Chapter 12: Vacation

28 3 0
                                    

Alicia Point of View

Slay ang HAUI dahil may pa-2 weeks vacation sila sa students nila, kaya plano ko sana ngayon magpaalam kay dean para umuwing Laguna, matagal-tagal nadin kasi since last nung umuwi ako, nag-text ako kay sakanya na magkita kami ngayon sa isang coffee shop, after nung sa garden ay medyo naging okay na ulit kami, minsan masungit siya minsan nama'y mabait, nagfile nadin ako ng leave sa pinagpapartime-man ko buti't mabait yung pinaka boss namin kaya pinayagan naman ako.

"Hindi pa naman ako late right?"napatingin ako sa dumating, and hindi nga ako nagkamali.

"Nope, sobrang late lang"biro ko kaya tinaasan niya ako ng kilay, napatingin naman ako sa suot niya dahil naka sexy dress siya samantalang ako ay naka black t-shirt lang kaya feeling ko nagmukha akong chimay ni dean.

"Ano pala sasabihin mo, namiss mo naman ako masyado"kung kanina tinaasan niya ako ng kilay, now ako naman ang tumaas ang kilay, masyado atang nag-aasume si dean ngayon.

"Mag-papaalam lang kasi ako, balak ko umuwi ng Laguna mamaya"napansin kong lumaki ang ngiti sa kanyang mga labi kaya lalong napataas ang kilay ko.

"Why are you telling me huh? don't tell me--"hindi ko na tinapos ang sasabihin niya dahil mukhang nadedelulu na siya, napapatawa nalang ako dahil lately napapansin ko ang pagiging mabirong side niya.

"Syempre, sabihin mo na naman hindi ako nagsasabi, gaya nung umalis ako ng mansion"saka matagal din yung 2 weeks ha, baka mamiss ako masyado ni dean char amaccana Ali ikaw talaga yung delusional eh.

"Sama ako, uuwi din ako kay lola, antagal ko nadin siya hindi nakikita"ewan ko pero napansin kong parang bigla siya nalungkot after niya banggitan ang about sa lola niya.

"Magcocommute ka din?"

"Noo, sasabay ka sakin period"sumenyas pa siya na wag na akong umangal, kaya wala na naman akong nagawa kahit kelan talaga may pagkabossy itong babaeng to, hanggang ngayon hindi ko padin makalimutan yung nangyari samin nung gabing yon kada nakikita ko siya, ewan ko ha pero gabi gabi talagang nagfaflashback sakin ang pangyayaring yun kahit may buwan nadin ang nakakalipas, that's my firstime kaya ang hirap talagang kalimutan lalo na I also have a hidden feelings for her.

"Let's go na kaya, baka abutin pa tayo ng traffic"tumayo na siya kinauupuan niya, hindi ko panga ubos ang kape ko masyado naman siyang excited.

"Sandale kasi, mahal mahal nitong kape no tapos hindi ko uubusin"reklamo ko sakanya pero ang gaga hindi nagpatinag.

"Bilhan nalang kita ng madami niyan, tara na"napasimangot nalang ako ng hinigit niya ako palabas ng coffee shop para pumunta sa sasakyan niya, masama ang loob kong pumasok ng sasakyan niya, nanahimik lang ako dito sa tabi niya dahil sa inis habang siya'y nagsimula na mag-drive.

"Palagi ba nasa inyo si Roger?"taka naman akong tumingin kay dean, dahil bigla siyang nagtanong about kay kuya.

"Oummm, hindi naman umaalis yun si kuya"sagot ko kay dean, totoo naman eh ewan ko lang ha pero masyado kasi iniisip ni kuya ang sasabihin ng ibang tao dahil lang hindi siya nakapagtapos kaya mas pinipili nalang niyang mag stay doon sa hacienda, kung tutuusin pwede pa naman siya pumasok dahil hindi pa naman siya katandaan, siya lang itong may-ayaw.

"I really like your brother before Ali, he's really a funny guy"napakunot lang ang noo ko dahil sa sinabi niya, mukhang may interest siya kay Kuya Roger kaya nainis ako na mukhang nahalata naman niya, kaya nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Are you jealous Ali?"inirapan ko nalang si dean, bakit ako magseselos ano ba kami duh, pinikit ko nalang ang mga mata ko para maidlip sa byahe dahil sanay naman akong natutulog, hindi naman ako kinausap pa ni dean or ate hailey dahil siguro naintindihan naman niyang gusto ko muna maidlip.

