Alicia Point of View
"Kelan nyo balak mag-asawa Maam Alicia?"muntik na ako masamid dahil sa tanong ni Pasita, nandito kasi ako ngayon sa birthday party ng anak niya, and naka-punta ako dahil nagkataong day off ko ngayon.
"Wala pa sa isip ko yung ganyang bagay"napapangiwi akong ngumiti kay Pasita, hindi dahil sa uncomfortable ako dun sa tanong niya dahil hindi ko naiimagine ang sarili ko na magkaroon ng boyfriend, actually madami naman na nagtempt na manligaw sa akin sa loob ng anim na taon pero ako lang talaga yung umiiwas at may ayaw.
"Mabuti naman Maam, sakit lang sa ulo mga lalaki"biro ni Pasita, sabay tingin sa asawa niyang busy mag-entertain ng mga bisita nila, napatawa nalang ako dahil mukha namang mabait ang napangasawa ni Pasita.
"Thank you pala sa pag-invite Pasita, namiss ko itong mga luto mo"nalaman ko kasi na catering service pala yung naging business nila ng asawa niya, at silang mag-asawa ang nagluluto ng mga pagkain na sineserve nila.
"Maliit na bagay lang yun, sayang lang at hindi daw makakapunta si Maam Hailey"napatigil at napalunok naman ako sa sinabi nya, so ininvite niya din pala si dean, nukaba Alicia malamang, at dati niyang amo yun.
"Btw Maam Alicia, puntahan ko muna si Phia, kanina pa yun nagsiswimming, papakainin ko muna"tumango lang ako sakanya, at nagmamadali siyang umalis sa harap ko.
"Pwede ba maki-upo? wala na kasi available na table"may umupong hindi familiar na babae sa harap ko, and sa opinion ko kaedaran ko lamang ito.
"Sure, gow lang"nginitian ko na lamang siya, ewan I think I already met her somewhere before kumbaga may naging changes lang kaya di ko siya maalala, idk nvm.
"Alicia right?"medyo nagtataka akong tumingin sakanya dahil bakit niya alam ang pangalan ko, wala naman ibang nakakakilala sakin dito bukod kay Pasita.
"Magka batchmate tayo sa HAUI, and sa naaalala ko, you graduated with latin honor too"nakangiting pahayag niya, infairness cute siya, and mukha siyang may lahing japanese.
"Anong name mo pala? baka sakaling maalala ko"pabalik kong tanong sakanya, wala talaga akong matandaan dahil anim na taon nadin naman ang nakalipas simula nung grumaduate ako, kaya ang hirap din mag-recall ng memories from the past lalo sa mga taong di ko naman talaga kilala.
"I'm Marizsa Faye Guevarra"nakangiting pakilala niya sa akin habang ako ay gulat na gulat dahil siya yung isa pang student na nakakuha ng latin honor bukod sa akin.
"Taga engineering department ako, for sure limot mo na ako pero ako yung babaeng tinulungan mo noon"tila nagloading naman muna ang lahat sa akin, bago ko narealize na siya pala yung babaeng pinagtanggol ko noon sa ate ni Eireen.
"I'm Seralicia Sanchez pala, kahit Ali nalang itawag mo sakin"napansin ko din na hindi na ito mukhang nerd compare noon, wala na din itong suot na glasses, sa naalala ko kasi noon nakaglasses yung kasabay ko noon umakyat ng stage, kaya din siguro hindi ko siya nakilala.
"Ano na pinagkaka-abalahan mo ngayon?"tanong ko sakanya, mukha namang siyang mabait, tsaka palangiti din siya kaya i know na makakavibes ko siya.
"I'm working in Switzerland for 5 years, after ko kasi maka-graduate ay nagpunta din ako sa parents ko abroad, actually kakauwi ko lang ng Pinas last week"hindi ko naman maiwasan ma-amaze sakanya dahil parang noon lang is parang kagaya ko siya na aapihin yung datingan, kumbaga same kami na parang lapitin ng mga bullies, pero look at her now napakalayo nadin ng narating niya.
BINABASA MO ANG
Her Dean's Love (GxG)
Romance[SPG R18] Seralicia Sanchez is a 19 yearold girl who resides at Lorenza's ranch. Her family is not wealthy, but she really wants to attend college, and one day she met Rehailey Lorenza at Madam Teresa's mansion, and her parents received an offer to...