Alicia Point of View
It's been a week after nung gabing iyon, and simula nun napansin ko na iniiwasan na ako ni dean, naalala ko last time na nagtagpo ang mga mata namin pero umalis lang siya palayo na parang walang naganap sa aming dalawa, sobra akong nasaktan pero wala akong choice kundi kalimutan dahil napapabayaan ko nadin ang pag-aaral ko lately.
"Ayos kalang ba talaga Alicia?"nag-aalalang tanong ni Eireen, dahil hindi ko padin ginagalaw ang pagkain ko, the other day napansin niya yung kissed mark ni dean sa leeg ko pero nagali-bi nalang ako sakanya na kinagat ako ng insekto sa higaan and mukhang naniwala naman siya.
"Wala lang talaga akong gana lately"sagot ko kay Eireen, kasalanan niya to eh kung hindi niya ako ghinost hindi sana ako magkakaganito ngayon, handa naman ako kalimutan yun kahit masakit sa part ko dahil naiintindihan ko naman na mali talaga yon, hindi yung mumultuhin niya ako, sinubukan ko nading umuwi sa mansion pero bigo talaga ako nabalitaan ko kila Pasita na matagal nadin itong hindi umuuwi doon, nag-try ako pumunta dun sa condo niya pero wala din ako napala, sobrang bigat pero kailangan ko i-accept na hanggang student lang talaga ang tingin niya sa akin.
"Eireen, okay lang ba magkagusto kunware sa professor mo?"random na tanong ko kay Eireen kaya napatigil siya sa pagkain.
"For me yess, wala naman ako nakikitang mali doon basta alam mo padin yung limitation mo"aniya kaya napa-ahh nalang ako tinanong niya pa ako kung may crush ba daw ako sa mga prof namin pero agad naman akong umangal dahil curious lang naman ako sa perspective niya about sa ganong bagay.
"Eireen, thank you sa treat ha"pagpapasalamat ko kay Eireen, dahil madalas niya akong nililibre dito sa cafeteria dahil sapat lang yung allowance na binibigay sakin, hindi sa pagiging assuming hah pero feeling ko talaga crush ako nitong si Eireen.
"No need to say thank you hehe, basta treat kita always"nakangiti niyang sagot, Eireen is also pretty and attractive but hindi talaga ako nakaramdam ng attraction pagdating sakanya kahit minsan parang nagbibigay siya sa akin ng motibo pero binabalewala ko lamang ito.
"Hatid na din kita sa work mo Ali"aniya pa habang hawak na ang susi ng sasakyan niya dahil nalaman niya na nagpapartime na ako sa isang restaurant, pero agad ko itong tinanggihan.
"Wag na Eireen, malapit lang naman yon walking distance lang"pagsisinungaling ko sakanya, wala naman siya nagawa kundi tumango nalang.
Nandito na ako ngayon sa resto na pinagtatrabahuhan ko, sinabi ko na din nung isang araw kay Madam Teresa na umalis na ako sa mansion dahil napadesisyunan ko din na mag-part time para sa sarili ko, nung una medyo against pa siya sa desisyon ko pero kalaunan ay naintindihan niya din naman yung side ko.
"Alicia, pakidala nga ito sa table 7"utos sakin ni Kuya Gino isa sa mga katrabaho ko, yes tama kayo waitress ako dito, mapalad ako dahil sa dami naming nag-apply ay isa ako sa mga natanggap.
Agad kong kinuha yung container na pinaglalagyan nung pagkain para dalhin sa table 7, medyo nahihirapan pa ako mag-adjust as a newbie pero alam ko na masasanay din ako.
"Enjoy po maam and sir!"nginitian nila ako kaya masaya akong bumalik sa counter para din dalhin yung new orders ng mga customer, nakatayo lang me sa may gilid para mag-intay ng mga request and orders ng mga customer, nang mapansin ko ang pagpasok ng isang babae na mahigit isang linggo ko ng hindi nakikita, lalapit na sana ako pero napaurong ako ng makita ang kasama nito yung ate ni Eireen, medyo nanikip ang dibdib ko pero kinalma ko lang ang sarili ko dahil nasa work ako ngayon kailangan ko maging professional, huminga nalang ako ng malalim bago lumapit sa table nila para kunin ang order nila, nagtama ang mga mata namin ni dean pero ako ang unang umiwas ng tingin dahil masakit padin sa part ko na wala lang talaga sakanya ang nangyari na iyon tapos ngayon makikita ko lang pala silang magkasama sila ng ex niya matapos ang panggoghost niya sa akin, hindi ko alam pero parang dinudurog ang puso ko.
Nakilala naman ako nung ate ni Eireen ininsulto pa ako nito bago sabihin ang order niya habang si dean ay umiwas lang ng tingin at mukhang wala itong pakealam kahit iniinsulto ako ni Anastasia sa harap niya, tumalikod nalang ako para magpahid ng butil ng luha dahil sa sama ng loob, kung alam ko lang na magkakaganito hindi ko na sana hinayaan na may mangyari samin nung gabing iyon.
