ronalyn bago naggugulong sa kama niya, nandito kasi kami ngayon sa bahay nila Rona, may kalakihan din itong bahay nila or let say mansion nila, nameet namin ang parents ni Ronalyn sa baba at ang nakakabata niyang kapatid, and masasabi ko na super nice ng family nya.

"Kain muna tayo guys, bago kayo umalis"inoff ko nadin ang laptop ko dahil naisipan kong mauna nalang sakanila, dahil magkikita kami ni dean ngayon, sabado kasi at naisipan namin lumabas ngayon, ihh Ali eh araw-araw nga kayo nagkikita, napapadalas din kasi ang pagsundo niya after ng partime ko kaya hindi ko maiwasang kiligin.

"Uuwi kana agad? pansin ko hindi kana masyado sumasama samin lately, lagi kanalang paalis"halata sa mukha ni Ronalyn ang pagtatampo, aminado naman ako na wala na talaga ako masyadong time para makabonding silang mga kaibigan ko.

"Sorry beh, andami ko lang talaga inaasikaso sa ngayon"dahilan ko sakanila, mukhang hindi sila kunbinsido pero wala nadin silang nagawa, kumaway ako kila Ronalyn bago lumabas ng gate, nag-initiate pa sila na ihatid ako pero tumanggi ako.

Nandito ako ngayon sa isang mall dahil napag-usapan namin na dito kami magkikita, medjo naiinip na ako dahil kalahating oras nadin akong naghihintay sakanya, kahit kelan talaga palagi siyang late, ginugol ko nalang ang oras ko sa cellphone ko at muntik ko nanga itong mabitawan.

"Rorrrr!! bulaga!!"

"Potaleche! anak ka ng nan-ay mo!"bulyaw ko dahil may biglang nanggulat sa akin, pota muntik na ako atakihin sa puso kay dean.

"Yasss, I'm the only daugher of Georgina Lorenza duh"maarte niyang sagot, kumapit nalang ako sa braso niya at napansin kong napangiti naman siya.

"Ikaw hah, ginugulat mo na ako ngayon"nakakapit na ako sakanya at nagsimula na din kaming maglakad, wala naman siguro makakakilala samin dito.

"Ang oa mo kasi palagi magreact Ali"sinamaan ko ng tingin si dean, dahil sa sinabi niyang oa ako, hindi naman ako oa noh sadyang magugulatin lang.

"Akala ko ba baby na tawag mo sakin"napapout ako dahil hindi na niya ako tinatawag na baby tsk.

"Tampo na ba ang baby ko?"nakita kong namumula ang pisngi niya, hindi ko inexpect na aabot kami sa ganito ni dean, patago lang din talaga kaming nagkikita after class dahil baka may makakita at makakilala samin, super hirap ng sitwasyon namin rn, hindi ko padin alam kung ano ang tawag sa relationship namin ngayon, basta ang mahalaga masaya kaming dalawa.

"Ansexy mo naman"bulong ko sakanya dahil nakasleeveless lamang siya na top at short na pinartneran niya ng white rubber shoes, nakasuot din siya ng black na cap kaya ang gwapo niya tingnan ngayon.

"I know, kaya nga crush na crush mo ako"natawa nalang kaming dalawa at napagdesisyunan namin magpunta sa isang arcade, tawang-tawa ako kay dean dahil hindi manlang siya maka-shoot ng isang bola.

"Hindi ka pala marunong hahahahaha"pang-aasar ko, ang cute niya, and I'm so happy to spend my whole weekend with her.

"So? sayo lang kasi ako shooter"makahulugan niyang sagot kaya napaiwas ako ng tingin, bwiset yung ako ang nang-aasar pero ako yung talo.

Her Dean's Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon