Alicia Point of View
Simula nung dumating dito si dean sa office, ay gumulo na ang trabaho ko, ilang araw na akong wala sa focus sa ginagawa ko, napapadalas na din akong pagalitan ni Maam Zhane na napakabihira namang mangyari noon dahil nga palaging palpak ang mga pinapagawa nila sa akin, kung dati ay maayos akong nakikipag-communicate sa mga clients namin kada may question sila, pati maayos kong natatapos ang mga paperworks na ibinibigay sa akin, ngayon ay puro bara-bara nalang ang nagagawa ko dahil parang hindi na gumagana ang utak ko hayst napakamot nalang ako ng ulo dahil sa sobrang inis.
"Kainis naman....."mahinang bulok ko habang busy padin ako dito sa tapat ng computer, kung hindi dahil sa babaeng yon hindi sana ako minamalas ngayon.
"Wala ka ata sa mood ngayon Ali"napasimangot na lamang ako dahil sa sinabi ni Janine, magkatabi kasi kami ng pwesto kaya hindi maiwasang mapansin niya na kanina pa ako naiinis.
"Wala to Ja, na-stress lang ako"pilit akong ngumiti sakanya, kagigil na what if mag-resign na lang ako pero sayang naman if aalis ako dahil lang sa babaeng yun, sumesweldo ako dito ng 6-digit simula nung palagi akong napopromote kaso mukhang malabo na ma-promote pa ako ngayon dahil inaalat ako lately sa trabaho ko.
"Wag mo nalang pansinin masyado si Maam Zhane, tsaka normal lang magkamali no, ikaw kaya pinakamagaling dito"nakita kasi ni Janine na pinapagalitan ako kahapon ni Maam Zhane dahil maling file pala yung naipasa ko.
"Thank you Ja, balik kana ule dyan sa ginagawa mo baka maabutan kapa ni Maam Zhane"nagpalinga-linga naman si Janine dahil sa sinabi ko, ngumiti nalang ulit ako bago tuluyang bumalik sa trabaho.
"Saan ka mag-lunch Ali?"tanong sa akin ni Janine, dahil kakatapos lang namin magtrabaho.
"Hindi ko alam eh, baka dyan nalang me sa tapat mag-lunch"inaaya ako ni Janine sa kabilang kanto mag-lunch pero tumanggi ako, tinatamad kasi ako dahil ansakit na ng batok ko kaya dyan nalang muna ako sa tapat ng building namin.
"Isa ngang chicken tonkatsu with rice & drinks, tsaka pa add ako ng isang pork bbq"agad akong humanap ng mauupuan ko habang inaantay ko ang order ko, agad kong kinuha ang cellphone ko para mag-scroll scroll muna sa social media.
"Here na po order nyo Maam, enjoy your meal poo"napatigil ako sa pag-scroll nung dumating na yung order ko kaya nagsimula nadin akong kumain at habang kumakain ako ay nanlaki na naman ang mata ko, wth ano na namang ginagawa niya dito!?:0
"Let me join you, wala din naman akong kasabay"aniya, at dire-diretsong naupo sa harap ko habang ako ay nakatanga dahil dire-diretso lamang ito na akala mo'y pumayag akong makasabay siya.
"Ano pa bang kailangan mo ha?"naiiritang tanong ko sakanya, kumukulo na naman ang dugo ko kapag nakikita ko siya.
"Masyado ka namang highblood, paborito mo padin pala yang chicken tonkatsu"napairap na lang ako, tsk kala niya madadaan nya ko sa paganyan-ganyan nya.
"Saan ka pupunta?"nagtatakang tanong nya nang bigla akong tumayo sa kinauupuan ko para humanap ng bagong pwesto, nahihibang na ata siya hindi ba nya naiisip na magtataka ang mga kaworkmates ko kapag nakita kaming magkasama.
"Hindi ba obvious? lilipat malamang"naiinis kong sagot, lalo akong nainis nung mapansin ko na tumayo din si dean sa kinauupuan nya, don't tell me na susunod padin siya, lalayo nanga ako siya naman itong buntot nang buntot sa akin.
"Umiiwas ka ba?"seryosong tanong nya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay, ang kapal naman ng mukha niyang tanungin ako matapos ang ginawa niya sa akin, malamang dahil ayoko na siyang makita pa nasisira ang araw ko.
BINABASA MO ANG
Her Dean's Love (GxG)
Romance[SPG R18] Seralicia Sanchez is a 19 yearold girl who resides at Lorenza's ranch. Her family is not wealthy, but she really wants to attend college, and one day she met Rehailey Lorenza at Madam Teresa's mansion, and her parents received an offer to...