CHAPTER 27

2 0 0
                                    

chapter 27: MISSION NO.1 'GARDEN'

CLYDE'S POINT OF VIEW

Clara and I are busy for today, may naisip kasi kami parehas na idea para mas mapalapit kami sa kuya nito at sa mga friends niya so baka if mas makikilala nila ako ay baka makatulong ito to approve our relationship..

"Prinsipe Clyde, alam niyo naman ho na hindi p-puwede sainyo ng prinsesa ang ganitong bagay lalo na ay may ngyayari pa na problema ngayon.." nagaalang sabi ng matandang si ayah Glor 

"ayah Glor, don't worry, kilala mo naman ako at hindi ko naman wawalain sa paningin ko si Clara. I just need the schedules." ngiti ko sa matanda dahil alam ko na ayaw talaga nito at ayaw niya rin talaga sa relasyon namin ni Clara since aware ito na tao siya.

"Hindi lang iyon, dalawampu't dalawang (22) araw na lang at parehas na ho kayong kokoronahan, huwag niyo naman ho hayaan na mapahamak ka dahil lang sa ganito." Nakatingin ito na may halong seryoso at pagaalala, alam kasi nito ang mga pinaghirapan ko at ayaw lang nito na mawala lang ang lahat ng iyon.

"ayaw ko ho ang sumasalungat sa mga ideya mo pero dito sa ginagawa ho ninyo ay mas lalo ka ho mapapahamak lalo na sa pagmamahal na ipinilit mo kahit alam mo'ng hindi maari. Prinsipe Clyde, masyado ka na ho nagiging padalos dalos.." alam ko pero wala e, when it comes to her bigla na lang kaya ko mag-decision sa mga bagay bagay ng hindi nagiisip ng tama.

"ayah Glor, mahal ko si Clara. Alam ko na masyado akong padalos dalos pero huwag kayo mag-aalala, walang makakapag-alis sa akin sa puwesto na iyon at kahit malaman nilang tao si Clara." serysosong sagot ko sa kanya kaya ay napabuntong hininga na lang ito.

"Clyde, tapos na ako, tara na ba?" biglang lumabas si Clara sa pinto at naglalakad palapit sa amin ni ayah Glor "kanina ka pa ba diyan?" tanong ko sa kaniya na nagaalala. Madami akong plano lalo na sa pagalis ng mga kaibigan niya at sa mga bagay na alam ko pero natatakot ako na sabihin sa kaniya..

"hindi, kakalabas ko lang" ngiti niya sa akin at napatingin kay ayah Glor "goodmorning ho, isasama ko lang ho si Clyde sa pag-lilinis ngayon" ngiti niya rito kaya ay tumango lang ang matanda at inabot sa akin ang isang isang hugis papel na bato na kung saan ay malalaman ko kung saan ngayon nagttrabaho ang mga kaibigan nito kaya agad ay nagpaalam kami at pinuntuhan ang unang kaibigan nito na si Claire at Gavin na ngayon ay nasa pinaka malaking garden dito sa hell.

Pagdating namin doon ay agad na sumenyas si ayah Glor sa mga nandodoon na i-aassist kami ngunit agad naman na tumanggi lang si Clara at ng hingi ng gunting para sa aming dalawa upang tumabi kami ngayon kayla Claire at Gavin na nag-gugupit ng mga bulaklak.

"Lara?" tanong ng lalaking kaibigan niya at agad na nginitian siya ni Clara "hi!" bati ni Clara sa kaniya kaya sa gulat ng kaibigan niyang babae ay nginitian nito si Clara pero hindi ito lumapit o niyakap siya dahil higpit na ipinagbabawal ito ni ayah Glor upang walang makahalata na magkakilala ang mga ito.

"ano ginagawa mo dito?" tanong nito na gulat na gulat sa amin ni Clara na naka-hardinero na suot "oo nga?" tanong ng isa niya pa'ng lalaking kaibigan "bawal ba? at siya ka tutulong lang naman kami, diba Clyde?" tumingin sa akin ang napaka-ganda niyang mga mata at ngumiti sa akin. Hindi talaga siya nakakasawa na titigan..

"Clyde?" tawag sa akin ni Clara na ngayon ay nagtataka bakit hindi ako nagsasalita..

"ay, oo, tutulong kami.." binaling ko sa kanila ang tingin ko at ngumiti "so, turuan niyo kami paano ba ang ginagawa niyo?" tanong ni Clara sa kanila kaya ay agad na nakinig naman kami at madali lang naman pala.

Mag-iisang oras na kami ni Clara at kung saan siya ppuwesto ay doon din ako dahil gaya nga ng sabi ko kanina na ayaw ko na mawala ito sa paningin ko, delikado pa rin ang palgid kahit na si ayah Glor ay nagpadala ng security na nakapaligid sa amin upang bantayan kami. Alalang alala talaga ang matanda kaya ay higpit rin na ipinagbawal na muna nito ang pagpasok sa hardin dahil andidito nga daw kami.

CLYDE, THE NEXT PRINCE OF HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon