chapter 14: FRIENDSHIP
CLARA'S POINT OF VIEW
kabadong kabado ang puso ko sa narinig ko, hindi ko maisip kung ano angyare dahil ang kahit anong gulo ay maaaring mangyari sa lugar na ito dahil ito ay isang hindi ordinaryong lugar lamang para sa mga katulad namin.kinakabahan ang puso ko habang kami ay naglalakad ng matulin, ramdam ko lang ay nagsisimula na akong manghina dahil sa kaba.
pagdating namin ng harapan ng pinto ay hindi ko alam kung paano ito buksan dahil sa tensyon at kaba na kinakain ako.
binuksan ko ang pinto ng may buong lakas ko at agad akong sinalubong ni Bri at kuya.
napatingin ako kay kuya sa kanan na seryoso ang mukha nito, napatingin naman ako kay Bri na nakayuko ang ulo habang umiiyak at nakahawak ito sa kaniyang mukha.
tumingin ako sa kuya ko ng isang tingin na nagaalala at hindi ko maintindihan, napatingin naman ito kay Bri kaya parang ay naintindihan ko na ang ngyare.
sinenyasan ko muna ito na lumabas na agad naman ay lumabas ito, ako lang ang pumasok sa loob at tinabihan ito si Bri na umiiyak.
napatingin ako sa paligid at walang tao dito, napatingin ako muli kay Bri na patuloy pa din ang pag-iyak ngunit hindi ko maintindihan.
"s-sorry" sa ilang minuto na tinitingnan ko ito habang nakatalikod ay nagsalita ito "what do you mean, Brielle?" pagaalalang tanong ko sa kaniya na agad ay napatingin sa akin.
"n-natatakot a-ako.." ito ang salitang binigkas niya sa akin bago nagsimulang tumulo muli ang luha niya.
hindi ko talaga ito maintindihan, bakit? anong ngyare? bakit silang dalawa lang ni kuya ang nandito?
"Clara, h-hindi sila t-tigil.." titigil? sino?
"ang alin, Brielle? hindi ko maintindihan." muling tumingin ito sa akin na umiiyak at namumugto ang mga mata na tila ay walang tulog ng ilang araw dahil makikita mo ang itim sa ilalim ng mata niya."tinakot nila ako.." umiiyak na banggit niya habang basang basa ang mga mata niya.
sa mga oras na ito ay dahan-dahan ko na naiintindihan ang sitwasyon at hindi ito maganda.
"pinagbabantaan nila ako, kung hindi ko gagawin ang utos nila ay papatayin nila ang mga magulang ko at dadalhin nila ang mga kaluluwa nila sa isang nakakatakot na lugar dito, ayokong maghirap ang mga magulang ko, at mas lalong ayaw ko ang mawala sila.." umiiyak na banggit niya sa akin na kahit anong oras ay mawawalan ito ng hininga dahil sa kakaiyak..
niyakap ko ito agad para ito ay tumahan at hinagod ko ang likod nito.
pagtapos ng ilang minuto na tumahan ito ay muling hinarap ko siya sa akin. "ano ang ginawa mo? sabihin mo lang sa akin, matutulungan ka namin ni Clyde." tumingin ito sa baba na tila ay iiyak na naman na naalala ito.
"n-nilason ko si S-sabrina.." gulat na gulat ako sa narinig ko dahil hindi ko ineexpect, sa aming lima ay si Sabrina at Brielle ang magbestfriends talaga at laging nagkakasundo sa mga bagay bagay..
"bakit? bakit hindi mo sinabi sakin? samin?" tanong ko sa kaniya na muling ikinatulo ng luha nito.
"Clara, t-tinatakot nila ako na once magsabi ako sa kahit sino ay malalaman nila at papatayin nila ang mga magulang ko, ayaw ko naman na madamay sila dito.." dagdag niya pa sabay tulo ng mga luha nito.
"pinapapili nila ako, kung si Sabrina ba o Gavin ang lalasunin ko," pinunasan nito ang mga luha niya at hinding hindi makatingin sa mga mata ko "kapag hindi ako pumili sa isa sa kanila ay papatayin nila sila daddy," nanginginig ang mga kamay niya, may sugat itong hiwa ng kutsyilyo na napakalaki at sinadya hiwain. "sinubukan ko i-alay yung sarili ko sa kanila pero kailangan ko daw mamili sa dalawa.."
![](https://img.wattpad.com/cover/358242186-288-k471378.jpg)
BINABASA MO ANG
CLYDE, THE NEXT PRINCE OF HELL
FantasyA forbidden love between a human and demon. "there are paths that shoudn't meet, and never will." crdts to the owner of the photo, I do not claim this as mine. writing comment is very highly encourage, don't forget to like every chapter, hope you en...