"Kuya Gino, pwede bang si Rafa nalang magdala nito sa table 13, medyo sumama kasi pakiramdam ko"pagdadahilan ko kay Kuya Gino at mukhang naniwala naman ito sa sinabi ko kaya pinagpapahinga niya muna ako, hindi ko kayang makita sila na ganoon para lamang akong nasusuffocate, lumabas lamang ako nang mapansin ko na wala na sila kaya inumpisahan ko na ulit magtrabaho.
Rehailey Point of View
Masama kong tiningnan si Anastasia paglabas na paglabas namin dahil sa pang-iinsulto na ginawa nito kay Alicia, hindi ko alam na doon pala siya nagpapartime, wala manlang akong kalakas lakas ng loob kanina para tingnan si Alicia, ramdam ko din ang bigat na dala-dala niya pagkatalikod samin kaya sobra talaga akong nakokonsensya, alam ko na iniisip niya na wala lang sakin, wala akong pakealam sa nangyari saming dalawa.
"Tbh, I'm losing my appetite because of you"naiinis kong sigaw kay Anastasia dahil hindi manlang ako nag-enjoy sa kinain ko, si mommy talaga dapat yung kasama ko pero nagulat ako nung si Anastasia ang dumating, andami niya pang kaartehan na sinabi pero hindi ko nalang pinakinggan dahil nagwalk out na ako sa harap niya.
Masyado na naging komplikado ang lahat, siguro mas better pa talaga na naging option ko noon is ipadala ako abroad, I can't deny na sa loob ng isang linggo na pag-iwas ko kay Alicia halo-halo yung nararamdaman ko mas nangingibabaw yung guilt, and also namimiss ko kahit papano yung simple interaction namin unlike ngayon. Nakita ko siya once sa labas ng condo ko kausap ang guard kaya simula non naisipan ko na wag nalang din muna umuwi doon.
"Whats up Haileyyy mah girlyyy"sinalubong ako ng yakap ni Seia and also Fatima which is girlfriend niya, they are also lipstick lesbian like me, college friends ko sila and bihira ko na sila nakakasama dahil busy din sila sa businesses ng parents nila, and sakanila ako nakikituloy ngayon balak ko sana mag-check in sa hotel pero pinahold pala ni mom and dad cards ko dahil andami ko daw paper works ang hindi pa natatapos, ayoko naman sabihin kay lola dahil ayoko mag-away na naman sila ni daddy.
"Kamusta na kayo lovebirds?"naalala ko during my college days, kasi circle of friends kami before, and sobrang naiilang pa si Seia kay Fatima.
"Next year lilipad na kaming Netherland para magpakasal"excited na tumingin sakin si Seia sabay pakita niya sa isang diamond ring sa daliri niya kaya ni-congrats ko silang dalawa, I'm really happy for them.
"Ohh, parang kelan lang nagkakahiyaan pa kayo"biro ko dahil tandang-tanda ko kung gaano katorpe si Fatima kay Seia before.
"How about you Hailey? I heard you and Tashia broke up already"biglang tanong ni Fatima, naalala ko na hindi ko nga pala nasabi sakanila yung rason kung bakit kami naghiwalay ni Anastasia.
"Yeahh, she cheated on me"walang gana kong sagot kay Fatima, reason kaya nakipagbreak ako kay Anastasia it's because I just saw her making out with a random guy in her own place.
"Is there someone ba now na nakakaget ng attention mo?"napatigil naman ako sa tanong ni Seia, biglang pumasok sa isip ko si Alicia.
"Wala akong time Seii, I am working as a dean right now in HAUI"tinawanan lang ako ni Seia at Fatima dahil sa narinig, hindi siguro nila inexpect na magiging dean ako doon.
"Seriously girl!? I am already a ceo of my family business, while Fatima is also busy in her parents businesses while you a SCHOOL DEAN HAHA"tinawanan ako nito na halatang nang-aasar, hindi ko alam kung maiinis ba ako kay Seia dahil diniin niya pa talaga yung word na dean pero may point naman siya, natulong lang ako kila mom and dad pero never ko pa naisip na
maging isang ceo haha kahit wag na I'm not interested."Yk what girlyyy, it's better to find someone nalang, yung kahit hindi man sing yaman ni Tashia, basta kaya kang samahan at mahalin eh gow kanadon girlyyy"tinapik pa ni Seia ang balikat ko, napangiwi nalang ako dahil may saltik padin itong mga kaibigan ko, since college kahit pare-pareho man kami ng social status ay ako yung pinakahirap ang situation because of dad kaya lagi nila pinapaalala sakin na humanap na ng taong kaya talaga ako mahalin unconditionally at para daw may magtatanggol na sa akin kay daddy kada sinesermunan ako.
LUV LOTS GUYS!! ANOTHER UPDATE!! HEHEHEHE TYSMM!! ewan ko sayooooo haileyyy
BINABASA MO ANG
Her Dean's Love (GxG)
Romansa[SPG R18] Seralicia Sanchez is a 19 yearold girl who resides at Lorenza's ranch. Her family is not wealthy, but she really wants to attend college, and one day she met Rehailey Lorenza at Madam Teresa's mansion, and her parents received an offer to...