CHAPTER 4

1.2K 10 2
                                    

IAN's POV

Mali. Mali itong iniisip ko.

Kung totoo man ang hinala kong inaakit ako ni Michelle, hindi sapat na dahilan iyon para pumatol ako sa pinsan ng asawa ko. Ako ang may pamilya. Ako ang dapat na mag-isip ng tama at lumayo sa kahit anong temptasyon.

Mabilis kong binitiwan ang doorknob ng kwarto ni Michelle na parang napaso. Bumalik ako sa loob ng kwarto namin ng aking asawa. Nakita kong natutulog na ng mahimbing ang aking misis.

Argh! Gusto ko pa naman sanang magparaos pagkatapos ng buong araw na pagpapasabik sa akin ni Michelle.

P*cha!

Napatingin ako sa aking boxer shorts. Parang gusto na nitong masira rahil sa pakikipaglabang ginagawa nito sa malaki kong alaga. Gustong kumawala ng aking alaga pero pinipigilan ng saplot na aking suot.

Nag-iinit ang aking pakiramdam.

Muli akong tumingin sa aking asawa. Parang gusto kong mainis dahil hindi ko alam kung paano magpapalabas ng mainit na likidong kanina pa gustong sumabog.

Naglakad-lakad ako sa loob ng aming kwarto para medyo humupa ang init ng aking katawan. Sinubukan kong magbilang ng tupa sa aking utak. Medyo lumambot na ang aking alaga. Nang humiga ako sa tabi ng aking asawa ay medyo hindi na masyadong mainit ang ulo ko.

Hindi na ako nanginginig sa libog dahil kay Michelle.

Animal na Michelle 'yan!

Nang maalala ko na naman si Michelle at ang mga simpleng pang-aakit nito kanina ay parang naninigas ulit ang alaga ko. Dagdagan pa ng hubad nitong katawan na nakita ko kani-kanina lang. Talaga namang nakakaakit siya. Napasabunot ako sa aking sarili at umusal ng mura.

Kinapa ko ang bukol sa aking boxer shorts. Tumingin ako sandali sa aking asawa. Mahimbing na siyang natutulog. Kaya naman sumimple ako ng himas sa aking bukol.

Sarap…

Tuluy-tuloy ang ginagawa kong paghimas sa malaking bukol sa loob ng aking boxer shorts. Nagiging malikot na ang aking hita. Buka-sara ang mga hita ko na parang nakikipagtalik. Hindi ko ipinapasok ang aking kamay sa loob ng aking boxer shorts. Hinihimas ko lang ang umbok mula sa labas habang patuloy na bumubuka-sara ang aking mga hita.

Pero ayaw talaga akong labasan. Tumitigas lang ng matindi ang aking alaga. Pero ayaw talagang lumabas ng katas ko. Napasabunot ako sa aking sarili at bumulong ng isang malutong na mura. Nakakabaliw ang ganitong pakiramdam.

Pinikit ko ang aking mga mata at inilagay ang aking dalawang kamay sa ilalim ng aking ulo. Itinigil ko na ang pagkukuyakoy ng dalawa kong hita. Parang gusto kong pagpawisan dahil sa init na lumulukob sa buo kong sistema.

Pinilit kong mag-isip ng kahit ano. Mga paborito kong pagkain. Paborito kong palabas. Paborito kong music. Si baby Levi. Lahat ng pwedeng isipin para humupa ang init sa aking katawan.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Inaantok na ako. Sa wakas ay makakatulog na ako.

----------

Kinabukasan ay naririnig ko ang kwentuhan ng aking asawa at ni Michelle sa labas ng kwarto. Nag-inat ako ng katawan. Naalala ko na naman ang mga pangyayari kahapon. Naalala ko rin ang magandang hubog ng katawan ni Michelle na parang nang-aanyaya.

Lintik! Nandito ako sa kama naming mag-asawa pero ibang babae ang umuokupa sa aking utak.

Lumabas ako ng kwarto at nakita kong nagtatawanan ang magpinsan sa hapag-kainan. Lumapit ako at nakisabay kumain.

Parang gustong lumuwa ng mata ko nang makita ang suot ni Michelle. Isang masikip na tank top na hulmadong-hulmado sa dibdib nito. Nagsasalpukan ang pisngi ng dalawang pakwan niya at lumilikha ng malalim na cleavage.

HomewreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon