MICHELLE's POV
6:30AM. Yes. Ang aga kong nagising. Hindi rahil masipag ako. Kundi rahil kailangan kong magpa-impress. Kailangan kong maging "masigasig" sa bago kong trabaho.
You heard it right. May bago na akong trabaho. Meaning hindi na ako nagtatrabaho sa kumpanya na pagmamay-ari ng pamilya ni Rannicia. Nag-resign ako. Pero hindi rahil ayoko na sa trabaho ko roon. Kundi rahil walang mangyayari sa plano kong paghihiganti kung tetengga ako sa kumpanyang 'yon.
Two months akong nagtrabaho roon pero hindi ko man lang nakita ni anino ng hinayupak kong tita na si Melba at ng bait-baitan kong pinsan na si Rannicia. Pero hindi naman nasayang ang pagtatrabaho ko roon dahil marami akong natuklasan tungkol sa pamilya ng kapatid ng aking ina na siyang magagamit ko sa aking masarap na paghihiganti.
Nag-resign ako sa kumpanya nina Tita Melba rahil wala akong makitang paraan para maumpisahan ang paghihiganti ko sa kanya sa kumpanyang iyon. Naisip ko na ngang akitin ang asawa niya, pero kung ganoon ang gagawin ko ay mabilis ding mawawalan ng saysay ang paghihiganti ko. Hindi rahil mawawalan agad ng gana sa akin si Tito Jerome, kundi rahil kapag nalaman niyang ako ang anak ng kapatid ng kanyang asawa, malamang tanggalin niya ako sa kumpanyang pagmamay-ari ng kanyang misis.
Kaya umisip ako ng paraan kung saan ang paghihiganti ko ay magiging pangmatagalan. Sa ginawa kong pagri-research, natuklasan kong may hidwaan pala si Tita Melba at ang pinsan kong si Rannicia. Matagal nang wala masyadong komunikasyon ang dalawa rahil sa asawa ng pinsan kong si Rannicia.
Si Ian.
Hindi gusto ni Tita Melba si Ian para kay Rannicia rahil hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral. High School dropout ito. Puro kalokohan noong High School hanggang makilala nito si Rannicia sa pinagtatrabahuan nitong talyer. Nagpapaayos noon ng sasakyan si Rannicia nang makilala si Ian na isa sa mga tao ng talyer. Nagkapalagayan sila ng loob and the rest is history.
Nakipagtanan si Rannicia kay Ian. Hindi sumipot noong kasal nina Rannicia at Ian ang mga magulang ni Rannicia. Kinasal sila sa huwes. Mula noon ay bihira na lamang ang pagkikita ng mag-ina.
Nagsikap si Ian hanggang magkaroon ito ng maliit na talyer. Malaki ang kinikita. Sapat na para mabuhay nito ang mag-ina. Si Rannicia naman ay nagtatrabaho sa isang boutique shop. Sa Adriana's Haven. Malaki rin naman ang sinasahod nito. Sapat na para matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya.
Ngayon nga ay nandito na ako sa bahay ng aking pinsan. Maliit na bahay, pero sapat na para sa kanilang tatlo. Anong trabaho ko? Simple lang. Babysitter ng anak nilang si Levi at maging tagapangalaga ng bahay nila habang nasa kani-kanilang trabaho sila. Tsinugi na ni Rannicia agad-agad ang dating tagapangalaga nila. Syempre nadala siya sa mga fake tears ko nang sabihin kong kailangang-kailangan ko ng trabaho.
Naikwento nga niya sa akin ang mga bagay na matagal ko ng alam. Tulad ng matagal na silang hindi nagkakausap ni Tita Melba. Pati ang pagpapadala nito ng pera sa kanya pero hindi niya ginagalaw. Ma-pride ang pinsan ko rahil hindi pa rin nito nakakalimutan ang pang-aalipusta ni Tita Melba sa asawa nitong si Ian. Bruha kasi talaga si Tita Melba. Dati pa. Mapangmata. Remember noong pinagtulakan niya kami ng lola ko noon? Hinayupak talaga.
Naikwento rin ni Rannicia na masama pa rin ang loob ni Ian kay Tita Melba. Kaya nagsisikap ito sa buhay para maipamukha kay Tita Melba na hindi dapat ito minaliit at hinamak dati.
At ang galit na iyon ang gagamitin ko para sa aking paghihiganti.
Sisiguraduhin kong pagsisisihan ni Tita Melba at ng pamilya niya na pinanganak sila sa mundo. Gagamitin ko ang sama ng loob ni Ian, ang pride ni Rannicia, ang pagiging sunud-sunuran ni Tito Jerome, at ang aking ganda at katawan para sa aking napipintong tagumpay.
Nang makita ko kahapon si Ian sa unang pagkakataon ay talaga namang namasa ang lahat ng dapat mamasa. Ang hot ng asawa ng pinsan ko. Sexy. Mula sa lalaking-lalaking mukha, sa tangkad nitong 6'1", sa tikas nitong tumayo, sa moreno nitong balat, sa ganda ng hubog ng mga muscles sa katawan, syet! Talagang hindi ako nagkamali ng desisyon. Ang akitin ang asawa ng pinsan ko.
Nang dahil kay Ian ay dalawa na ang hangarin ko sa buhay. Makapaghiganti kay Tita Melba at sa pamilya nito, at ang maangkin ang asawa ng aking pinsan. Ang matikman ang kanyang labi at katawan. Ang maranasan ang sarap ng pakikipagtalik kasama ito. Ang madama sa aking kaloob-looban ang likidong para lamang dapat sa kanyang asawa. Nasasabik na akong dumating ang araw na iyon. Basang-basa na ako.
Syet!
Kailangan ko na talagang bumangon. Pero rapat umpisahan ko na agad ang pang-aakit kay Ian. Okay na itong panloob sa baba na suot ko. Bakat na bakat ang basa sa tapat ng pagkababae ko. Hubog na hubog din ang pang-upo ko rito. Ngayon naman ay magsusuot ako ng maiksing shorts. Hayan! Hindi na rin ako magsusuot ng brassiere para bumakat ang tayung-tayo kong mga pasas sa dibdib. Ayan! Perfect!
Humarap ako sa salamin. Hindi naman ako na-disappoint sa aking nakita. Ang ganda ko. Ay, mali. Ang hot at ang sexy ko. Walang-walang panlaban si Rannicia. Nakapagtataka kung bakit nagkagusto ang isang hot hunk na si Ian sa kanya. Minsan talaga ay may mga bagay na hindi maipaliwanag ng syensya.
Nag-sideview ako sa harap ng salamin at pinalo ang isang pisngi sa aking pang-upo. Nag-jiggle ito. Siguradong hindi ito pwedeng hindi mapansin ni Ian.
Lumabas na ako ng maliit na kwartong ibinigay sa akin ni Rannicia. Tambakan ng mga gamit, pero pinagtulungan naming linisin kahapon. Hindi pa tapos. May kaunti pang dapat ayusin.
Inumpisahan ko na ang pagluluto ng almusal. Fried rice at bacon ang aking niluto. Kailangan ko itong sarapan para matuwa si Ian. Para maisip niyang masarap din ako.
Nang matapos akong magluto ay inayos ko na ang hapag-kainan. Maya-maya pa ay lumabas na ng master's bedroom si Rannicia. Susunod na raw ang asawa nito.
Ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto ng master's bedroom. Binati agad ni Rannicia ang batang karga ni Ian. Kung si Rannicia ay si Levi agad ang napansin, ako naman ay ang bukol sa suot na boxer shorts ni Ian. Ang tinatawag nilang "morning wood". Napakagat ako sa aking labi. Wow! Parang si Ian at ang matigas na bagay sa gitna ng hita nito ang masarap kainin ngayong almusal.
Tumingin ako sa kanyang mukha. Grabe! Ang gwapo niya kahit bagong gising at walang suklay-suklay. Lalaking-lalaki pa rin. Ang mga muscles sa braso ay pumuputok dahil karga nito ang anak. Fit sando ang suot nito kaya bakat na bakat ang hulma ng mga muscles nito sa katawan. Masayang humalik sa labi ni Rannicia si Ian. Humalik din si Rannicia sa labi ni Levi at bumati ng "good morning" sa anak. Nakakainggit silang panoorin. Ang saya-saya nila. Bigla akong nakaramdam ng galit at selos. Sisiguraduhin kong mabubura ang mga ngiti sa labi nila.
Pinaupo ni Ian sa kanyang kaliwang tabi si Levi. Sa kanan niya nakaupo si Rannicia. Tumabi ako kay Levi. Kailangan ko nang simulan ang pagiging babysitter ko.
Ian: Good morning, Michelle. Hindi ka ba nahirapan sa pagtulog sa kabilang kwarto?
Shocks! Boses pa lang ni Ian ay lalabasan na ako.
Michelle: Ahm… Hindi naman. Kaso mukhang mahihirapan akong malinis ang buong kwarto ng ako lang. Kailangan ko ng makakatulong.
Rannicia: Don't worry, Michelle. Tutulungan ka ni Ian. Hindi ko na muna siya papapasukin sa trabaho ngayon para may makatulong ka. Okay lang ba, hon?
Nakita kong ngumiti si Ian kay Rannicia.
Ian: Of course, hon. Anything for you.
Tumingin sa akin si Ian at ngumiti.
Ian: Welcome to the family, Michelle.
Hmp! Ang pamilya ay binubuo ng mag-asawa at anak. Hindi pwedeng kaming apat ay maging pamilya. Ang isa ay dapat na mawala.
Alam niyo na siguro kung sino 'yon.
Matamis akong ngumiti kay Ian.
Michelle: Thanks, Ian.
Nakita ko ang pagsubo ni Ian sa kutsara. Grabe! Ang sarap niyang titigan habang kumakain. Nararamdaman kong magaling siyang sumubo ng pasas at perlas ng babae. Gusto kong maramdaman ang bibig niya sa aking katawan. Paniguradong puro sarap ang ibibigay ng mga labi at dila ni Ian sa aking katawan. Darating ang araw at ang katawan ko na ang putaheng papapakin ni Ian.
----------
to be continued...
BINABASA MO ANG
Homewrecker
General FictionSi MICHELLE SAGROSO, ang babaeng maghihiganti sa sariling mga kamag-anak. Sa kanyang paghihiganti, makamtan kaya ang sayang hinahanap o magdudulot ito sa kanya ng matinding hinagpis at pagdurusa? Makakamit kaya niya ang pagmamahal na inaasam? ...