Chapter 22: Samuelito Vermudez

17 0 0
                                    

Eireen Point of View

"Bakit masyado ata kayong busy?"takang tanong ko sa isa sa mga katulong namin, dahil pansin ko na nagmamadali silang kumilos.

"Darating daw po si Sir Samuelito, sabi sa amin ni Sir Wil"napasinghap ako dahil sa narinig ko, sobrang tagal na nung panahon na last umuwi dito si lolo sa Manila, pinili kasi nitong mag-stay sa Ilocos after of how many years.

"Si daddy ba? nakita nyo?"

"Hindi pa po umuuwi si Sir Emanuel mula kagabi"sagot niya bago tuluyang bumalik sa kanilang ginagawa, napabuntong hininga na lamang ako dahil palagi na lamang akong naiiwan dito, I also heard na babalik na si ate abroad bukas, it makes me shock kasi I really thought na guguluhin niya si Alicia at Dean but I'm wrong.

Tahimik lang akong kumakain ngayon mag-isa sa hapag-kainan, tanging tunog lamang ng kubyertos ang aking naririnig, hanggang sa may narinig akong tunog ng mga yapak papunta sa direction ko.

"My favorite granddaughter Eireen......."and tama nga ang hinala ko, walang iba kundi si lolo, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, dahil pareho naman kaming lumaki ni ate sa mga yaya namin noong mga bata pa kami, kahit sabihin nyang ako ang paborito nyang apo samin ni ate.

"Lo, biglaan naman po yata ang pagdalaw nyo"medyo kinabahan pa ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, napansin ko ang ilang mga tauhan niya sa likod niya.

"I decided na dito na muna ako mamalagi, may katandaan na ako, baka hindi ko na kayanin sa susunod na mag-byahe pa ng malayo"aniya, habang dahan-dahan naupo sa tapat ko, napansin ko din ang isang itim na tungkod na hawak nya, naalala ko din dati nung aksidente ko nabuksan ang wallet nya, may nakita akong litrato nya kasama ang isang kaedaran niya, at hindi ko kilalang lalaki, at wala akong idea kung sino nga ba iyon.

"Pwede ba ako magtanong lo, sino po yung lalaki na nakita kong kasama nyo sa picture dati?"hindi ko alam kung tama ba na itinanong ko ito, pero palagi ko kasi nakikita si lolo noon sa opisina niya na tinitingnan ang isang lumang litrato kasama ang hindi ko kilalang lalaki na mukhang kaedaran lamang niya.

"Gusto mo ba talaga malaman?"bigla nagbago ang awra ni lolo ngayon, kaya bigla nagtayuan ang mga balahibo ko, agad nalang din ako tumango bilang sagot sakanya.

"It's Rodolfo, ang matalik kong kaibigan noong araw"seryosong pahayag niya, bigla naman ako nakaramdam ng takot nang bigla siyang tumawa.

"Nasaan na po siya ngayon?"kahit kinikilabutan na ako ay nagawa ko padin iyon itanong.

"Matagal na siyang naagnas sa ilalim ng hukay"nakakatakot na sagot niya, kaya walang alinlangan na akong tumayo para magpaalam sakanya dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko sa mga nagiging sagot niya, I feel like Lolo Samuel is hiding for something, malalaman at malalaman ko din kung meron mang  itinatagong lihim ang pamilyang toh.

Samuelito Point of View

Tahimik lamang akong nakaupo sa dati kong opisina, habang tinitingnan ang litrato namin noon ni Rodolfo noong kami'y mga binata pa, naging mabuting kasosyo at kaibigan sa akin si Rodolfo, siya ang tumulong sa akin upang palaguin ang aking negosyo, siya ang nagpautang sa akin ng malaking puhunan para mas makilala pa ang negosyo naming mga Vermudez, dahil nung panahong iyon ay mga Lorenza ang kilala sa pinakamayamang angkan sa bayan namin, aaminin ko na may kasakiman lamang minsan si Rodolfo pero naging mabuti siyang kaibigan sa akin.

"Ano plano mo?"tanong sa akin ng bagong dating na si Rodolfo, dahil hindi ko alam ang susunod kong magiging hakbang dahil nalugi ang puhunang ipinahiram sa akin ni Rodolfo.

Her Dean's Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon