Rehailey Point of View
"Hello?"
"Hailey anak, bumalik ka na dito, kailangan ka ni mama"umiiyak na sabi ni mommy, sa kabilang linya, kaya bigla akong kinabahan.
"Ano pong nangyari kay lola?"hindi ako pwedeng bumalik ng France, mahigit isang buwan palang ang nakakalipas, simula nung nagka-ayos kami ni Alicia.
"Pinagpaalam na kita sa daddy mo na kailangan mo bumalik dito, si mama isang buwan na siyang hindi nagkakamalay"tila gumuho ang mundo ko sa narinig ko about kay lola, dahil sanay kami na kahit mahina ito ay regular naman itong nagigising sa higaan niya.
"Pero sabi nyo okay lang si lo-la? sabi nyo narinig nyo pang nakapa--gsalita siya"utal-utal kong sagot sa kabilang linya, gustong bumuhos ng luha ko pero wala akong magawa, i feel betrayed at the same time dahil hindi manlang nagpakatotoo sa akin si mommy.
"Gusto na ng daddy mo, ipa-euthanasia si mama, ako lang ang pilit na humaharang dito, alam ko na masasaktan ka, pero hindi ko nadin alam ang gagawin ko anak"hagulhol ni mommy sa kabilang linya, kaya napakuyom ang kamao ko, si daddy na naman, sarili niyang magulang gusto niyang patayin, tuluyan ng tumulo ang mga luha ko, magsasalita pa sana ako pero tuluyang nang naputol ang tawag sa kabilang linya.
Dumiretso ako agad papunta sa condo ni Alicia, wala na akong oras, hindi ko kayang umalis na naman ng walang paalam sa kanya.
"Why naman ang aga mo ngayon?"takang tanong niya dahil saktong 9am palang ngayon ng umaga.
"Mag-impake ka ng gamit mo Ali, aalis tayo"utos ko sakanya, and napansin niya ang isang maletang dala ko.
"Teka-teka, san tayo pupunta?"natatarantang tanong niya, habang isa-isa kong kinukuha ang mga damit niya sa drawer niya.
"France, flight na natin mamaya Ali"diretsong sagot ko sakanya, alam ko na nabigla siya, dali-dali kong inilagay ang mga damit niya sa maletang dala ko.
"Hindi mo manlang ako sinabihan sa desisyon mo, hindi pa ako nakapag-paalam sa trabaho ko"natataranta niyang sagot, habang pilit na binabawi ang mga kinukuha kong damit sa cabinet niya.
"Don't worry ako ang bahala, kailangan ako ni lola, hindi pwedeng hindi kita kasama"napansin kong napatigil siya, kaya agad ko siyang hinila para yakapin.
"Kung noon basta nalang ako nawawala, this time hindi pwedeng umalis ako na hindi kita kasama"malambing kong sabi sakanya bago ko siya bitawan, and I saw her big smile na nakakapawi sa lungkot at pagod na nararamdaman ko.
"Are you sure about this?"nakwento ko na kay Alicia, ang lahat kung bakit kailangan ko bumalik ng France, wala ding idea ang family niya na pupunta siyang ibang bansa, sinabi niya lang na hindi muna siya makakauwi ng probinsiya.
"Oo naman, naiintindihan ko kung bakit, I told you palagi lang din me nandito"malungkot kong hinawakan ang kamay ni Alicia, I'm so thankful na nandito siya, siguro kung wala siya ay natataranta na ako at kanina pa ako umiiyak.
"Sshhh, I'm always here for you okay? sasamahan kita sa bawat laban"sagot niya kaya napangiti ako, ang ganda-ganda niya, she really grow, and become more matured than before.
~Paris Charles de Gaulle Airport~
"Are you okay?"nag-aalala kong tanong kay Ali dahil napansin kong kanina niya pa hinihilot ang sintido niya.
"Ayos lang me, nanibago lang siguro ako sa byahe"napatango-tango nalang me siguro dahil sa malayong byahe, and I'm also aware na it's her firstime na mag-out of the country.
BINABASA MO ANG
Her Dean's Love (GxG)
Romance[SPG R18] Seralicia Sanchez is a 19 yearold girl who resides at Lorenza's ranch. Her family is not wealthy, but she really wants to attend college, and one day she met Rehailey Lorenza at Madam Teresa's mansion, and her parents received an offer to...