CHAPTER 20

2 1 0
                                    

chapter 20: is it love?

CLARA'S POINT OF VIEW

Kanina ay tumayo ako para kausapin sana si Clyde ngunit ng lalabas na sana ako ay may narinig ako na may kausap ito at si Caina, alam na niyang tao ako..

at ngayon guess what? andito ako nakikipag argue kay Clyde na hayaan na ay umalis na lang ako kasi if ever na malaman pa non ang tungkol sa mga kaibigan ko, ayoko na maudlot lahat ng plano.

"can we stop all this nonsense? ayaw ko na malaman pa niya na may mga ibang tao ka pa na itinatago rito, gusto ko rin makaalis ng buhay ang mga kaibigan ko at kuya ko, wala din namang sense ang buhay ko rito e! mas pipiliin ko na lang na mawala at mamatay sa kagabutan na yan kaysa ay habang buhay ako na nagdadasal na sana ay walang makalaman na isa akong tao!" sinigawan ko ito at inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Aalis na sana ako ng hinawakan ako nito sa bewang at inilapit ako muli sa kaniya. "magkakaroon ba ng sense lahat kapag sinabi ko na mahal na kita?"

Pagtapos niyang sabihin ay parang huminto lahat lalong lalo na ang mundo ko..

Tama ba ang narinig ko? mahal niya na ako?

"I don't know how and when it started pero isa lang ang may sense sa akin ngayon na mahal kita kaya pwede ba na makinig ka sa akin at hayaan mo ako na gawan ng paraan ito lahat?"  namutla ako at natigil, hindi ko alam kung paano gumalaw at magsalita bigla..

Sa ilang minuto na tahimik kami at magkalapit ang mukha ng isa't isa habang hawak hawak niya ang bewang ko ay bigla niya akong tinanong "can I kiss you?" 

Hindi ako umiling o tumango, ipinikit ko lang ang mga mata ko at ngayon ay ramdam ko na mas lumalapit at nararamdaman ko ang mainit na paghinga ni Clyde hangang sa may nag sync in sa akin bigla, si Vince na nagdahilan sa akin na dumilat at nakita ko na hahalikan na sana ako nito ngunit iniwas ko ang sarili ko...

Kita ko sa mga mata nito na binabasa niya ng mabuti ang isip ko, tahimik kaming dalawa habang may distansya sa isa't isa.

Hindi ko nagawa na makipag-argue sa kaniya o kahit ano pa dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil sa pagiwas ko sa kaniya sa paghalik niya sa akin.

"sorry, mauuna muna ako, may aayusin lang ako." umalis ito pagtapos niyang manghingi ng tawad sa hindi ko alam na dahilan kung bakit?

Sa biglaang muntik niyang paghalik sa akin ay nakalimutan ko na ngayon na aalis na sana ako dahil lang sa isang bagay na iyon.

Sige, aantayin ko muna siya na sabihin sa akin ang magiging resulta at pagtapos ay gagawa na ako ng desisyon, sa ngayon ay literal na iiwasan ko na siya.

1 WEEK LATER
CLARA'S POINT OF VIEW
After a week ng ngyari na iyon ay parehas kaming umiiwas, how I wish ay nababasa ko ang laman ng isip niya..

Pagkatapos niya kasing sabihin sa akin yung naging epekto ng paguusap nila ng kapatid niya na naging maayos at pumayag itong itago ang sekreto ay hindi ako ganoon na kinakausap nito kung hindi importante at ganoon din ang naibalik ko sa kaniya.

Sa loob din ng 1 week na pagiwas niya sa akin ay mas naging close sila ni Ava, hindi lang dahil sa paglutas ng problema sa patuloy na pagpatay ng demonyo rito kundi para sa upcoming na karaawan ng ama nito na pinaghahandaan nila.

"Prinsesa Clara, pinapasabi ng Prinsipe Clyde na mapapagabi ito ng uwi dahil parehas silang may inaayos at pinaguusapan ng senyora Ava" wika ni ayah Glor bago umalis at nagpaalam dahil magaalasais (6) na rin at kailangan na niyang magmadali para bumalik sa silid nito kaya ay magisa na naman ako hangang aantayin na gabing umuwi si Clyde, pagtapos din kasi ng ngyari na naging maayos sila Bri ay naging kanang kamay na ito ni ayah Glor para sa paghandle sa amin ni Clyde kaya ngayon ay andoon ito ngayon at kasama si ayah Glor.

May narinig akong katok habang nakaupo lang ako kaya ay dali dali ko itong pinuntahan at pinagbuksan hangang sa pagbukas ko ay inakala ko ay si Clyde, si Cyrus pala at may kasama itong tatlong ayah sa likod na may dala dalang tray ng pagkain.

Kanina pa naghanda para sa amin si ayah Glor ngunit hindi ko gusto ang kumain ng magisa kaya ay inaantay ko na umuwi si Clyde ngunit kada uuwi ito ay dederetso na sa kwarto niya at magpapahinga..

"Wala ang kapatid mo-" isasarado ko na sana ang pinto ng bigla nitong hinarang ang kamay niya at nginitian ako.

"rude" tinaasan ko ito ng kilay at nginitian ako nito, Clyde na Clyde ang pagmumukha, magkasing ugali rin.

Pumasok ito bigla at pinapasok ang mga ayah na naging dahil na ikinakusot ng noo ko "excuse me? may permission ka ba para pumasok?" tuloy tuloy ito sa kitchen at humarap ito bigla sa akin.

"I know you haven't eaten yet, I saw Clyde with Ava at a dinner tonight." Nagulat ako na may abilidad rin itong mabilis na pagtakbo na agad ay dumating sa harapan ko "hindi marunong makinig si Clyde sa mga rules hindi ba? even he knows hangang six (6) lang ang lahat ngunit nakukuha niyang abutin ng ilang oras kasama si Ava" Nakangiti siyang ewan habang ako ay nakaramdam ng sakit sa part ng puso ko, what the hell?

I-isa lang talaga ang ugali ng mga lalaki-- never mind, iniwas ko ang sarili ko sa kaniya, hindi ko naman siya gusto o kahit ano kaya ay bakit ako aakto ng ganito na nasasaktan ako hindi ba?

Wala akong nagawa kundi sumunod dito sa dinning room at nagsimula ng kumain kahit ay wala akong gana..

Ang dami kong iniisip, mga what ifs na never ko na feel dahil hindi ko naman inakala rin dati na lolokohin ako ng ex ko kaya first time ko ang mag-overthink into things, bakit ganito, Clara?

"Akala ko talaga ay totoo na ang meron kayo ni Clyde" Nakatingin ito sa akin habang ganoon din ako sa kaniya.

"First love never dies." Pagtapos niyang sabihin ay naalala ko ang kwento niya sa akin noon ay naalala ko bigla ang sinabi ni Clyde na walang namamagitan sa kanila pero bakit? bakit feel ko na meron talaga? ramdam ko rin na hindi lang dahil sa gulo na inaayos nila kundi inaayos na rin siguro nila ni Clyde at Ava ang mga bagay na napagiwanan nila sa nakaraan nila.

"Paniwalang paniwala ako sa mga bagay na naririnig ko pero in the end tama pa rin pala ako, he still loves Ava and he do really loves Ava." 

Mas lalo akong nalungkot na parang may part sa puso ko na dahan dahan ang nawawarak at mas nawawarak pa.

END OF CHAPTER 20!
THANKYOU FOR READING :)

CLYDE, THE NEXT PRINCE OF HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon