Chapter 29: Pain

21 0 0
                                    

Alicia Point of View

Nakasimangot akong pumasok ngayon sa office, at para nga akong lantang gulay na walang kagana-gana ngayong araw dahil sa nangyari kahapon, inaalat na talaga ako sa trabaho ko simula nung dumating ang babaeng yun dito.

"Ali, bakit naman mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa dyan"biro ni Janine, siguro ay nahalata niyang wala talaga ako sa mood ngayon.

"Wala toh Ja, nade-drained lang ako sa trabaho natin parang gusto ko nalang mag-resign"walang gana kong pahayag sakanya, at nanlaki naman ang mga mata ni Janine dahil sa sinabi ko.

"Ali, lagi kana napo-promote dito, at isa ka sa pinakamagaling dito, hindi ko inexpect na masasabi mo yan"halata sa mata ni Janine na mukhang hindi niya gusto ang idea ko, well naiintindihan ko naman siya dahil kapag nag-resign ako ay back to zero na naman ako kumbaga magsisimula ulit ako sa mababang sahod at posisyon.

"Nagkaganyan kalang naman nung dumating si Ma'am Hailey dito"rinig kong bulong niya, kaya napaawang na lamang ang labi ko dahil sa narinig ko sakanya.

"Nakita ko kayo nung isang araw sa isang  sa table dyan sa tapat, alam kong masyadong personal ito para itanong, pero may something ba sainyo ni Ma'am Hailey?"curious na tanong niya, dahilan para mapabuntong hininga na lamang ako, idk kung paano ko sasagutin si Janine kaya umiling na lamang ako sakanya, at ipinahiwatig na hindi ko masasagot ang katanungan niya na mukhang naintindihan naman niya.

"Balik nako sa work ko Ja"kailangan ko nadin kasi ipagpatuloy yung mga pinapagawa sa akin ni Ma'am Zhane, kung hindi ay lagot na naman ako.

"Sige Ali, basta kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang me"pilit na lamang akong ngumiti sakanya bago kami tuluyang bumalik sa trabaho namin.

"Lunch break na guysss!!"sigaw ng isa sa mga ka officemate ko kaya napangiwi na lamang ako dahil dali-dali silang nagsilabasan ng office, and napansin ko din na hindi ko siya napansing sumulpot ngayon dito sa office, bakit kaya? tsk Alicia ano bang pakealam mo sa babaeng yun.

"Ali, sabay kana samin"napatingin naman ako sa tumawag sakin, at walang iba kundi si Janine na mukhang inaaya akong sumama sakanila, and medyo nagdadalawang isip pa ako.

"Kayo nalang muna, may pupuntahan lang me saglit"pagtanggi ko bago me dumiretso sa sasakyan ko para pumunta sa park na naging tambayan ko kada malungkot ako, hindi ko nalang muna tatapusin yung trabaho ko ngayon, di na din ako magugulat kung isang araw sisantehin ako ng mga Vermudez dahil hindi malabong isumbong ako ni Maam Zhane kapag napuno ito.

"Nakakamiss maging bata, wala masyadong problema"mahinang bulong ko habang nakaupo sa isang bench dito sa park, tanaw ng mga mata ko ang mga batang masasayang nagsisipag-laro, kung pwede lang talaga bumalik sa pagkabata ay ginawa ko na, yung panahong wala pa tayong responsibilidad at mga problema.

"Ate, why u look sad po?"napalingon naman ako sa isang cute na batang babae na biglang lumapit sa akin habang may hawak na bola, wait may kamukha siya idk lang kung sino pero may kahawig siya na kakilala ko di ko lang maalala.

"Hindi sad si ate, ganito lang talaga kapag tumatanda na"biro ko sa batang kaharap ko, and ik hindi niya pa ako ganon naiintindihan or nauunawaan kaya nginitian ko na lamang siya, and napansin ko na nakabungisngis din siya kaya di ko maiwasang matawa dahil sa sobrang kakyutan ng batang ito.

"Phia, san kana naman ba nagpunta, napagod ako kakahanap sa iyo"may dumating na isang babae na mukhang pagod na pagod kakahanap sa batang kaharap ko ngayon, teka si Pasita ba toh!? may anak na siya!? what the hell!?!? ni wala ngako nabalitaan noon na may jowa ito:0

Her Dean's Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon