-Lorenza de Hacienda-
"Madam Teresita, may bisita po kayo"napatingin naman ako kay Ayen dahil sa sinabi nito, dahil gabing-gabi na para magkaroon pa ako ng panauhin.
"Papasukin mo"utos ko kay Ayen na siyang sinunod naman nito.
"Mama?"napakunot ang noo ko dahil biglaan naman yata ang pagbisita dito ni Harold, ang aking unico hijo, at ang ama ni Hailey.
"Harold, bakit biglaan naman yata ang pagpasyal mo dito sa hacienda?"seryoso kong tanong dito, dahil hindi naman ito bumibita dito ng walang kailangan.
"Nais bilhin ng mga Vermudez, itong hacienda mama"napatayo naman ako sa aking narinig, at pagalit na tumingin kay Harold, agad kong kinuha ang tungkod ko.
"Nahihibang kana ba Harold! itong hacienda nalang ang tanging kaligayahan ko, hindi kapa ba kuntento sa lahat ng negosyo't kayamanan na meron tayo, kaya pati itong hacienda ng lolo mo ay pinag-iinteresan mo nadin ibenta!"galit na galit kong sigaw dito, napahawak naman ako sa aking dibdib dahil sa sobrang galit kaya dali-dali aking inalalayan ni Ayen.
"Umalis kasa pamamahay ko!"dinuro ko ito kaya wala itong nagawa kundi umalis na lamang, manang-mana talaga kay Rodolfo itong anak niya, nawa'y tahimik na ang kaluluwa mo ngayon Rodolfo kung nasaan ka man ngayon, matapos ang sinapit mo sa sobrang kahumalingan mo sa kayamanan.
"Madam, okay lang po ba kayo?"nag-aalalang tanong sakin ni Ayen.
"Tawagan mo si Nolan, at sabihin mong sunduin ako dito, at ihatid ako bukas sa siyudad"utos ko kay Ayen, pupunta ako bukas na bukas kay Harold dahil wala akong tiwala sakanya, ni-kahit sariling anak niya idinidiin niya humawak ng negosyo sa sarili niyang kagustuhan parehong-pareho sila ng asawa niya, napailing nalang ako at napabuntong hininga dahil sa mga magulang ng apo ko.
Alicia Point of View
Matapos ang nangyari kahapon ay, hindi ko na muling nakita pa si dean, kahit dito sa loob ng school ay hindi ko siya nakikita, kaya sa sobrang curious kung nasaan siya kaya patay malisya akong sumisilip sa may pintuaan ng faculty ngunit bigo akong makita siya doon.
"Why are you here Ms. Sanchez?"napalingon naman ako kung sino iyon at bigla akong palihim na napangiti dahil tama nga ang hinala ko, walang iba kundi si dean.
"Nandito kaaa!!"sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya, na siyang ikinabigla niya, kaya bigla akong napabitaw dahil sa hiya.
"E-hem"natataranta akong tumingin kay Ms. Ritz nang makita itong nakatingin pala sa amin, si Ms. Ritz ang secretary nila dito sa loob ng faculty, kilala siya sa buong school dahil siya palagi ang emcee kapag may pa event itong HAIU.
"Mauna na ako Ms. Ritz!!"bulalas ko bago nanakbo palayo ng faculty, ramdam ko ang awkwardness please kahiya dapat hindi ko ginawa yon, hindi ko naisip na maraming makakakita, masyado na ako napapalapit kay ate hailey myghad -_-
Matapos ang klase ay dumiretso muna ako sa garden ng school para magpahangin, at napansin ko ang isang babaeng nakahiga sa isang bench, teka si Eireen bayun, nakahiga ito habang may nakasaksak na earphone sa kanyang tenga na tila namamahinga din ito.
"Eireen?"agad naman itong mumulat ng mata nang marinig ang boses ko, may angking ganda din itong si Eireen, kahit napapansin kong may pagkaboyish siya at mahahalata mo din na nagmula talaga siya sa mayamang angkan.
"You already have a phone na huh?"napansin kong nakatingin pala siya sa cellphone na binili sakin ni dean na hawak-hawak ko.
"Ahhh, oo kahapon lang"sagot ko sakanya and agad naman niyang hiningi ulit ang number ko.
BINABASA MO ANG
Her Dean's Love (GxG)
Romans[SPG R18] Seralicia Sanchez is a 19 yearold girl who resides at Lorenza's ranch. Her family is not wealthy, but she really wants to attend college, and one day she met Rehailey Lorenza at Madam Teresa's mansion, and her parents received an offer to...