chapter 16: the dream...
CLARA'S POINT OF VIEW
Isang week na ang nakalipas simula nung nalaman naming lahat ang tungkol sa pumapatay na habang tumatagal ay mas marami itong nabibiktima, sabi din nila na nakamaskara ito na pula, ang maskara na suot suot ng mga demonyo tuwing araw nila.Lahat pa din kami ay nag-iingat at hindi basta basta lumalabas na magisa dahil napakadelakado lalo na kung lubog na ang araw.
Andito ako ngayon at nakahiga dahil ramdam ko ay kahit anong oras ay makakaramdam ako ng trangkaso, nakahiga lang habang si Brielle ay hindi mapigilan sa pagtulong sa paglilinis sa labas dahil ayaw na ayaw daw ang nakahiga lang at nagbubuhay prinsesa lang, nakakahiya naman sa akin, noh? Isipin ko na lang at rest day ko ito na pang habang buhay.
Kung tatanungin niyo kung asaan si Clyde, hindi ko rin alam dahil wala siyang ibang ginawa kundi kasama ang Ava na iyon para gawin at ayusin ang ngyayari sa hell na ito, marapat lang daw kasi na magpahinga ako kwento nito ni Clyde, ang sabihin niya ayaw niya lang ako makagulo sa date nila!
EDI HUWAG HINDI BA? BAHALA SIYA, ANO BA ANG PAKEALAM KO DIN SA MOKONG NA IYON!
"sakit na ng ulo ko." wika ko sa sarili ko dahil wala akong kasama sa kwarto na ito at ramdam ko na magkakatrangkaso na ako, masakit ang buong katawan ko, nilalamig na din ako sa paligid, sinisipon at inuubo, ugh, ngayon pa talaga!
Nakuha kong itayo para lumabas at para tawagin si ayah Glor na kailangan ko ng gamot dahil ramdam ko ay anytime ay kapag mamaya pa ako tumayo ay hindi ko na kayanin.
"Anong kailangan mo Prinsesa Clara?" tanong na salubong sa akin ni ayah Glor na ngayon ay naguutos para ayusin ang mga bagay bagay sa lugar ni Clyde, inutusan ko nga din pala si Clyde na palitan ang mga itim na bagay dito at palitan ng light colors na agad naman ay pumayag siya at inutos kay ayah Glor.
"Meron po ba kayong gamot dito para sa sakit?" Agad na lumapit sa akin ang matanda at hinaplos ang noo ko "Naku, ang taas ng fiebre mo Prinsesa!" fiebre? lagnat yon? fever? ahh "Naku, bumalik ka na sa kwarto, tatawag muna ako ng doctora para gamutin ka." Tumango lang ako at dahan dahan na bumalik sa kwarto upang magpahinga.
Sa ilang minuto na pagpapahinga ko ay nakaramdam ako ng haplos sa ulo ko, idinilat ko ang mga mata ko at may isang babae na nasa harapan ko, na sinundan ni Clyde at nasa likod naman si ayah Glor.
"Normal lang na fiebre ang mayroon siya, pagpahingahin lang siya ng ilang araw, araw araw ko rin siya dadalawin para sa medicamento (gamot)" wika ng babae na nasa harapan ni Clyde habang si Clyde ay tumango lang sa sinabi nito.
Biglang bumaling ang babae sa akin at ginamit ang index finger niya at inikot niya ito ng dalawang beses at tinutok sa akin na naging dahilan na makaramdam ako ng antok at nakatulog.
CLYDE'S POINT OF VIEW
FEW HOURS LATER
Wala akong ibang ginagawa kundi binabantayan ang babaeng ito habang nakapikit ang mga magagandang mata niya dahil sa epekto ng medicamento sa kaniya na aantukin ito at magigising na magaling at ayos na.Kanina ko pa hinahaplos ang noo nito at patuloy pa rin ito sa pagtaas ang kaniyang fiebre, hay, pagtapos niya akong taray-tarayan at hindi kausapin ng maayos ay kahit papaano ay tinutulungan at binabantayan ko pa rin ito sa pag galing niya, tsk.
