Chapter 5: Laptop

46 3 0
                                    

Alicia Point of View

Biglaan akong napauwi ng Laguna dahil sa nalaman ko na ipinamana ni Madam Teresa yung hacienda sa pamilya namin. Hindi ko na muling nakita pa si dean after nung araw na iyon sa faculty, medyo nakaramdam ako ng kalungkutan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Tahimik akong naupo sa harap nila mama at papa, tahimik akong umupo sa hapag-kainan para makasabay sila kumain, hindi ko ulit maiwasan malungkot dahil hindi manlang nila ako sinalubong ng mainit na yakap na matagal ko nang hinahanap bilang isang anak, tanging ang aking nakatatandang kapatid ko lamang ang masayang sumalubong sa akin.

"Inaayos mo ba pag-aaral mo doon?"seryosong tanong sa akin ni papa, napabuntong hininga na lamang ako at tumango bilang tugon.

"Ma, nabalitaan ko na ipinamana ni Madam--"hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagulat ako sa sunod na ginawa ni mama, dahil bigla nitong hinampas ang lamesa.

"Labas kana dito Alicia"seryosong tumingin sakin si mama na tila na ayaw itong pag-usapan, hinawakan naman ni papa ang kamay nito para pakalmahin. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang ilang butil ng luha sa aking mga mata, umuwi ako hindi lang dahil sa hacienda dahil sa ilang buwan kong pamamalagi doon ay nangungulila din ako sakanila.

"Aalis na po ako"matamlay akong tumayo at agad na kinuha ang aking bag para lumuwas na ulit sa siyudad.

"Aalis kana agad, kakadating mo lang diba?"napatingin naman ako sa lumitaw sa harap ko, walang iba kundi si kuya pero hindi ako sumagot na tila naintindihan naman niya at mangiyak-ngiyak akong lumabas ng aming pintuan at agad na pumara ng aking masasakyan.

Ilang-oras ako tulala sa biyahe hanggang makarating sa aking paroroonan matapos ang nangyari kanina, of course bilang isang anak masasaktan tayo kapag ganoon nalang palagi ang trato sa atin ng ating mga magulang na parang pakiramdam mo palagi silang may galit sayo kahit wala ka namang ginagawang masama.

Matamlay akong pumasok ng gate sa bahay nila dean at napansin ko ang mukha ni Pasita na nag-aalala dahil aminin ko man at hindi ay bakas sa mukha ko ang labis na pagod at kalungkutan.

"Ayos kalang po ba Maam Alicia?"nag-aalalang tanong nito pero tumango lamang ako dito dahil sa sobrang pagod.

"Maupo kapo muna"aniya pa habang inaalalayan ako maupo sa sofa habang ang ibang kasambahay ay mabilis na kinuha ang aking bag para dalhin sa aking kwarto.

"Akala ko ba sa isang araw kapa makakauwi"biglaang tanong niya.

"Mahabang kwento eh"dahilan ko kaya tumango na lamang siya.

"Si Maam Rehailey niyo ba nauwi pa dito?"nahihiyang tanong ko dito dahil bago ako umuwing probinsya ay ilang araw ko na itong hindi nakikita sa mansion nila, pero grrr Alicia bat muba tinatanong sino ba siya diba dean mo lang naman at anak ng may-ari ng mansion na ito.

"Hindi pa po eh"

"Ahh ganun ba"hindi na ako nagpaalam pa at nagmamadali akong pumunta sa taas para magpahinga dahil anong oras nadin naman, maaga pa ako ako papasok bukas. I'm so confused lang bakit ganito nararamdaman ko haha ate hailey? dean? tama naa alicia nababaliw kana talaga.

*************KINABUKASAN*************

"Manong, dito nalang po"ani ko sa driver ng tricycle na sinasakyan ko sabay abot ng bayad ko dito, sobrang himala dahil maaga akong pumasok ngayon.

As usual, andaming maaarte sa paligid ko, ansasarap tusukin ng mga mata kala mo naman ang gaganda pwe de hamak namang kahit mahirap lamang ako ay mas maganda naman ako duh.

Her Dean's Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon