Harold Point of View
"Hon, wala kaba plano bisitahin si mama?"mahinahong tanong sakin ng asawa ko dahil nabalitaan namin na iba nadaw ang kalagayan ngayon ni mama matapos nitong magcollapsed nung nakaraang araw, pero masama kong tiningnan si Georgina, dahil paulit-ulit nalang niyang binabanggit sakin si mama, wala naman akong pakialam kahit mamatay pa siya ngayon, laking tuwa ko pa.
"Naririndi na ako kaka-mama mo Georgina"de hamak kasi na mas malapit ang asawa ko kay mama kaysa sa akin, matagal na akong walang pagmamahal kay mama, hindi ko alam kung bakit antagal-tagal niyang mamatay, pakiramdam ko ay siya din ang rason kung bakit naging tomboy ang nag-iisang anak namin ni Georgina, palagi niyang hinihiram sa amin si Rehailey noon at dinadala niya ito sa hacienda, nalaman ko pa sa isa kong tauhan na puro mga batang lalaki pala ang nakakalaro nito doon.
"Hindi ka manlang ba nakakaramdam ng kahit konting konsiderasyon Harold?"hindi ko na napigilan ang galit ko dahil masyado na akong naririndi sa bunganga niya, kaya malakas kong sinampal ang kaliwang pisngi niya na naging dahilan para matahimik na lamang siya, wala naman pati siyang magagawa dahil sanay nadin siya sa ugali ko at alam kong takot siya na magalit ako ng sobra dahil higit pa dyan ang kaya kong gawin.
Nagngingitngit ako ngayon sa opisina ko dahil hindi ko pa din matanggap na ipinamana ni mama ang hacienda sa hampas lupang pamilyang iyon, dumagdag pa sa problema ko ang walang kwenta kong anak na mahilig makisawsaw sa amin ni mama, nalaman ko din kay Georgina na pinili ni Rehailey maging dean sa walang kwenta niyang school, kung tinutulungan nalang ako dito ni Rehailey sa mas malaki naming negosyo ay tiyak matuwa pa ako sakanya.
"Nasaan na pala ang walang kwenta mong anak?"tanong ko kay Georgina, dahil napansin ko na hindi na bumibisita dito si Rehailey sa opisina ko.
"Harold, anak pa din natin siya, can you just accept na ganoon ang anak natin, wag mo naman sana siyang tawagin na walang kwenta, kahit anong mangyari anak padin natin siya"napailing nalang ako sa sagot ni Georgina, pareho sila ni mama na kunsitidora kaya lalong nagiging ganoon ang batang iyon.
Alicia Point of View
"Kuya, hindi pa rin ba umuuwi sila mama't papa?"pikit kong tanong kay kuya dahil kakagising ko lang, simula kasi kahapon ay hindi ko pa din sila nakikitang umuwi.
"Hindi pa, puntahan mo nalang siguro sila doon"sagot ni kuya habang busy sa paghihiwalay ng mga pambentang gulay at prutas, kumain muna ako ng almusal bago ako naligo dahil pupunta ako ngayon kila Madam Teresa.
"Kuya, alis na ako"paalam ko habang busy padin ito sa ginagawa niya.
"Oh, mag-ingat kat maputik sa daan, anlakas kasi ng ulan kagabi"paalala sakin ni kuya, kaya pala ang himbing ng tulog ko kagabi ay umuulan pala, tumango lang ako sakanya bago ako tuluyang umalis.
Nandito na ako ngayon sa tapat ng gate ng bahay ni Madam Teresa, and mukhang nakilala naman ako ng mga bantay kaya walang alinlangan nila akong pinapasok, medyo nagtayuan naman ang balahibo ko dahil mukhang balot ng lungkot ngayon itong mansion, dahil makikita ko sa mata ng mga kasambahay ni madam teresa ang lungkot, unlike nung unang beses akong nakarating dito.
"Ma'am Alicia, napadalaw ka"salubong akin ng matamlay na si Ayen, halata sa mata niya ang puyat dahil nangingitim ang ilalim ng mata nito.
"Nasaan sila mama't papa?"hindi sumagot si Ayen, pero sumenyas ito na sundan ko siya, pumunta kami sa isang kwarto at tumambad sa akin sila mama at papa na tulog na tulog na mukhang mga puyat sa pagbabantay, napansin ko si Madam Teresa na nakahiga sa higaan niya habang may nakasaksak na siyero, napansin ko din na anlaki ng ipinayat niya compare noong nakita ko siya sa mansion nila sa siyudad, hindi ko maiwasang maluha sa nakita ko kaya lumabas nalang din ako ng silid, naisip ko si dean na sobrang sakit siguro sakanya na makita na ganito ang lola niya.
BINABASA MO ANG
Her Dean's Love (GxG)
Romance[SPG R18] Seralicia Sanchez is a 19 yearold girl who resides at Lorenza's ranch. Her family is not wealthy, but she really wants to attend college, and one day she met Rehailey Lorenza at Madam Teresa's mansion, and her parents received an offer to...