Chapter 15: Hickey

37 2 0
                                    

Rehailey Point of View

Nakaharap ako ngayon sa salamin at kitang-kita ko ang hickey sa leeg ko dahil kay Alicia, hindi ko talaga inaasahan na gagawin niya yun dahil kung titingnan mo siya ay napaka-inosente ng mukha niya, I feel the awkwardness after sa aming dalawa kahapon, kinuha ko nalang yung concealer sa bag ko para takpan itong hickey sa leeg ko, nakareceive din ako ng text kila mommy na sabay-sabay daw kaming magbreakfast tatlo nila daddy, kaya dumiretso nadin ako sa sasakyan ko para pumunta sa nasabi nilang restaurant.

"Dad"lumapit ako dito para halikan sana siya sa pisngi na pero nabigla ako dahil umiwas ito, kaya wala nadin akong nagawa.

"Saan kana naman nanggaling ha, mas mainam pa siguro kung i-arrange marriage kanalang namin ng mommy mo sa panganay na anak ng Tito Jonathan mo"napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni daddy, aware naman siya na I'm a lipstick lesbian tapos ngayon gusto niya akong ipa-arrange marriage, ano na naman bang trip niya.

"Kaya pala biglaan ang pag-aaya niyo"pabalang at may halong diin kong sagot, naiirita kong tiningnan si daddy, habang si mommy ay tahimik lang sa tabi niya na halatang walang magawa.

"Kahit kelan wala ka talagang modo Rehailey!"sigaw ni daddy dahil padabog akong tumayo para umalis na, dahil wala na namang patutunguhan to.

"Bakit, ganitong-ganito din naman kayo kay lola diba? mas malala pa nga eh"bigla naman natahimik si dad sa sinabi ko, hindi ko nalang sila nilingon dahil dire-diretso na akong lumabas para pumunta sa sasakyan ko, otw nadin ako ngayon sa school.

Ipinark ko na agad ang sasakyan ko sa parking lot, wala ako masyadong nakikitang students dahil class hours na kapag ganitong oras, dumiretso ako sa faculty and wala din akong nadatnang tao kaya naupo muna ako at pumikit saglit sa upuan ko para magpahinga, maya-maya lang ay naramdaman kong may pumasok sa loob, hindi ko alam kung sino pero possible na si Ms. Ritz lang ito, dahil siya lang naman madalas ang nakakasama ko dito sa faculty.

"De-an?"napamulat naman ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Alicia, may bitbit siyang mga folder na mukhang ipapasa niya.

"Goodmorning....."naalala ko padin ang ginawa niya sa akin sa shower.

"De-an, ipapasa ko lang ito kay Ms. Ritz"halata sakanya na balisa siya, siguro nahihiya siya sa akin, napatitig naman siya sa leeg ko at halata na nanlalaki ang mga mata niya, kaya kinuha ko yung salamin malapit sakin at nanlaki din ang mata ko dahil natanggal na pala ang concealer na nilagay ko dahil sa pawis.

"Nap-ano?"tinaasan ko ng kilay si Ali dahil nagmamang-maangan pa siya na akala mo'y hindi alam kung kanino nanggaling ito.

"Kinagat ng malaking langgam"makahulugan kong sagot sakanya, napaiwas nalang ulit siya ng tingin dahil alam kong aware siya kung ano ito.

"Lumapit ka dito, dali"utos ko dahil nasa may pinto lamang siya na mukhang walang balak pumasok.

"Ayoko dean, baka may makakita pa sa atin dito"lalo ko siyang tinaasan ng kilay dahil halata namang naiilang lang siya sa akin kaya ayaw niyang lumapit.

"Ok fine, ipatong mo nalang yan dyan"napansin ko din na bitbit niya ang macbook na binigay ko sakanya noon.

"Alis na po ako dean, gagawa pa kami assignment"aniya na akala moy nagmamadali sabay patong ng mga bitbit niyang folders.

"Sino mga kasama mo?"

"Sila Eireen, nareceive ko yung text mo sakin kanina, kaya baka hindi kita masamahan mamaya"tila nakaramdam naman ako ng selos nang marinig ko ang pangalan ni Eireen.

Her Dean's Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon