CHAPTER 11

1.3K 12 0
                                    

THIRD PERSON POV

Dahil sa impit na ungol ni Michelle ay hindi na nakapagtimpi si Ian at tinawid ang pagitan ng mga labi nila ni Michelle para halikan ang babae, ngunit mabilis na iniwas ni Michelle ang mga labi niya at tumama sa kanyang kaliwang pisngi ang mga labi ni Ian. Ninamnam niya ng ilang segundo ang nakalapat na mga labi ni Ian sa kanyang pisngi.

Ibinuka ni Ian ang bibig at tumama ang mainit na hininga nito sa pisngi ni Michelle. Malalalim ang ginagawang paghinga ng lalaki na nanatiling nakabuka ang bibig at ang mga labi ay nakadampi sa kaliwang pisngi ni Michelle. Gusto nitong abutin ang mga labi ni Michelle ngunit sapo ng babae ang mukha nito kaya kontrolado ni Michelle ang galaw ng ulo ng lalaki.

Nahihirapan ang loob na muling nagsalita si Michelle.

Michelle: Please, Ian. Hu-huwag mo akong pahirapan. Ka-kapag hinalikan mo ako, magkakasala tayong muli sa aking pinsan. Kay Rannicia.

Nang marinig ang pangalan ng asawa ay biglang nanigas ang katawan ni Ian. Parang napasong biglang inalis ang pagkakakapit ng mga kamay nito sa baywang ni Michelle. Pero hindi hinayaan ni Michelle na makalayo si Ian sa kanya. Sapo pa rin niya sa dalawang palad ang mukha ni Ian.

Sa pagkakataong iyon ay humarap nang muli si Michelle kay Ian. Hindi na muling sinubukang abutin ni Ian ang mga labi ng pinsan ng asawa, ngunit nanatili pa ring nakabuka ang mga bibig nito at sunud-sunod ang buga ng hangin. Damang-dama ni Michelle ang init ng hininga ni Ian na dumadampi sa kanyang mukha. Napapikit siya sa sobrang sensasyon.

Nang muling magsalita si Michelle ay iminulat niya ang mga mata at idinikit niya ang kanyang noo sa noo ni Ian na naging dahilan para magdikit ang tungki ng kanilang mga ilong. Magkadikit ang kanilang mga noo at mga tungki ng ilong ngunit ingat na ingat si Michelle na huwag magdampi ang kanilang mga labi ni Ian.

Michelle: Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin na kasama kita rito sa bahay na ito, nakikita araw-araw, naaamoy ang nakababaliw mong amoy gabi-gabi, ngunit wala akong magawa. Dahil wala akong karapatan sa iyo.

Nanlalaki ang mga butas ng ilong ni Ian dahil sa pag-aalburuto ng pagnanasang nararamdaman nito para kay Michelle. Amoy na amoy nito ang mabangong hininga ni Michelle na tumatama sa mga labi at magkabilang pisngi nito. Gustung-gusto na nitong paghugpungin ang mga labi nilang dalawa ngunit ipinapaalala ng babae na isang malaking kasalanan kung tutugunan nila ang pagnanasa sa bawat isa.

Umanggulo ang ulo ni Michelle na parang nakikipaghalikan ngunit ang kaibahan ay hindi magkalapat ang mga labi nila ni Ian. Nakabuka lang ang kanilang mga bibig at sunud-sunod ang buga ng hangin papasok sa bibig ng isa't isa. Tumagal iyon ng ilang segundo. Napapapikit sina Michelle at Ian sa sobrang sensasyon. Ilang beses nagbukas-sara ang mga palad ni Ian sa pagpipigil na hablutin ang baywang ni Michelle. Dahil tama ang babae. Mali kung may mangyayari sa kanila. Asawa nito si Rannicia at si Rannicia ay pinsan ni Michelle.

Maya-maya ay inalis ni Michelle ang pagkakasapo ng kanyang mga kamay sa magkabilang pisngi ni Ian. Inilayo niya ang kanyang ulo mula rito ngunit sinubukang habulin ni Ian ang kanyang mukha na parang ikamamatay nito kapag itinigil niya ang pagpapasa ng hangin sa loob ng bibig nito. Muling iniwas niya ang mga labi at tumamang muli ang mga labi ni Ian sa kanyang pisngi.

Sa pagkakataong iyon ay hinayaan ni Ian ang sariling dampian ng mga halik ang pisngi ni Michelle. Ninamnam ni Michelle ang mga mabibining halik ni Ian sa kanyang pisngi ng ilang sandali bago iniiwas ang mukha.

Nahihirapang muling nagsalita si Michelle.

Michelle: Ian, please...

Hinawakan ni Michelle ang magkabilang braso ni Ian at inilayo ang katawan ng lalaki mula sa kanya.

HomewreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon