"Hindi kana nahiya!!"bulyaw sakin ni mama sabay sampal sa kanang pisngi ko, napatungo nalang ako dahil expected ko na talagang pagbubuhatan ako nito ng kamay dahil sa nangyari sa mansion, na siyang nakasanayan kuna.
"Wala na talaga pinagkatandaan yang batang yan!"dugtong ni papa bago ito padabog na pumasok ng silid.
"Mabuti panga't tanggapin ko yung alok ni Madam Teresa sa amin na pag-aralin ka para matuto ka, yun naman ang gusto mo diba?!"galit na sigaw nito sabay bato ng isang kulay dilaw na sobre sa akin.
Binuksan ko ang sobre at mangiyak ngiyak akong tumingin kay mama dahil tila para akong nananaginip sa nabasa ko. Napahawak nalang ako sa pisnging sinampal ni mama at tuluyang naiyak sa tuwa.
"Alam naba to ni kuya?"seryosong tanong ko kay mama, napakibit balikat nalang ako dahil feeling ko ay hindi na naman ako papayagan ni Kuya Roger.
"Oo naman"nanlaki ang mata ko ng sumulpot si kuya sa harap ko.
"Alam kong yan ang pangarap mo noon pa Alicia, pasensya na't hindi kami pumapayag dahil wala lang talaga kaming kakayahan para suportahan ka sa kagustuhan mo"malungkot nitong sagot habang nakatingala na tila may iniisip pang iba. Naiintindihan ko naman si kuya dahil wala kaming sapat na pera para makapag-aral ng kolehiyo dahil kahit si kuya ay hindi niya naabot ang kagustuhan niya.
"Kelan to?"tanong ko dito.
"Bukas nayan, kaya ayusin muna ang mga gamit mo at bukas na bukas ay susunduin ka dito ng driver ni Madam Teresa"sabat ni mama sabay bato pa sa akin ng isang kulay brown na sobre.
"Allowance mo sa unang buwan mo doon, pinabibigay ni Madam, kaya umayos ka Alicia, malaki ang utang na loob ng pamilya natin kay Madam Teresa"dugtong pa nito sabay pasok ng silid.
Kinabukasan.........
"Oh, baka naman pag-uwi mo dito may nobyo kana"ani ni papa habang tinutulungan ako bitbitin ang mga gamit ko palabas.
"Oh sha, tama na ang kwentuhan at inaantay kana sa labas ng susundo sa iyo, magpaalam kana sa kuya mo"tumango nalang ako at agad na pinuntahan si kuya sa likod ng bahay namin para magpaalam.
"Ingat ka doon Alicia, for sure namang hindi ka papabayaan ni Hailey doon"napaismid ako sa narinig ko, so magkakilala talaga sila ng apo ni Madam Teresa.
"Close kayo non?"tanong ko dito.
"Hindi muba natatandaan, siya yung lagi nakikipaglaro sayo noong 4 yearsold kapalang, sya yung umagaw sa barbie doll na hawak mo tapos nagtantrums ka tas naiyak din sa Hailey noon kasi hindi niya alam paano ka patatahanin"aniya sabay tawa na di ko naman maalala dahil literal na musmos pa ako noong mga panahon na sinasabi ni kuya.
"Corny mo kuya, mauna na ako hah"sumenyas ako sakanila na aalis na at tanging ngiti at tango lang ang natanggap ko sakanila bago ako tuluyang nakapasok ng sasakyan.
Mahigit 4 na oras kaming nagbabyahe patungo sa siyudad, at tama nga sila mama't papa na mas masarap mamuhay sa probinsya dahil sobrang iba nga ang panahon dito compare sa lugar namin na may maaliwalas at sariwang hangin.
"Kuya, san po tayo tutuloy?"tanong ko sa driver ng kotse na sumundo sa akin dahil hindi ko din alam kung saan yung exact location ng dorm na tutuluyan ko.
"Sabi po kasi ni Maam Hailey, kitain daw po natin siya malapit sa labas ng coffee shop malapit sa school"aniya kaya napabuntong hininga nalang ako, dahil hanggang ngayon ay nahihiya padin ako kay Ate Hailey after nung nangyari sa mansion na tinakbuhan ko siya.
"Dito na tayo maam"pinagbuksan ako ni manong ng pinto at tanaw ko agad sa di kalayuan ang isang mestisang babae na kumakaway habang papalapit ito sa amin ni manong driver.
BINABASA MO ANG
Her Dean's Love (GxG)
Romance[SPG R18] Seralicia Sanchez is a 19 yearold girl who resides at Lorenza's ranch. Her family is not wealthy, but she really wants to attend college, and one day she met Rehailey Lorenza at Madam Teresa's mansion, and her parents received an offer to...