"Ali, nandito na tayo, gising na"napamulat ako nang mata ng maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko, bigla naman akong namula ng makita kong sobrang lapit ng mukha ni dean sakin, akala ko hahalikan niya ko tinanggal niya lang pala yung seatbelt ko, ang assuming mo talaga Alicia.

"Ang bilis naman ng byahe, andto na agad tayo"napahikab ako habang hawak ko ang leeg ko feeling ko na-stiff neck ako.

"Tulog mantika ka kasi, kaya hindi mo namalayan, ang haba kaya ng traffic doon sa Sto. Tomas"naiinis niya akong tiningnan sabay bato sa akin ng parang panghilot or something, wow ha alam niya palang ma-iistiff neck ako pero hindi manlang niya ako ginising kanina.

Tanaw ng dalawang mata ko sa di kalayuan ang bahay namin dito sa hacienda pati ang mansion dito ng mga Lorenza, nakakamiss din makalanghap ng sariwang hangin at makakita ng madaming puno dito, pati narin ang mga hayop na inaalagaan ng mga tao dito tulad ng kalabaw at kabayo pati mga manok at kambing.

"Dean, gusto mo ligo tayo doon bukas"napansin kong sumimangot siya ng mapansin niyang tubugan ng kalabaw ang tinutukoy ko.

"Noo way, sabi nila kapag ampon ka dyan kadw kinuha"napatanga nalang ako dahil sa sinabi niya, minsan talaga may pagka-nonchalant itong si dean.

"Welcome back poo Ma'am Hailey"

"Wow!! si Ma'am Hailey ba iyon?"

"Anak ata ni Lorna iyon Merlyn"

"Oo nga no, ang gandang bata talaga niyang anak ni Lorna"

Naririnig ko ang mga salubong samin dito ng mga taga hacienda, walang nagbago at masisigla padin ang mga tao dito, napansin kong parang wala na sa mood si dean dahil hindi niya ako pinapansin na tila ba wala siyang kasama, may pagka-topakin din talaga siya minsan eh, bahala siya hindi na ako sumunod sakanya dahil uuwi muna ako samin, mukhang hindi naman niya ako napansin na lumihis ako ng daan, iba kasi ang direksyon pauwi samin, sa laki nitong hacienda kapag bagong salta ka talaga ay tiyak na maliligaw ka.

"Kuyaaa!!"sigaw ko sa di kalayuan nang matanaw ko si kuya na busy sa pagiigib ng tubig, kita ko na nabigla siya marahil ay hindi niya inaasahang dadating ako.

"Bunsoo"sinalubong ako ni kuya ng yakap na ginantihan ko naman, halata sa mukha niya na masaya siyang makita ako, sana ganyan din ang reaction nila mama and papa.

"Sila mama at papa kuya, nasaan?"tanong ko dahil mukhang wala naman sila sa loob ng bahay namin.

"Nasa mansion Ali, binibisita si Madam Teresa, biglaan nalang kasi itong nagcollapsed nung nakaraan"aniya na ikinabigla ko, siguro yun yung dahilan kaya parang malungkot at wala na sa mood si dean kanina.

"Bakit raw?"

"Tinaningan na siya ng dr Ali, biglaan eh kahit kami dito sa hacienda ay nabigla, anlakas-lakas niya pa nung nakaraan sabi ni mama tapos ngayon biglaan nalang ang panghihina niya"natameme nalang ako sa nalaman ko kaya pala uwing-uwi na kanina si dean, hindi dahil sa excited siya umalis.

"Nga pala si hailey? okay ba kayo?"

"Oo naman kuya, mabait si ate hailey mag pagka-moody lang"natawa naman siya sa sinabi ko na halatang sang-ayon siya, nagpaalam na ako dito para pumasok sa loob ng bahay namin.

Nalulungkot ako ngayon sa nalaman ko, kaya din siguro hindi na nakakadalaw ng siyudad si Madam Teresa dahil sa karamdaman nito, kaya din naisipan nitong ipamana kila mama at papa itong hacienda dahil mahal na mahal niya ito, dahil posibleng kapag nawala siya ay ibenta ito ng mga magulang ni dean, nakakalungkot lang, bukas na bukas ay didiretso ako sa mansion para dalawin si Madam Teresa, parang lola na ang tingin ko kay Madam Teresa, kung hindi dahil sakaniya ay malabong makatapak ako ng siyudad at makapag-aral sa isang mamahaling eskwelahan dito sa Maynila.

Awww luv lots guysss!! kawawa naman si haileyyyy luvlots and enjoy!!<3

Her Dean's Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon