chapter 32: trust
CLARA'S POINT OF VIEW
Dahan-dahan sana akong magtatago dahil ramdam ko na ito na yon, ito na ang lalaking pumapatay rito. Hindi ko na dapat ito pakawalan ng hindi na ito makabiktima pa ng kung sino!Sa pag-dahan dahan ko sa pagtatago ay nagulat akong may nahawakan akong isang kamay, agad akong napatingin doon at dahil makikita pa din ay nagulat akong putol ito na kamay at napakaraming dugo sa paligid ng shelve na ito.
Napigilan ko pa ang sarili ko sa pagkagulat ngunit ng ibinaling ko na ang tingin ko sa lalaking gumawa nito ay nagulat na akong nakatangal na ang maskara nito at makikita mo na ang mukha nito..
Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagkatumba dahil sa nakita ko.
A-ang kuya ko.. Siya ang pumapatay??
CLYDE'S POINT OF VIEW
Naglalakad na nga ako ngayon papunta kay Clara at ngayon ay pumasok ako sa loob at laking gulat ko ng nakaupo ang mga nagbabantay kay Clara ngunit wala siya rito.Mabilis na tumayo ang mga ito at nagbigay galang sa akin.
"Si Clara? bakit wala siya rito?"
"Kakalabas lang po at magccr, Prinsipe Clyde." Nainis agad ako sa narinig ko dahil alam naman nilang kaya ko sila ipinasama ay ayaw ko na may mangyari o maulit na masama sa kanya."ANO?! HINAYAAN NIYO SIYANG MAGISA?! PINAGSABIHAN KO NA KAYO NA HUWAG NIYO SIYANG IIWAN LALO NA AT BAKA MAPAHAMAK SIYA!" inis na sbi ko sa kanila.
"Pasensya na po-" biglang naputol sa pagsasalita si ayah Glor ng biglang sumingit ang kapatid kong si Caina.
"It's her choice na mag-isang aalis kaya huwag mo silang kagalitan." Nakaupo ito sa isang sofa kaya dali dali na yumuko ang mga nandito at nagbigay galang sa kapatid ko.
"I have no time for-" Biglang dumating sa harapan ko si Caina at inilagay ang index finger nito sa akin "Shh, you're being noisy." Tinaasan ko ito ng kilay at nginitian ako nito sabay tingin sa isang direksyon. Pagtingin ko sa direksyon na tinitingnan nito ay nakita ko si Clara na namumutla ang mukha.
Agad ko itong nilapitan at hinawakan "ayos ka lang ba? ano ang ngyari? bakit ka namumutla?" sunod na sunod kong tanong sa kanya ngunit simple lang ang sagot sa akin nito "ayos lang ako, nagcr lang. Ano pala ang ginagawa mo rito?" Tinitigan ko ito ng mabuti para malaman ang laman ng isip nito ngunit wala akong makitang iba o problema sa isipan nito. Ramdam ko ay may mali at may ayaw itong sabihin pero kahit basahin ko ang isip nito ay wala naman.
"Wala lang, nagaalala lang ako sayo.. Buti naman at ayos ka lang, tapos ka na ba?" tanong ko sa kanya "ah oo, nakapili na din ako. Ituturo ko lang." ngumiti ito ng pilit sa harapan ko at iniwanan ako.
"over ka kasi masyado, ayos lang naman siya at nasa kabilang kwarto lang." wika ni Caina sabay labas sa kwarto dito. Sinenyasan ko na ang mga tao na ipinasama ko maski si ayah Glor na umalis na rito at ako na ang magaantay kay Clara.
Pagtapos nito ipakita ang gown na sinukat nito ay agad na kaming umalis roon. Tahimik kaming naglalakad ngayon sa hallway na wala kaming makasalubong na kahit kanino. Nagsimula na din bumuhos ang malakas na ulan at tahimik pa din si Clara gaya ko.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya habang nauuna ito ng kaunti sa paglalakad. Nagsalita ito pero hindi siya lumingon o tumigil sa paglalakad niya "wala naman, pagod lang ako. Gusto ko magpahinga." Dere-deretso siya sa paglalakad kaya ay hinayaan ko na lang at baka pagod lang talaga ito, kahit basahin ko rin ang isipan nito ay wala akong mabasa. Wala naman talaga atang problema at sadyang pagod lang siya.
CLARA'S POINT OF VIEW
Humiling ako kay Clyde na kung maari ay magisa muna ako sa kwarto. Gusto ko ng katahimikan.Simula kanina ay hindi ko maalis sa isipan ko ang mga nalaman at nakita ko, bakit? bakit kailangan maramdaman ko 'to lahat? ano ba ang mali talaga sa akin? totoo ba 'yon?
BINABASA MO ANG
CLYDE, THE NEXT PRINCE OF HELL
خيال (فانتازيا)A forbidden love between a human and demon. "there are paths that shoudn't meet, and never will." crdts to the owner of the photo, I do not claim this as mine. writing comment is very highly encourage, don't forget to like every chapter, hope you en...