Naka-upo lang ako at inaantay siyang magising hangang sa magsalita ito bigla "h-huwag, parang a-awa mo na.." Napatingin ako ng masinsin sa kaniya ng mabasa ko ang napapaniginipan nito ngunit wala akong makita at patuloy pa rin ang pagiyak nito at pagmamakaawa.
"g-gawin ko ang l-lahat, please.." Hindi ko napigilan na tumayo ang sarili ko sa pagkakaupo at agad kong ni yugyog ang katawan nito na ngayon ay hindi magising at patuloy sa pagiyak at sa pagsasalita.
"Clara!" Ilang beses ko inulit ulit ang pangalan niya at sinisigaw ito magising lang siya sa bangungot.
Pagtapos ko na inulit ulit ay agad na nagbukas ang pinto at andito si ayah Glor pati na rin ang kaibigan nito na nagaalala kung ano ang ngyayari..
Npatingin ako muli kay Clara na biglang dinilat ang mga mata na tila ay hindi makahinga sa bangungot na meron siya dahil hangang ngayon ay hinahabol ang paghinga at patuloy na pagdausdos ng mga luha nito.
Hindi ko alam kung bakit ngunit takot na takot ako na naging dahilan upang yakapin siya..
Kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng takot na dahil sa isang bangungot na hindi ko alam kung ano ang meron doon sa panaginip niya na tinatakot siya.
"you are safe, calm down." Pagyakap ko sa kaniya sabay himas sa likod nito na patuloy pa rin ang pag-iyak.
"C-clyde, h-huwag mo na akong iwan please." Nagiba ang naramdaman ko ng marinig ko ang mga salitang ito na binigkas niya, tumigil ang mundo ko ng marinig ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil para akong nagaapoy sa mga oras na ito.
Mas humigpit ang pagyakap nito sa akin, ramdam ko ang takot niya kahit hindi ko alam at makita ang nanakot sa panaginip niya.
Sa ilang minuto na ganito kami ay biglang lumapit si ayah Glor para bigyan ng maligamgam na tubig si Clara na agad ay tinangap niya at ininom.
Nakatingin ako sa kaniya habang umiinom at ang leeg nito ay nagkaroon ng bakat ng isang kamay, namumula dahil sa pagkahigpit ng pagkasakal na nagiging dahilan kanina na parang ay hindi siya makahinga.
Pagtapos niyang ubusin ang isang basong tubig ay agad na kinuha ni ayah Glor at agad ko tinanong ito kung ano ang ngyari sa panaginip niya.
Namumutla ang labi niya at biglang pumatak ang isang luha na agad ay lumapit ako sa kaniya at pinunasan ang pisngi niya.
"Akala ko nung una, nagising na ako at okay na, hinahanap kita hangang sa biglang magdilim lahat," Nakatingin siya ng deretsyuhan sa mga mata ko at alam mo na ito talaga ay natatakot. "pagtapos nung dilim, sa kalayuan may nakita akong isang katawan, lalaki ito pero hindi ko mawari yung mukha niya o kung anong meron siya dahil kinain ito ng dilim, nakakatakot din yung boses niya.."
"sigurado ka ba na wala kang ibang nakita kundi dilim lang?"
"yung palad niya malinaw sa akin, bigla niyang inilapad at habang dahan dahan niyang isinisirado ay mas nahihirapan akong huminga, bigla itong nagsalita at narinig ko ang boses ng isang lalaki na nakakatakot, pinagbabantaan niya ako na makukuha niya rin ako sa lalong madaling panahon.." Napatingin ako sa kamay ni Clara na ngayon ay nangingig sa takot sa ngyari.
malulutas ko kaya ito at maililigtas si Clara sa kapahamakan na pilit na sumusunod sa kaniya?
END OF CHAPTER 16!
THANKYOU FOR READING :)
BINABASA MO ANG
CLYDE, THE NEXT PRINCE OF HELL
FantasyA forbidden love between a human and demon. "there are paths that shoudn't meet, and never will." crdts to the owner of the photo, I do not claim this as mine. writing comment is very highly encourage, don't forget to like every chapter, hope you en...